6 ~ New Beginning

3 0 0
                                    


January 28

Pumunta si Gian sa school. Hinarana niya si Zaila. Madaming mata ang nakatingin sa akin, may ilang naaawa, nalulungkot, walang pakialam, masaya at nagagalit dahil hindi man lang ako lumaban.

Anong magagawa ko? Mahal nila isa't isa eh.

Natuto na din akong makisalamuha sa ibang tao .. unlike dati na talagang kami lang ni Zai ang magkasama. Ganun din sya. Naging masaya naman siguro ang February namin.

Hindi ako nagboyfriend. Umattend ako sa Senior prom (gr9 na kasi ung mas mababa sa amin kaya senior lang ung may promenade) ung mga lalaki ay from different schools na inimbitahan ng mga babaeng senior, as for me, si Tay Jon Aldrich ang kapartner ko. Wala naman akong masyadong kaclose outside the school premises na lalaki aside kay Skyler at sa mga kaibigan niya (na di ko din naman gaanong kaclose, minsan tinotopak sila at nagtetext kung okay lang daw ako pero di ako nagrereply .. la ako load eh. :3)

February 28

Monthsary nila.

Sinagot kasi si Gian ni Zai eh.

Sobra .. sobrang sakit ang nararamdaman ko.

Makita ko lang nga si Zai parang nagagalit na ako.

Alam kong hindi na babalik ung DATING relasyon namin ni Zai.

Pero umaasa ako ..

Kasi sa bawat panahong lumilipas, natututunan ko ng magpatawad.

March ..

Graduation namin, Valedictorian ako. Si Zaila, salutatorian.

Magkasama lang ang celebration namin sa bahay nila.

Engrande.

Nagkausap kami sa tabi ng pool nila. Nagkabati. Pero walang Skyler na dumating.

Nagkapatawaran na kami. Nakita kong suot suot niya ung relo na binigay ko sa kanya. Hinubad niya ito.

"Zai.. "

"May mas karapat dapat para dito .. at hindi ako yun."

"Pero .."

"Janella, aalis na kami papuntang Canada, dun ako gustong pag aralin ng college ng lola ko eh. Alam mo naman un .. nakakatakot. Haha. Jans, tandaan mo .. Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "

"Ano ba yun?"

"Sa takdang panahon malalaman mo rin."

"Janellaaaaa! Congrats honey!" And he kissed me on my cheek.

"Kadiri ka Earvin Robert, magpinsan tayo!"

"HOYY. As far as Im concerned, ung pinsan mo sa tatay ay pinsan ko sa nanay. Basta mahirap iexplain."

"Kagwapo-gwapo mo para kang bading mag-ingay"

"para rinig na rinig mo ung sinisigaw ng puso ko! Bwahaha."

"Ewan ko sau.. baliw ka na."

"oo baliw sayo."

at lumayo na ako sa kanila.

"Hi Janella, congrats pinsan." - Mariella

"Saan ka magkacollege?'' Marielle

Kambal yan. Obviously .. :3

"Sus. Eh sya naman ang pag-aagawan ng mga universities eh." - Elaine

"Eh kung sama-sama na lang kaya tayo?" - Mary

"Oo nga no." I agreed

"Pang mahirap lang ang kaya natin guys!" - Jersy

"Alam niyo mga insan, kayang kaya naman natin ang scholarship exams no."

"Wow ha! Makapanchixx na nga lang! Daming gwapo sa party mo ha." - sabay sabay na sabi nilang lima.

Hindi naman talaga kami close ng mga yan eh. Nung mga panahon na sobrang nanlulumo ako .. dun sila dumating .. pinakilala ako ng mommy ko sa kanila. And the rest is history.

Last chapter...

Balita ko, hindi na daw si Gian at Zaila ngaun. Nagbreak din sila ilang months ang nakalipas after graduation, wala na rin kaming communication ni Gian, hindi dahil bitter ako, nawala kasi ung cp ko eh. Kay Zai naman, nag-iiskype kami twice a month. Ayos lang din.

Tinignan ko si Vanessa.

Umiiyak sya.

"Huaaaaaah. Yun na un?! Huhuhu. Antae mo. Bakit mo hinayaan si Sky na mawala sau? Mahal mo sya diba?"

"Mas masayang magmahal ng hindi selfish. Nagpakamartyr na ako. Tama na iyon. Kapag hindi na masaya ang isa, dapat may sumuko na, masakit na eh."

"Sabagay, pero ayos na kau ni Zai?"

"Oo naman. Forgive and FORGET nga eh haha."

"Sige na nga. Ang galing mo naman. Siguro kung ako un, di mo kakayanin, ang sakit kaya."

"What hurts the most is when you love someone the most. Sabi nga, kung sino pa ung pinakamahal mo, sya din ung makakagawa ng pinakamasakit sayo."

*Kriiiing

"Hala! Philo na namin eh. Terror teacher namin. Huhu. Bye Janella. Kitakits sa bahay mamaya." And she waved goodbye.

"Sige. Andun na din ung limang bruha eh. Ikaw ang magluluto mamaya ha." At tuluyan na nga siyang tumakbo paalis.

"Janella .. mahal kita." Napatingin ako sa paligid. 'Ano yun?'

What Hurts the MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon