Chapter 3

285 8 0
                                    

Isang linggo,

isang linggo ko nang naging kaklase sina Mel,Ken at Tristan. At nasasabi kong mas naging masaya ako.

Palagi na akong ginaganahang pumasok ng maaga sa paaralan.

Hindi na ako palaging nale-late. Hahaha! Minsan na lang. XD

Siguro dahil araw-araw ko ng nakikita ang inspirasyon ko. Araw-araw ko na siyang nakakasama.

Syempre hindi naman mawawala ang awkwardness sa aming dalawa.Pero para sakin balewala na ang awkwardness na yan. Okay na sakin ang makita ko siya at makasama.

Alam kong nagpapakaTANGA lang ako.

UMAASA lang sa wala.

Mahirap man magpakatatag pero kinakaya ko.

Makita ko lang ang mga ngiti sa kaniyang labi ay napapangiti na rin ako.

Kahit na ang ngiting iyon ay hindi na dahil sa akin. Mahirap tanggapin pero kinakailangan. Ugh!

*bzzzzt.bzzzzt.*

Psh! Ano ba yan! Naputol ang pagmu muni-muni ko dahil sa lesheng text na yan!

Tss. Sino ba kasi ang istorbong nilalang na ito? Upakan ko to eh! Dejoooke!

Mabuksan na nga para malaman ko na kung sino ang mauupakan ko! XD

From: 091526*****

Hi Gail! Saan pala tayo magkikita mamaya?

Naknang! Sino ba to? -.-

Te-teeekaa! Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin na "GAIL".

Pero hindi maaari! Ano to joke?!

Tsaka, magkikita? Magkikita kami? Wait!

Sisiguraduhin ko muna kung sino ba talaga to. :/

Reply :>

To: 091526*****

Ha? Magkikita?! Sino ka ba? -.-

*bzzzzt.bzzzzt.*

From: 091526*****

Si Tristan to. Nakalimutan mo ba? May gagawin tayong report mamaya.
Para sa A.P yun. Hindi ko kasi narinig kung saan tayo magme-meet eh.

Ahhh. Si Tristan lang naman pala.

.

.

.

.

Teeeeka! Si Tristan ba kamo?! Sabi ko na eh. Pssh. Yun lang pala. Chaka!

Akala ko pa naman may date kame. Dejk! Assuming ko luuungs! Hahaha!

Walanjo. Isave ko nga muna ang number niya.

Add to Contacts

Name: Tristan Rile <3

Wooo. Puso! Pusoooooo! Hehe. Nilagyan ko na rin ng contact photo.

Shemaaaay!

Ba't ba ang pogi ng nilalang na to? Tsk! Nakapagtataka bang may picture siya sa phone ko?

Wag na kayong magtaka!

May secret folder kasi ako sa phone ko, na kung saan na ka save doon ang mga pictures namin at pictures niya.

Halos stolen yung nandito. Nawiwili kasi akong manguha ng stolen shot niya. Shhhh.

Nakakatuwang tignan! Hihihi.

A Chance or Regrets?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon