Jessica:
jessica ok ka lang ba?seryosong tanong ni ella, hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko, pero gusto ko munang lumayo, gusto kong lumayo sa lahat..
hindi ko makalimutan yung nangyari kanina,ang sakit para sa akin yung mga naririnig ko, at isa yun sa kinatatakutan ko..
flashback:
ilayo mo ako dito ella, gusto ko munang umalis dito..umiiyak na sabi ko nung hawakan niya ako sa kamay habang hinihingil sa pagtakbo.
jessica kumalma ka, wag kang paapekto sakanila nandito ako hindi kita pababayaan..habang pinapakalma niya ako, ayaw ko nang ganito kung buhay, ayaw kong umiiwas sa lahat pero hindi ko alam kung anong gagawin ko.
please ilayo mo ako dito..umiiyak paring sabi ko kaya mabilis siyang tumango..
sige magkita tayo sa daungan mamaya, hahanap ako ng bangkang pwede nating gamitin..seryosong sabi niya habang naglalakad na kame pauwi.
pagtapat namin sa bahay nagpaalam na din siyang aalis,naabutan ko naman si nanay na palabas ng bahay..
oh nandyan kana pala jessica, aalis muna ako ha.tumango nalang ako sakanya..
pag alis ni mama nag ayos na ako ng mga gamit ko, hindi ko alam kung pagkakataon ba to o sign na tama ang gagawin ko, hindi ako mahihirapang umalis ng bahay dahil wala sila mama at papa.
eof:jessica.. tawag ulit sakin ni ella na nagpabalik sakin sa wisyo
hindi ko alam ella,hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko..naiiyak na namang sabi ko kaya hinawakan niya ako sa likod para pakalmahin.
alam kong mahirap jessica pero hindi ka naman mag isa nandito ako..seryosong sabi niya kaya napahinga ako ng malalim saka nahawak sa tyan ko..
hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa akin pag alis ko dito sa isla..
tara na nandyan na yung bangka..si ella saka ako inalalayang tumayo, nauna na siyang maglakad papunta sa bangka para ilagay yung mga gamit namin, hindi ko maihakbang yung paa ko papunta sa bangka, bakit ganun parang may pumipigil sa akin na umalis.
jessica..tawag sa akin ni ella nung lumingon pa ako pero hindi ko siya pinansin, nakatingin ako sa mga ilaw ng bahay malapit dito sa daungan, may mga bata pang naglalaro ka sa tabing dagat kahit medyo madilim na.
kaya ko bang talikuran yung buhay na kinalakihan ko? kaya ko bang iwan ang mga magulang ko?
jessica tara na para hindi tayo masyadong gabihin sa laot..si ella kaya napatingin ako sakanya at huminga ng malalim, bahala na isang lang ang gusto ko ngayon, yung lumayo sa lahat.
maglalakad na sana ako nung may tumamang bola sa paa ko..
tita..si seb na hinihingal pa,teka nakauwi na sila ni papa? kailangan ko nang umalis baka makita pa nila ako dito.
seb nasan si papa?..mabilis na tanong ko at nakaramdam ako nang kaba.
pauwi na po sa bahay niyo tita, may dinaana lang po pero si boss d po nauna na dun sa bahay niyo..hinihingal pang sagot niya, pero natigilan ako sa huling sinabi niya, boss d? si deanna? nandito ba siya?
tita san ka po pupunta?nagkita na po kayo ni boss d?..tanong ulit niya pero hindi ako makasagot.
bumalik siya! binalikan niya ako...
napatingin naman ako kay ella na nakatayo malapit sa bangka..