Five

11 1 0
                                    

Gandang ganda ako sa sarili ko habang naglalakad ako papuntang classroom ko.


Maganda ako noh! May angal ka?

Habang palapit ako ng palapit may tumitili namang babae

May nakita akong tumpok ng mga babae at saka bakla na parang vinabibrate yung kanila sa kakatili.

Napatigil ako ng makita ko siya na nakasandal sa Dingding ng classroom ko habang nakatungo.

Bat kaya Andito siya?


Biglang tumingin siya sa kinaroonan ko atsaka nag lakad sa direksyon ko ata?

Tumigil siya sa paglalakad ng nasa harapan ko na siya kasabay non ang pag tigil ng pagtili ng mga bakla saka babae.

"Kai..." Sambit ko. Hindi ko mapigilan ang ngumiti "Bat ka nandito sa tapat ng classroom ko..oh my goshie! Dont tell me,  liligawan mo ako--huh?!" nakanoot ang noo ko ng ilahad niya ang kamay niya sakin na parang may hinihingi siya.

Tange ka talaga angel Syempre hinihingi niya ang kamay mo.


Mabilis ko naman inilapat ang kamay ko don sa kamay niyang nakalahad


"Ikaw naman pwede mo namang sabihin na 'Pwede bang hawakan ang kamay ng isang Anghel na katulad mo?'- huwag kang mahiya nako tayo-tayo lang naman dito-"


Napigilan ako sa pagsasalita ng itaboy niya ang kamay ko na kalapat.

"Wala akong pakealam sa kamay mo. Yung Jacket ko ibigay mo sakin"-_-


Agad naman akong namula kasabay non ang paghalakhak ng lahat ng taong nakapaligid samin. Tingingnan ko nalang sila ng masama hmp mga insecure


Agad kong binalik ang tingin ko kay Kai na nakalahad pa rin ang kamay


"Ahh--kai.... Ano ka-kasi naiwan ko yung jacket mo sa bahay, wag kang mag-alala ibabalik ko sayo yun pag nakapunta ako sa bahay niyo"   nilakasan ko ang huli kong sinabi. Ahaha oh ano nakapunta na ba kayo ng bahay ni Kaiden?!

Nanlaki naman ang Mata nilang lahat kaya tinaasan ko sila ng kilay.

Whahahha

"Okay" -_- sabi ni kai saka naglakad na paalis.

Dahil nag bell na pumasok naman ako ng classroom ko.

The Truth is...

Nasa bag ko lang yung jacket niya, Sorry Kai huwag kang mag alala isasauli ko rin sayo bigyan mo lang ako ng time. Time para halayin ka kahit sa jacket mo lang.

Lunch

At cafeteria

"Whahhah grabe.. Epic ka talaga kahit Kailan Angel bwaaaa" tawang tawang sabi ni Sol habang kinikwento ko yung nangyari kaninang umaga sa kanya.


"Wag mo nga akong tawanan Syempre lahat naman talaga ng babae maiisip na kapag nilahad ng isang lalaki ang kamay nila sayo Syempre ibig sabihin non na hinihingi nila ang kamay mo"

"Uy hindi ah..pwede din naman humihingi ng piso"


"Ha-ha ang funny mo mag joke">:)

His Crazy Little GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon