Chapter 8

121 4 1
                                    

----

Nakatayo lang ako dito sa garden sa likod ng school. Well, mag-isa lang ako dito. Pinagmamasdan ko ang paborito kong bulaklak. Which is the pink roses. It is the FIRST EVER FLOWER that I received from Tristan. Mula sa taong mahal ko...

This is my usual place to relax here at school. I love this place. While I am enjoying the peacefulness of this place suddenly someone hugged me from the back.

"Gail.. Can we talk?" Uhh. Tristan :3

"Sure"

"Gail.. I miss you. I missed you alot. I still lo----"

"Wait.. What?! Pinaglololoko mo ba ako Tris?"

"Hey! Patapusin mo muna kasi ako. Makinig kang mabuti. Okay?"

"Fine then"

"Sabi ko nga.. I miss you. At maniwala ka man o hindi.. I still love you. Lame right? Nakipagbreak ako sayo dahil sabi ko hindi na kita mahal. Pero kasinungalingan lang yon. Heto ako ngayon, umaamin na mahal parin kita. Ito ang totoo. Itong nararamdaman ko. Ah Sht! Nakakabakla."

"Pero bakit mo sinabi yun? Bakit iniwan mo ako?"

"Sorry pero hindi ko pa pwedeng sabihin sa ngayon. But please? Can you at least give me a second chance? Please?"

"Darn it! Pano kita bibigyan ng second chance kung hindi ko maintindihan kung bakit mo ako iniwan noon.Yung totoong dahilan! Bakit?! Tris, isang buwan akong nagmukmok. Maaaring nakikita mo akong tumatawa pero Tris, nasasaktan parin ako. Ayokong maging mahina. Nagpapakatatag ako. Tsk! Akala ko ba mahal mo ako? Tapos hindi mo man lang masabi kung ano ba talaga ang dahilan. Nakakabobo Tris. Mahal mo pa ako pero hindi mo ako mapagkatiwalaan. Bakit ganun?!"

"I'm Sorry Gail. Please forgive me? Sasabihin ko naman sayo sa tamang panahon. Gail sana maintindihan mo. At sana paniwalaan mo naman na Mahal kita. Mahal na mahal kita."

"Letche Tris! Sana maintindihan mo rin ang nararamdaman ko. Mahal pa kita,Oo! Pero paano ako maniniwala sayo kung minsan mo na akong iniwan? Iniwan na parang tanga!" - dahil sa sobrang galit at sakit ay naguunahang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ugh! Traidor na luha to. Nagiging mahina na naman ako.

"Gail naman. Paniwalaan mo ako. Please, believe me. I love you. I still do. Diba sabi ko sayo.. I'll always love you. Minahal kita.. Minamahal kita.. Mamahalin kita.. Habang humihinga ako, habang buhay pa ako. When the sun still rises... Mamahalin kita."

----

*Cecilia. You're breaking my heart. You're shaking my confidence daily. Oh Cecilia.....* (A/N : Pinalitan ko yung ringingtone niya. Nagiging national anthem na kasi yung thinking out loud.Hehehe)

Urggh! Panaginip. Isang panaginip. Napamulat ako dahil sa nagwawalang cellphone ko. Nakatulog pala ako dito. Tsk! But then, naalala ko yung napanaginipan ko. Psh! Bangungot. What a nightmare!

Perooo.. Parang totoo. Naramdaman ko ang biglang pag kirot ng aking puso. Pati yung pagtulo ng mga traidor kong luha. Umiyak ba naman habang tulog. Tch! Bumangon naman ako at napatingin sa salamin.. There... I saw my tear-stained face. Mukha akong kawawa. Pshhh..

*Cecilia. You're breaking my heart. You're shaking my confidence daily. Oh Cecilia.....*

Ay shet. Nakalimutan kong may tumatawag. Senti mode eh.

Poging Kuya Calling... - sya po mismo ang naglagay ng contact name niya. Pff -.-

"Hel--"

"Mika! Ano okay ka lang ba? Nasaan ka? May nangyari bang masama? Bakit di mo sinagot agad ang tawag ko? Bat di ka nagrereply? May load ka ba? Uy. Sumagot ka naman. Sino kasama mo? Uy miks!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Chance or Regrets?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon