Sino ka kung hindi kita kilala.

33 5 7
                                    

About story:
Isang dyosa ang napadpad sa puno ng mangga, sa kadahilanang pagtakas niya mula kay ApoLaki. Dala ng pagod at buong lakas na pakikipag laban para kay Mayari ay kusang bumigay ang katawan ni Tala, ang kaunting lakas na natira ay kaniyang ginamit upang makalayo-layo.

Pag ibig nga ba ang magiging daan para sa kapayapaan o pag ibig ang magiging hadlang para makamit ang kapayapaan?

Sabay'sabay nating tuklasin ang Kwento ng isang diwata na napadpad sa mundo ng mga tao.

Madilim na sa labas at halos huni nalang ng kuliglig ang naririnig ko. Humuhuni ba ang kuliglig? Tanong ko saaking sarili.

Pasaway, bakit ba ako nandito sa labas at kinakausap ang mga bulaklak ni Mama? Tanong ko sa sarili ko at bahagyang umatras dahil sa narinig kong kaluskos.

"Anak Hans nadiligan mo naba si Anika?!" Sigaw ni Mama mula sa bintana sa second floor. Kung iba makakarinig sa kaniya ay iba ang iisipin, bakit kasi kailangan niyang pangalan ang bawat bulaklak dito sa bahay.

"Opo ma! Patapos na ako—hala!" Gulat kong sigaw nu'ng biglang may nalaglag na kung sino mula sa puno ng mangga. Hindi ko napigilang pantayuan ng balahibo sa gulat, kakakape ko ito.

Mabuti nalang at hindi na nakadungaw si Mama sa bintana. Nakakatakot mang lapitan ay wala akong ibang choice kung hindi ay kalabitin gamit ang patpat na nakita ko dito sa bandang bato. Hindi naman siguro manunutok bigla ito?

"M-Miss. Buhay paba ito?" Tanong ko sa sarili ko. Mabuti nalang ay nakita ko kung paano gumalaw ang maliit niyang daliri.

"M-Muerte...Mayari." Narinig ko ang mahinang tinig niya kaya mabilis akong lumapit sakaniya.

"Miss...okay kalang?" Agad na nagtagpo ang aming mga mata, nakuha ng aking atensyon ang kaniyang kumikinang at nag aalab na mata. Nakikita ko kung gaano siya kagalit ngayon, nakakatakot.

"Muerte!"Sigaw ni Babaeng Liwanag at wala na akong nagawa kung hindi pumiglas at hilain ang kamay niyang ngayon ay nakasakal saakin.

"M-Miss saglit! Ack! Sagl—aray huy!" Pigil hininga kong ginawa ang dapat hindi ko nalang ginawa.

"Bakit ka nanunulak taga lupa?!" Sigaw niya saakin na parang ako pa may kasalanan, pa victim masyado.

"Sinakal mo ako, alanganamang halikan kita." Saad ko sabay kamot ulong tinalikuran siya.

Nakita ko ang bahagya niyang pagtikhim na ikinatawa ko. Kung saan mang lupalop ito galing at babae parin siya, walang nakakahindi na kakisigan ko.

"Ano ang iyong ngalan taga lupa?" Seryoso niyang sabi habang may tila kinakapa sa likuran. Mabuti nalang at nakuha ko na ang kanina ay yakap niyang sibat.

Hindi ako sumagot at bahagyang namulsa nalang, sabay ang malalim kong titig sakaniya. Kung sino man siya ay hindi dapat na ako ay matakot.

Lalaki ako, babae siya.

"Taga lupa sumagot ka kapag tinatanong kita!" Sigaw niya sabay ang arko nito ng katawan na tila nasasaktan, wala na siyang naging laban nuong buhatin ko siya at magsinungaling maglakad papasok sa loob.

"Anak! Pinagdilig lang kita may babae kana?!" Nakalimutan kong gising pa pala si mama. Tahimik namang nakahilig saakin itong si babaeng liwanag, kaya sinabi ko kay Mama na wag nalang mag ingay.

Narinig ko pa ang impit ni Mamang  tili na akala mo tinakasan na ng bait sa katawan.

Nakakagulat na talaga? Sabagay sino ba naman kasing matino ang nagdilig lang at nagkaroon na ng babaeng hawak.

"Anak! Aalis lang ako saglit!" Sigaw ni Mama bago ko maisara ang pinto sa kwarto. Dis oras ng gabi at nakuha pang magligalig sa labas.

Mula sa bintana ay tinanaw ko si Mama bago tuluyang mahati ang katawan at lumipad—biro lang. Nakita ko siyang sumakay sa tricycle at nagpaalam na.

Magkasing Liwanag-TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon