Hana

24 7 0
                                    

Isang araw ay misteryosong hindi nagkaroon ng bukang liway-way, bagay na ikinabahala ng sangkatauhan.

Isa iyang sumpa!

Nalalapit na ang pagtatapos ng mundo!

Magsipag handa sa katapusan ng sanlibutan!

Samo't saring sigawan nila sa paligid habang si Hallow ay prente lang na nakaupo at sumisimsim ng inumin.

"Napaka prente mo naman diyan? Nagpapanic na kami ikaw nakuha mo pang ngumiti?!" Sigaw ng kaibigan niyang si Bathala. Kakaibang pangalan ng kaniyang kaibigan na salungat sa ugali nitong pinapakita.

"Ano kaba Bathala, hindi pangkaraniwan ang nangyari ngunit naniniwala kabang katapusan na ng mundo? Sa Argentina ay ni minsan hindi sila nagkaroon ng araw sa kanilang lugar, dahil East side ang Argentina. Sa baba sila ng mundo." Mahabang paliwanag ni Hallow kay Bathala na hindi niya magawang saktan o murahin dahil nakokonsensya siya.

"G-Ganun ba, patabi nga." Saad ni Bathala at mabilis na itinulak si Hallow sa upuan gamit ang kaniyang balakang. Matagal na ang pagkakaibigan ni Bathala at Hallow, sa madaling salita ay halos muka na silang pinag dikit na bunga.

Hindi naglaon ay wala na silang ibang nagawa kung hindi magbalot ng mga gamit at sumama sa mga taong nililisan ang lugar.

"Sasama ba talaga tayo? Wala ng magiging tao sa lugar na ito at maraming bukas na istablisyemento na libreng kainan." Saad ni Bathala na hindi manlang nakonsensya kahit para nalang sa ngalan niya.

"Loko ayoko, hindi tayo gagawa ng bagay na pagsisihan rin natin sa huli." Saad ni Hallow at sumunod na sa paglalakad.

Gabi na at madilim, walang silbi ang sulo sa lakas ng hangin.

Tama ka, mayaring gawin nalang natin ito bukas makalawa.

Dahil sa usapang iyon ng kung sino ay hindi natuloy ang ginawang paglisan, bagkus ay bumalik sila sa kaniya-kaniyang tahanan. Mabuti nalang at nasa modernong bansa na sila at mayroon na silang bagay na maaring magsilbing liwanag sa madilim at malamig na umaga.

Sa orasan nalang nila malalaman na dapit hapon na dahil walang nagbago sa langit, madilim  at kahit bituin ay wala silang makita. Bagay na mas nakakapanibago para sa lahat.

Sa kalagitnaan ng hapon ay bitbit ni Hallow ang gasera na may takip upang hindi mabalot ng hangin. Isang dalaga na may sugat sa braso ang lumapit sakaniya.

"Maari mo ba akong tulungan?" Nanghihina nitong saad at pa ika-ikang lakad nito. Hindi alam ni Hallow ang gagawin dahil mukang mayroon itong natamong sugat, dahilan upang ika-ikang maglakad ito.

Walang minuto na pinalipas si Hallow at agad hinubad ang makapal na jacket, bagay na bumabalot sa kaniyang katawan para ibsan ang lamig.

"Pero paano ka?" Tanong ng babaeng sugatan sakaniya, pagkatapos nitong ibalot sa katawan ng babae ang jacket.

"Iba ang katawan ng babae sa lalake, hindi naman hamak na mas malakas ang resistensya ko kaysa sa katawan mong patpatin." Saad ni Hallow sa babae.

"Pero nanga-ngatog ka?" Saad ng babaeng sugatan at tinanggal ang balot sakaniyang katawan.

"Bakit mo tinanggal? Mas mainam na ikaw ang mainitan." Saad ni Hallow. Tulad ng kaniyang inang namayapa kasama ang dapat ay magiging kapatid niyang babae, ginagalang niya ang bawat babae.

