2 ~ Mr. Grey

1 0 0
                                    


Sabado noon.

Katulad ng usapan, pumunta kami sa SM para manuod ng sine pero bago yun, nagshopping muna kami. Ang saya lang kasi nabili ko ung bestfriend's lucky charm wrist watch, ireregalo ko sa kanya. Wala lang, mahal na mahal ko siya eh.

"Uyy. Tara nang pumila. Andami ng tao oh." Sabay turo niya sa pila ng nagbibilihan sa may ticket booth.

"Oo nga no. Tara na nga."

Naaalala ko pang may 1 grupo ng lalaki (which consists of 5 handsome boys .. AS IN! ANG GWAPO NILA! MAY GWAPO PA SA GIMME 5!) na nauna sa amin sa pila pero sobrang nacatch ng attention ko ung lalaking maputi, matangkad, chinito .. na naka grey na jacket! Ang gwapo niya as in!

"Guys, paunahin na lang natin sila." Sabi niya dun sa mga kasama niya.

"Sure ka Sky?" Tanong nung matangkad na moreno.

"Oo naman. Be gentleman, lalo na kung magagandang babae ang susuyuin mo." And he flashed a charming smile.

Lumipat na sila sa likuran namin ni Zai.

All I can say is that .. I WAS ENCHANTING TO MEET HIM.

Nauna kaming pumasok sa Cinema3, hindi na kami lumingon sa kanila, pero naramdaman ko na parehas lang naman kami ng papanuorin.

Pagpasok namin, good thing na hindi pa nag-uumpisa ang palabas.

Humanap kami ng vacant seat and lucky enough, maganda ung pwesto na napili namin.

Hindi na namin nakita si Mr. Grey and company during the whole movie.

Medyo distracted noon habang nanunuod. Sya kasi ung lagi kong nakikita sa twing ipinapakita ung mukha nung gwapong bida sa movie.

Aminado ako, kinikilig ako kahit na wala pa syang ginagawa. Landi ba? Ewan ko ba. That was my first time to feel that

"Uyy. Okay ka lang? Kanina ka pa nakatulala eh tas para namang hindi ka nanunuod. Kilig na kilig ka eh naiyak na si Andrea (ung bida)"

"Ha? Bakit?" Bigla akong napatingin lay Zai.

"Tss. Sayang lang 150php natin. Di ka naman nanunuod eh." Tapos nagpout sya.

"Ano ka na? Grabe naman to. Hindi naman sayang. Atleast may bonding moment tayo."

"Weeh. Oo nga lang."

"Ssssshhh." Sabi nung matanda sa likuran namin.

Napatawa na lang kami.

Natapos namin ung palabas ng kakaunti lang yung naintindihan ko. Basta parang nagkasiraan ung dalawang magkaibigan dahil sa lalaki. Sus! Hindi yan mangyayari sa amin ni Zai. :D

Yan ang naisip ko. :)

Pagkalabas namin ng sinehan, sumulyap sulyap ako sa paligid.

"Oh? Hinahanap mo ung lalaki kanina? Wooh. Talande! Hahaha."

"Tuwa ka ng asarin ako?" Tapos nagpokerface ako.

"Haha. Medyo."

"Tara na nga kumain sa may foodcourt!"

"Libre mo?"

"Aba hindi. Ikaw naman maglibre."

"Pasalamat ka maganda ako. Ung mura lang ha."

"Oo na. Oo na."

Imbis na sa foodcourt kami pumunta, dumerecho kami sa Jollibee. Sya ang nanghila. :3

"Hanap ka na ng mauupuan. Order na ako."

"Ge ge."

At sa hindi ko inaasahang pangyayari. Lels. Nakita kong ung pinakamalapit na upuan ay yung kay Mr. Grey. Huehue. Tadhana nga naman oh.

Pasimple pa akong pumwesto dun tas busy-busyhan sa cp.

"Sky, diba sya ung kanina sa sinehan?"

"What a coincidence."

Patay malisya lang ako at umupo na.

Naaalala kong sobrang pula na ng mukha ko nun.

Ilang minuto lang ay dumating na si Zai.

"Psh. Ambigat bes." Reklamo nya

"Sabi mo maghanap ako ng upuan eh."

"Oo na. Tara ng kumain. Gutom na ako."

Inilapag naman namin ung spag, burger, fries at coke namin.

"Wow. Yaman lang bes?" Pang aasar ko sa kanya.

"Che. Haha."

Hindi pa kami nagsisimulang kumain, may biglang lumapit sa amin. Ung pinakacute sa group at ung chinito din kasama ung si Mr. Grey.

"Pede bang mahingi number mo?" Nakatingin sa akin yung si Mr. Grey habang sinasabi yan."

"Ah eh. Sure. 09*********"

"Thanks. Gian Skyler Ocampo nga pala."

"Janella Cruz. At sya naman si Zaila Marie Coquangco, my bestfriend."

"That's Rey, Andrew, Lance and this is Clark, mga barkada ko. Sige ha, balik na kami. Sorry sa abala."

"Ok lang."

At umalis na sila.

What Hurts the MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon