LAXLIE
MAAGA akong gumising upang ipaghanda ng umagahan ang mga kapatid ko,hindi pa rin mawala sa isip ko ang napag usapan namin kagabi ni Ariwanas.
Pagkatapos kong asikasuhin ang sarili ay nag luto na ako ng agahan.Kaya ko bang iwan ang mga kapatid ko?Hindi ba parang napaka makasarili ko naman kung gagawin ko ito nang hindi manlang iniisip ang kapatid ko?
Para ko naring ginawa ang pang iiwan nila mama saamin.Para ko na rin silang trinaydor.Ang hirap,ayokong magkaroon sila ng sama ng loob saaken.Gusto ko silang maging masaya at matupad ang mga pangarap nila kasama ang plano ng Diyos sa buhay nila.
Pero paano kung iiwan ko sila??Sino ang mag aalaga sa kanila?Alam ko namang hindi sila papabayaan ni Ariwanas pero mas gusto kong ako ang magalaga sakanila.
‘Patawad kung ako mismo ang sumira ng pangako natin sa isa't isa na hindi ko kayo iiwan gaya ng pang iiwan nila Mama sa'tin'
Bumuntong hininga ako ng ilang beses para lang maibsan ang bigat dito sa dibdib ko pero parang walang epekto.
Tama ba ito?Baka sakalin ako ng mga magulang ko kapag nagkita kame.
'haist'
“Ate ayos kalang?”kalamdo ngunit nagulat ako sa biglang pag sulpot ni Lance sa tabi ko.
Gulat ko itong nilingon“O-oi gising ka na pala”
“Ate bat ka umiiyak?”nag aalalang tanong nito.
Mas nagulat ako at kinapa ang sariling muka,umiiyak nga ako.Mabilis akong tumalikod at pinunasan ang muka.“W-wala,gutom na kase ako”pag dadahilan ko
‘ang ganda ng palusot,patay gutom lang?’
“Bakit di ka ba kumain kagabi ate?”biglang sulpot ni Lal habang kumukuha ng plato,na di ko napansing nandito pala.
Nilingon ko ito at nginitian,“Nakalimutan ko e,”nakangiting sabi ko,pero talagang hindi ako kumain dahil nawalan ako ng gana nang makitang si Ariwanas ang nasa imahe na kasama si Juan.“Kayo ang aga nyo namang magising,bago yan ah.”nanunuksong ani ko
Nagkatinginan ang dalawa,“Hah?!E araw araw tayong ganito ate e,palagi ka naming tinutulungan sa pag hain ng agahan dahil ito ang unang rules natin sa bahay,ayan pa nga oh nasa ref.”nagtataka man ngunit pinaliwanag ito ni Lance.
Nilingon ko ang katabi kong ref.
May roon sticky notes doon..
House Rules
1.Tulungan si Ate Laxlie mag handa ng umagahan.
2.Sabay sabay papasok sa skwelahan.
3.Si Lance mag huhugas sa umaga,si Lal ang sa tanghali at si Juan ang sa gabi.
'Si J-juan?!’
Napalingon ako sa dalawa na inilalagay na ang ulam at kanin sa lamesa.“Si Juan ang sa gabi?Anong ibig sabihin nito?”nagtatakang tanong ko
Ngayon ko lang napansin ito simula nung magising ako ay di ko napansing may ganito dito sa ref.
“e? ”tanging tugon ni Lance
“Kayo ni Kuya Juan ang gumawa nyan ate”kumakain nang tugon ni Lal saaken.
0_0
Napaamang ako,
BINABASA MO ANG
L i h a m
Historical Fiction"Di lang ako makapaniwala na ang taong mahal ko ay mahal din pala ako,pero ang masklap lang na magkaiba ang aming mundo."-Laxlie Cassano "Ang daya noh,kung kelan meron na kaming pag asa ngayon naman kami nawalan ng pagkakataong magkasama"-Laxlie Cas...