"Isakay mo ako sa iyong braso upang pareho tayong mainitan." Nakangiting saad ng babaeng sugatan na agad namang pinaunlakan ni Hallow.

Suot ni Hallow ang jacket na sumasakop sa kalahati niyang katawan, habang ang kalahati ay sa katawan ng babaeng sugatan.

Nakarating sila sa tinutuluyan ni Hallow at Bathala ay laking gulat ni Hallow ang nanlalaking mata ni Bathala.

"Lumabas kalang saglit para bumili ng inumin, babae ang binili mo?! Dude alam ko namang sawi ka sa pag ibig, pero respeto naman saaking hindi na nga katipo-tipo tapos hindi rin sineryoso!" Mahabang pagrereklamo ni Bathala na akala mo naman ay may saysay para kay Hallow.

"B-Bathala?!" Gulat na sigaw ng babaeng sugatan at mabilis na tumakbo sa likuran ni Hallow, habang may nanginginig ang kamay na tinuro si Bathala.

"Oh ikaw pala iyan Hana." Saad ni Bathala na mayroong malaking ngiti na akala mo matagal na silang hindi nagkita ni Hana.

"Ilayo mo ako dito, parang awa mo na." Bulong ni Hana habang nasa likuran siya ni Hallow.

"Walang agawan ng chicks dude!" Sigaw ni Hallow na ikinatawa ni Bathala.

"Wala akong balak, dahil dati pa siyang akin." Naging bulong nalang ang huling sinabi ni Bathala at tumalikod na.

Hinarap ni Hallow si Hana at sinabing wala siyang alam na posibleng tuluyan ni Hana.

"Tulungan mo akong mahanap ang kamag anak ng magulang ko." Saad ni Hana at bahagya pang pinilit ang sarili na gumawa ng pekeng luha upang mapapayag si Hallow.

Gawa ng luha ng babae ang kahinaan ni Hallow.

Agad din nuong hapong iyon ay nagpaalam si Hallow na lilisan muna sa lugar kasama si Hana, bagay na dapat ay ikatututol ni Bathala.

"Ako si Hana ang dyosa ng araw, si Bathala ang aking kalaban. Ang iyong kaibigan." Deretsong saad ni Hana upang agad na maliwanagan si Hallow. Ayaw niyang mangapa pa ang lalaki sa nangyayari.

"Si Bathala? Hindi siya Bathala, isa siyang tao na kasalungat ang ugali sa pangalan." Saad ni Hallow na natatawa pa habang iniisip ang magiging itsura ni Bathala kung totoo man ang sinabi ng babaeng nasa harapan niya.

"Sa maniwala ka o hindi, si Bathala ang kumitil sa buhay ng aking magulang. Kailan mo siya nakilala? Bagkus ay nakakasigurado akong kailan lang siya pumasok sa buhay mo." Saad ni Hana gamit ang seryosong tingin na ibinigay kay Hallow.

Malalim na napalunok si Hallow sa sinseridad sa boses ni Hana, ang dyosa ng umaga.

"Gusto kong maniwala saiyo, ngunit may bagay na pumipigil saakin." Saad ni Hallow na hindi na maintindihan ang nangyayari. Ngayon niya lang napag tagpi-tagpi ang nangyayari.

Walang araw dahil ang dyosa na tagapangala nito at nasa mundo nila at naglalagi, dumating si Bathala sa panahong hindi niya inaasahan.

"Ang enerhiya ni Bathala, nakapalibot saiyo!" Sigaw ni Hana at mabilis na gumawa ng espadang kulay pula, mabilis niyang itinarak ang espada sa puso ni Hallow.

"A-Anong ginagawa mo?!" Sigaw ni Hallow at hinawakan ang kumikirot niyang dibdib, nawala ng paunti-unti ang ala-ala niya kasama si Bathala.

"Pasensya na, kinailangan ko iyong gawin." Saad ni Hana at pinaikot ang espada sa kaniyang palad. Naglaho ito na parang bula.

Magkasing Init-HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon