Nine

11 1 0
                                    

*Tok *Tok *Tok*

Pagkatapos kung tumakbo kanina at mag emot eh umuwi na ako sa bahay tsaka nagbihis at nagpasyahang bisitahin si Kai. He he. Mabuti nga at pinayagan ako nila Daddy at Mabuti rin at pinayagan ako ni Mommy mag luto sa kitchen niya. Kaya Andito ako ngayon sa tapat ng pintuan ng bahay nila Kai bitbit ko ang isang malaking kaserolang naglalaman ng paborito niyang Kaldereta.

How-to-ligaw-Kai-second-Moves
Always cook for him

Sabi nga daw nila 'a way to a man's heart is through his stomach'

Marami-rami din akong naluto, balak ko sanang mag-iwan sa bahay kaya kang pagkatapos tikman nila Mommy at Daddy yung niluto ko ay sinabi nila agad na huwag nalang daw ako magtira at baka mag ka LBM sila sa Sarap ng luto ko. Kaya ayun!

"Angelyn naku Mabuti at napadalaw ka ulit" si Mama sabay Hug sakin.

"Naku Mama ako pa ba eh mukhang araw-araw na ako dito dadalaw"he he sabay yakap din.

"Kahit dito ka tumira,welcome na welcome ka dito sa bahay"

"Talaga poh--"

"Ma" naudlot ang tanong ko Sana ng may nag salita. Sumilip ako sa likuran ni Mama at tama nga! Si Kai. Heheh

"Hi!Asawa ko! ^_^"

-_-

"Oh anak?" Sabi ni Mama

"Mag dinner na poh tayo gutom na poh ako" -_-

"Naku tamang tama pala ang dating ko, Naku Kai may dala ako ngayon ng Ulam yung paborito mong kaldereta naku masarap to halika tikman mo" sabay kapit sa Braso niya at hinatak siya papuntang kusina si Mama naman sumunod samin.

Nang makaupo na kami pinagsandok ko ng kanin si Kai kaso--

"May Kamay ako" -_- pinigilan niya ang kamay ko saka kinuha sakin ang service spoon tsaka siya na ang nagsandok.

Pero dahil sweet ako pinagsandok ko pa rin siya ng niluto ko kaya ayun, halos Kalahati ng niluto ko napunta sa pinggan niya.whahaha. di bale masarap naman.

"Sige na Kai i-try mo na yung luto ko" pangatlong sabi ko nayan sakanya, ni Hindi kasi niya ginalaw tinititigan niya lang.

May mali ba sa niluto ko?.

Nakita ko si Mama na nakatingin rin sa kaldereta.

"Mama ikaw rin poh i-try niyo ring tikman yung niluto ko hehe" saka pinagsandokan ko rin si mama pagkatapos bumalik na ako sa tabi ng upuan ni Kai.

"Kai Asawa ko Sige na itry mo" pangungulit ko ulet. Nilapit niya ang mukha niya don sa ulam at mukhang inamoy-amoy.

"Niluto mo to?" -_- sabi niya habang sinimulan niyang hawakan ang mga kurbertus.

"Oo naman noh. Ah! Alam ko na! Siguro nag aalangan kang kainin, kasi baka nilagyan ko ng gayuma no?" Sabi ko habang nagtatampo "naku! Wag kang mag-alala dahil hindi natuloy yung balak ko sana, naku pasalamat ka dahil wala ng mabibiling gayuma ngayon sa drugstore kaya wag kanang mag-alinlangan Asawa ko dahil 99% sure akong walang gayuma yan"

"Whahahha"tumawa si Mama

Nagning-ning ang mga mata ko ng sinimulan niyang hiwain ang karne at isinubo.

At mabilis pa sa isang segundong tumayo siya at nagpunta sa lababo at iniluwa yung karneng sinubo niya. Kaya sinundan ko naman agad siya.

"Wah! Kai! Ikaw kasi eh excited kang lunukin agad hindi mo man lang muna ninguya yan tuloy nasamid ka" hagod ko sa likod niya pero kinuha niya ang kamay ko at niwaslik palayo. Bat na naman siya galit?! Wala naman akong ginawa ah!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Crazy Little GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon