Makaraan ang ilang linggo ay tila nagbago si Tala. Hindi na siya ang Tala na dati kong nakilala, merong bagay sakaniya na ako ay may naramdaman.
"Hans?!" Sigaw ni Tala mula sa baba kasama si Mamita,Tama nga yata at baka nagpapabango lang itong si Tala kay Mamita at manliligaw na saakin.
Mula dito sa bintana ay nakita ko si Talang papaakyat sa kinaroroonan ko, bitbit ang pagkain na hindi ko naman hiniling.
"Ano iyan?" Tanong ko dito. Bahagya pang namula ang pisngi nito at hindi makatingin ng deretso sa aking mga mata.
"Aminin mo nga, inlove kaba sakin?" Tanong ko sakaniya at natatawang pinagkatitigan siya.
TALA P.O.V
"Aminin mo nga, inlove kaba sakin?" Tanong saakin ni Hans and taga lupang ito. Hindi niya alam ang nararamdaman ko kaya't ipaparamdam ko nalang sakaniya. Kahit anong mangyari ay ayoko siyang masaktan sa huli, kahit na alam kong masasaktan parin siya.
Sa tagal na namalagi ako dito sa mundo ng mga tao ay isa lang ang namutawi sa lahat, at iyon ay walang iba kung hindi si Hans.
Hindi ako nagpahinga nang matagal dahil sa bawat galaw o saan man siya magtungo ay sinusundan ko siya. Sinundan siya ng aking enerhiya.
Bilang isang diwata ay may kakayahan akong gawin ang gusto ko, ngunit isang bato ang nagbigay kahinaan at kaya akong mapasunod.
Ang bato ng sandatahan, ang bato na gawa sa pinaghalong dugo ng mga sugo.
Sumapit na ang dapit hapon ay wala paring magawang matino si Hans, ang kutong lupa na ito.
"Bakit natahimik ka?" Bigla niyang tanong na nagbalik ulirat saakin, nakalimutan kong naguusap pala kami.
"Wala naman, naisip ko lang bigla kung paano isang araw ay mawala nalang ako." Saad ko dito na may mapait na ngiti sa labi.
"Hahanapin kita." Sagot niya na akala mo napaka dali lang.
"Paano kung hindi ako magpahanap?" Tanong ko dito pabalik na ikinatigil ko rin agad.
"Hahanapin parin kita Tala. Dahil alam ko na kung para tayo sa isa't-isa, hindi ako papabayaan ng tadhana." Sagot niya at magiging hinaplos ang aking pisngi. Hindi ko napigilang mapapikit sa lambot ng kaniyang kamay at sa masayang ala-alang kaniyang binibigay.
Dumating na ang oras.
Mahigpit ang yakap ni Hans habang naka higa kami sa iisang kama, gusto kong ilayo ngunit siya mismo ang naglalapit. Kailangan kong makahanap ng tyempo upang makatakas, may usapan na kami ni ApoLaki.
"Ako mismo ang tatapos sa minamahal mo o babalik ka sa mundo naten?! Tala wag kang magpaka mang-mang sa mga taga lupa!" Ang huling salitang binitawan ni ApoLaki bago lumisan.
"Paalam Mahal ko." Saad ko bago tuluyang maglaho sa dilim, kung saan naghihintay saakin si ApoLaki na mayroong maliit na ngiti sa labi.
THIRD PERSON'S P.O.V
Nagising si Hans na tanging unan nalang ang kayakap. Hindi niya napigilang mapaluha sa nangyari.
Gising na gising siya nuong kunin nila si Tala, ang pinakamamahal.
"Tulad nila, inagaw niyo ulit siya." Saad ni Hans, Mabilis na kinuha ang patalim at itinarak sa kaniyang dibdib.
Ako si Tala ang diyosa ng bituin at ito ang aking kwento.
—————
Kittywap14.
BINABASA MO ANG
Magkasing Liwanag-Tala
RomanceIsang diyosa ang napunta sa lugar ng mga tao, kung saan ang isang lalaki na nag didilig nang tahimik ay may matutuklasang isang bagay-isang diyosa. Ngunit sa tagal ng panahon ay napagalaman niyang dati na itong nangyari. Paano kung may pagkakataon p...