Nagtungo saglit si Hallow sa palikuran, nakita niya si Bathala sa loob nito na parang may hinihintay.
"Hallow! Baliw yata yung babaeng iyon, bigla nalang akong sinuntok!" Sigaw ni Bathala habang pinapakita ang muka nitong may bangas.
"Hayaan mo na at kunyari naniniwala ako sa iyo." Saad ni Hallow at pumasok na sa isang banyo. Agad namang nagbagong anyo si Bathala at pumormang siya si Hallow.
Naglagay siya ng enerhiya na pumapalibot sa banyong pinasukan ni Hallow, binigyan niya ng dahilan si Hallow para magtagal sa palikuran.
Lumabas siya na ang gamit niyang muka ay ang wangis ni Hallow, bagay na hindi pinansin ni Hana.
"Maghihiganti ako." Saad ni Hana at hinarap si Hallow na nasa katawan ni Bathala.
Hindi pa alam ni Hana ang gagawin ngunit ramdam niya ang kakaibang enerhiya na nakapaloob sa Hallow na nasa harapan niya ngayon.
"Bakit Hana?" Tanong ni Hallow dito nuong kunot nuo itong tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang braso.
"May sorpresa ako saiyo." Saad ni Hana at pinakita ang 'Salamin ng katotohanan." Dito ay lumabas ang totoong wangis ni Bathala na kaniya ring ikinagulat.
"A-Ano?!" Sigaw ni Bathala at mabilis na tumakbo sa kung saan, habang ang totoong Hallow ay kakatapos lang maglabas ng sama ng panahon.
"Uy Hana!" Sigaw ni Hallow at mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Hana.
"Hindi ako mang-mang." Saad ni Hana na ikinagulat ni Hallow.
"Pasensya na napatagal, ang sakit talaga ng tyan ko. Hehe..." Saad ni Hallow at bahagya pang napakamot ng ulo.
"Hindi ako mang-mang!" Sigaw ni Hana na ikinagulat ni Hallow. Mabilis siyang lumapit dito at pinapakalma, ngunit huli na ang lahat.
"Tumigil kana! H-Hallow?" Buong pwersa na gumawa si Hana ng isang malakas na enerhiya at ibinaon ito sa puso ni Hallow. Punong-puno ng puot at hinanakit ang enerhiya na pinasok ni Hana, na inakala niyang si Bathala ang nakapaloob.
"Magaling Hana, ikaw mismo ang sumira sakaniya. Ang sugo ng mga taga lupa, mukang hindi kuna kailangan magpakahirap na pakisamahan siya." Nakangiting usal ni Bathala at magpakita ng kaniyang totoong anyo.
"A-ano?!" Saad ni Hana at mabilis na nilingunan si Bathala. Huli na ang lahat dahil mabilis na naitali ni Bathala ang 'Lubid ng wakas' sa katawan ni Hana.
Kahit dami sa balat ay kaya nitong wakasan ang iyong buhay, gawa ng ito ay mayroong nakakamtay na enerhiya.
"Traydor ka! Sabi ko walang agawan ng chicks." Saad ni Hallow at mabilis na sinugod si Bathala. May hawak ngayon itong 'Liwanag sa dilim.' at idiniin sa katawan ni Bathala.
Mistulang mahika na nagliwanah sa paligid pagkatapos ingud-ngod ni Hallow ang liwanag sa katawan ni Bathala.
Agad na pumutok na parang bula si Bathala at naglaho, gayundin si Hana na mabilis kinuha sa taas.
Saglit na oras lang ang nalagas at marami ng pangyayari sa lugar na tanging si Hallow lang ang nakaka alam.
Hindi nagawang mahanap ni Hana ang kaniyang kamag anak, dahil agad sila hinarang ni Bathala ang tuso sa lahat.
BINABASA MO ANG
Magkasing Init-Hana
FantasyComplete Isang gabing di namamalayan, oras ay lumilipas. Hindi sumikat ang araw at nagkagulo ang lugar. Babaeng hindi kilala ay nagdala ng malaking sakuna. Sa magulong kwento na kaniyang kinasasangkutan, napagkamalan pang. Sapat na nga bang patayin...