Chapter 7

163 3 2
                                    

Hello readeeeers! Happy 2k reads to ACOR! Mabuhaaay. Thankyou talaga guys. At dahil 2k reads na to mag-uupdate na ako. Hahaha! Enjoy reading. Mwahugs. xx)

----

"Hi Mika!"

"Hello Ate Mika!"

"Goodmorning Michaella!"

"Uy! Si Ms.US oh."

"Ang ganda mo talaga Ate Mika!"

Awww. Alam mo yung feeling na pag-apak mo sa loob ng school campus eh maririnig mo na agad yung mga pagbati nila. NakakaGOODVIBES! Overwhelming pero ayun nga lang nakakapanibago atsaka naiilang din ako. Waaa! Gusto ko sanang bumati pabalik pero juicekopooo! Ang dami nila mga tol. Hahaha! Kaya ayun, I just smiled at them.

Noon kasi hindi naman ako gaanong pinapansin. Oo pinagtitinginan rin naman ako sa hallway habang naglalakad, ay este! Tumatakbo pala. Hahaha!

Ang malakabayong pagtakbo ni Michaella Abigail Florence dahil malelate na sa kaniyang 1st period class. Soo , sino ba naman ang hindi maninibago diba?

"Huy, Miss Malds! Umaasenso ah! Naks! Andaming bumabati oh."

"Hik!" Nagulat ako at napalingon upang tignan kung sino yung epal na nakikiepal sa paglalakad ko.

At siyempreee hindi na ako nagtaka nang paglingon ko ay nakita ko ang dakilang asungot sa buhay ko. Hah! The one and only .....

-

-

-

-

ERVIN JACK CONNOR -.-

"Anong Ms.Malds ang sinasabi mo Mister Asungs? Ha?!"

"Miss Maldita , ano pa nga ba? Tsaka hoy Malds! Mr.Asungs? Ampanget naman. Anong trip mo?!"

"Siyempre, dahil mabait ako at dakilang asungot ka kaya ang tawag ko sayo ay Mr.Asungs! Ang asungot sa buhay ni Michaella!!"

"Naman! Ang pogi ko namang asungot."

"Duh? Hindi ka ba nahihiya? Kasuka pre! Hahaha. Teka, Asungs! May tanong ako."

"Anong itatanong mo? Kung papatulan kita? Hmmmm. Pwede nang pagtiyagaan." - sabi niya sabay akbay sakin. Clingy lang? Psh.

"Kapal ng mukha mo pre! Narinig mo ba ang sinabi mo? Manginig ka nga. Please?! Haha. Itatanong ko lang naman kung naninibago ka rin ba sa ganito? Yung pinagtitinginan ka at pinag-uusapan? Nakakailang kasi."

"Sus! Sanay na sanay na ako sa mga ganyan. Alam mo naman.. Pogi at hot itong katabi mo." - Nyetaaa! Ang lakas ng hangin readeeers! Wooo! Kumapit kayo ng mahigpit para hindi kayo tangayin!

"Ang yabaaang! Grabe ang hangin pre! Mukhang may paparating na bagyo dahil sa sobrang lakas! Psh. Oy, alisin mo nga yang kamay mo sa balikat ko. Bigat eh. Tssss!"

"Kunyare ayaw niya pero nagustohan naman. Naku! Nagpapakipot pa." - Mahina lang yung pagkasabi niya pero dahil magkalapit kami dinig na dinig ko yun. Langheyang asungs to!

"As if! Asa ka pre. Ay tekaaaa! Anong oras na ba? Kainis naman kasi. Tsk! Naiwan ko pa sa bahay yung wrist watch ko. Ugh!"

"Paki ko ba kung naiwan mo? Tatanga-tanga ka kasi eh."

Tinagnan ko agad siyang masama. Yung nakamamatay na tingin. Tsss.

"Dejoke lang Malds. He-he-he. 7:27 na. Bakit?"

"Anakngtupa! SERYOSO KA?

"Tingin mo nagbibiro ako? TSAKA BAKIT KA BA NANINIGAW?!"

"EH NANINIGAW KA RIN NAMAN AH?!"

A Chance or Regrets?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon