Pagkakakilanlan

14 5 0
                                    

Sino kaba talaga?

Ilang gabi ngunit hindi parin nagigising ang babaeng ginawa ng pahingahan ang kwarto ko. Akala ko hindi na humihinga, kaso nuong paglapit ko sa muka ko para tignan ang paghinga niya nahampas ako.

"Nagpapahinga ako taga lupa." Saad niya bago tuluyang natulog ulit. Marami akong gustong tanungin sakaniya ngunit alam kong pagod siya kaya hindi ko na binalak pa siyanng guluhin.

Hindi ako naniniwala na pangkaraniwan siyang tao o na depressed lang siya at umakyat sa puno ng aming mangga, hindi ganun iyon. May kakaiba akong nararamdaman sakaniya, hindi pagmamahal ang landi naman.

Mahigit isang linggo na siyang walang kahit anong kinain—meron pala. Kahit ayaw niya ay pilit ko siyang pinapakain ng lugaw kahit magalit pa siya. Nakapag bihis pambahay pa siya dahil napaka rungis ng kaniyang kasuotan.

Ngunit tulad nga ng sabi ko kanina, pagkatapos nuon ay hindi na muli siyang nagising pa.

"Anak Hans!" Sigaw ni Mama mula sa taas kung nasaan naparoon ang kwarto ko.

Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng mga halaman ni mamang bagong bili. Hindi ko tuloy alam kung plantita ang tawag kay Mama kahit hindi naman tita.

"Yes Mamita?" Ngiti kong bungad sakaniya na ikinanuot niya ng nuo. Aga-aga napaka maldita ng nanay ko.

"Anong Mamita?!" Galit niyang saad. Hayst.

"Hindi ka tita para maging plantita, kaya Mamita. Yes Mamita, yes!" Saad ko na kanina pa nagpipigil ng tawa. Nasabi ko naba na ang sarap asarin ni mama? Pwes sinabi ko na.

"Nak baliw kaba?" Nagtatakang tanong nito saakin. Gusto kong tumakbo dahil baka mamaya batuhin ako ni mama ng tambo, kaso wag na tinatamad ako tumakbo.

Lumabas nalamang ako saglit at nagpalamig, wala naman sigurong masama. Naging gawi ko na lamang na lumabas tuwing magulo ang isipan ko, hindi ko alam kung anong Meron sa labas bukod sa mga dumi ng aso at pusa na naghalo nalang.

Magkasing Liwanag-TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon