She doesn't recognize me.
That's what I thought the moment she passed by, without throwing me a single glance.
Nang makasalubong niya si Kuya, tumango siya rito. Ganoon din si Kuya sa kanya. And I stood there, watching her walk farther and farther from where I was.
"May sasabay sa atin."
Saka lang ako gumalaw mula sa kinatatayuan noong nagsalita na si Kuya. Pumasok na ako sa sasakyan nang walang laman ang utak kung hindi ang babaeng nakasalubong kanina; Matagal ko rin siyang hindi nakita–halos dalawang taon.
Ngayon lang ulit.
At gaya dati, wala pa rin akong lugar sa buhay niya. Ni-hindi ko alam kung kilala niya ba ako. Naaalala niya kaya ang mukha ko at hindi ang pangalan, o alam niya ang pangalan ko pero hindi ang mukha ko? Hanggang ngayon, isa itong palaisipan sa akin.
"Archer."
Mula sa pagkakatungo kanina, inangat ko ang tingin sa mga kasama ni Kuya'ng kakapasok lang ng sasakyan.
I smiled at their presence.
"Kuya Harem, Ate Myrtle," banggit ko sa kani-kanilang pangalan.
They were my seniors in grade school, mga kasing-edad ni Kuya na siyang naging mga kaklase at kaibigan niya ngayong high school na siya.
"Magpinsan kayo?" Kuya Harem asked Kuya.
Kuya Ark only shook his head, not wanting to say more. Like he always do.
I took it as a sign to step in.
"He's my brother, " I answered.
I watched the both of them suppress their curiosities. Si Ate Myrtle, kahit bakas pa rin ang gulat– kumalma rin agad ang ekspresyon. Si Kuya Harem naman, puno pa rin ng pagtataka ang mga mata.
Magaan akong ngumiti, hindi na gustong dagdagan pa ang nasabi na.
"Bat hindi ka sa school namin nag-gradeschool, Ark?" Mukhang kuryoso talaga si Kuya Harem.
Pinanood ko silang tatlong magpapalipat-lipat ng tingin sa bawat isa. "Long story," maikling sagot ni Kuya.
Mahinang siniko ni Ate si Kuya Harem, as if asking him to shut up. Mahina akong natawa mag-isa, hindi na nila napansin.
Sa aming dalawa ni Kuya, siya ang pinaka-sensitibo sa pagsasalita tungkol sa pagiging magkapatid namin. I don't see it as a big deal, but it seems like that to him. Hinahayaan ko na lang kung talagang ayaw niya. Gano'n din naman sina Tita at Papa sa kanya, sinusunod kung saan siya komportable. At kahit papaano, naiintindihan ko naman kung saan siya nanggagaling.
"San sila banda sa Ferris bababa, Arkin?" Tanong ng driver.
Hindi sumagot si Kuya, tila hinihintay na ang dalawa ang sumagot sa tanong.
"Sa may waiting shed lang po, Kuya," sagot ni Kuya Harem.
"'Yang kasama mo?" Dagdag nitong tanong.
"Ah, magkasama po kami. Sabay kaming bababa."
"Magkapitbahay kayo?"
"Hindi po."
"Magpinsan?"
"Magkaibigan po, Kuya." Malamig ngunut mahinahong tugon ni Ate Myrtle.
Tumawa ang mga kasama namin. Kami lang ni Ate ang nanatiling tahimik, ako– dahil abala ang mga mata sa labas kahit na nakikinig at si Ate naman na halatang ayaw sa mga sunod-sunod na tanong ng driver.
'Yung itsura ni Ate Tel nang tanungin tungkol sa kanila ni Kuya Harem ay pareho sa ekspresyon ng mukha ni Kuya nang mapag-usapan ang tungkol sa pagiging magkapatid namin.
BINABASA MO ANG
Blank Spaces
Short StoryWhile there is sadness that exists to turn into happiness, there is one that leads nowhere too. The one that stays within us, for so long that we sometimes can not recognize it as sadness anymore. The one that is constant, unwavering and changes alo...