Ika-Lima

0 2 0
                                    

LAXLIE CASSANO

“Masaya ako at nakabalik ka na!”

Sa masayang paraan ito sinabi ni Juan,pero tila sobrang lungkot ng tono nito.Ang daming pumasok na katanungan sa isip ko at ang daming katanungan na gusto kong itanong sa kanya pero di ko magawang iawang ang mga labi ko.

Tanging gulat lang at pagkabigla ang lumabas sa pagkatao ko,di ako makapag salita at makapaniwala sa simpleng salita na sinabi nya.

‘Nakabalik?’

E akala ko ba gumagalaw ang katawan ko sa loob ng isang buwan?Akala ko ba kumikilos pa rin ang katawan ko kahit na di ko alam?Yun ang sabi ni Lallexus.

Gigisingin nila ako dahil sa palagi ko daw sinisigaw ang pangalan ni Alched,at kapag nagigising parang isang magandang paraiso ang ang nasa isipan ko dahil palagi daw akong masaya,naging mas mabait daw ako,lahat daw binibigay ko,pumunta daw kami sa kung saan saan tapos,aalis daw ako ng bahay na maayos ang lahat at sumasabay daw ako sa kanila,bagay na di ko ginagawa,tapos nag tataxi daw kame!Bagay na ayoko!Aalis ng nakangiti,uuwe ng masaya at parang di napagod sa maghapon,kabaliktaran sa totoong ako.Dahil walang reaksyon na makikita saken twing aalis at uuwe ako dahil pagod ako at walang ganang makipag ngitian sa kanila.At higit sa lahat,araw araw ko daw sinasama si Juan sa bahay!

Nangunot ang noo ko at inilag ang muka ko nang kinaway ni Juan ang kamay nya sa harap ng pamumuka ko.“Ano bang ibig mong sabihin?”seryosong tugon ko.

Naiinis ako sa totoo lang,marami pa ring katanungan ang nandito at namumuo sa isip ko,idagdag mo pa itong pumupunta si Juan sa bahay na ako DAW ang nag sasama!Bagay na HINDING HINDI ko gagawin!

“A-h hehehe wala sabi ko namiss kita,tara na!”biglang bawi nito at hinawakan ako sa siko para mag pa tuloy sa pag lalakad pero hinablot ko ito at huminto.

“Totoo ba?”panimula ko,lumingon ito saaken at nagtatakang tumingin saaken.Wala pa man ako sinasabi pero makikita mo rin ang kaba sa mga mata nito.“Totoo bang pumupunta ka sa bahay?”seryosong tanong ko at ikinabigla nya ito.Kita ko rin ang pag kabalisa nito na parang di alam ang gagawin at sasabihin.

“Ah ano kasi,g-ganito k-kase y-yun a-an--”

“Oo? o Hindi? ”deretchang pag papapili ko sa kanya.

Nangunot ang noo ko nang makitang tila marami syang gustong sabihin saaken na  di nya lang masabi dahil sa kabado ito at balisa.

‘May nangyare ba na hindi ko alam?’

'Natural marami,di mo nga alam na isang buwan ka nang nasa panaginip mo diba?'

Bumuntong hininga ako at hinawakan sya sa balikat upang pakalmahin dahil para itong di mapakaling daga sa sobrang pagkabalisa.

“Hindi kita pipilitin sabihin kung ano ang totoo,pero kung sana lang ay sabihin mo saaken lahat nang nangyare nitong nakaraang buwan dahil maniwala ka man o hindi,wala akong maalala”kalamadong anas ko.Na nagpatigil sa kanya.

May nangyari nga,sa nakikita ko sa reaksyon nito ay parang pinag sukluban ng langit at lupa sa dahilang hindi ko naalala ang mga nangyare na magkasama kame,“Ayos ka lang ba?”medyo nag aalalang tanong ko.

Namula ang mga mata nito na dahil sa nag babadyang mga luha kaya mas nataranta ako at di alam ang sasabihin o gagawin.Pero natigil ako nang ihiga nito ang noo sa balikat ko na parang pagod na pagod.

L i h a mTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon