Days passed at ilang days na lang, FIRST MONTHSARY namin. (Imbitado kayo. January 28 po. Huehue.)"Okay lang ba na Babe ang tawagan namin ni Sky?"
"Ha? Bakit naman?"
"Okay lang naman kung hindi pero call sign lang naman yun, promise walang malisya."
"Hmm. Okay lang Zai. Magkatext pa rin pala kayo."
"Salamat. And yes. Ang bait niya nga eh."
"Aii. Oo nga pala, bes, para sayo oh." Inilabas ko ang relo na kapares ng relo ko.
"Para saan?"
"Para lagi-lagi mo akong maaalala."
"Haiisst. Ang sweet mo talaga bes, ang swerte ni Gian sayo."
"Ako ang swerte sa kanya. Loyal kasi sya kahit na ang gwapo gwapo nya, diba?"
"Oo naman. :)" and she hugged me. "Thanks ulit sa relo ha. Dont worry, di ko to iwawala."
*January 26
"Ano na kayang ginagawa ni Sky ngaun? Katext mo ba sya Janella?"
"Hindi eh." Sabi ko habang inaayos ang scrapbook para sa project namin
"Haii. Siguro nagbabasketball na naman un o kaya nagdodota."
"Ah? Ah. Baka nga. Haha." Aist. Saan ko ba ilalagay tong heart? Dito kaya sa taas na part.
"Malapit na pala monthsary niyo."
"oo nga eh. Nakabili na ako ng gift. Isusurprise ko sya sa school nila." Ayan. Dito ang heart tapos sa may gitna ko ilalagay ang pangalan ko.
"Hanggang kelan mo ba sya mamahalin?"
"AYAN! TAPOS NA! CHARAN! Tignan mo Zai oh, natapos ko na scrapbook ko. :D"
Napatingin naman ako sa kanya.
Sobrang seryoso naman niya.
"Seryoso mo. Gusto mo tulungan kita sa scrapbook mo?"
"Hindi na."
"Ano ba sinasabi mo kanina?"
"ah. Wala. Nvm. Uwi na ako ha."
"Ah osige. Hindi na ako sasabay sa'yo ha. Dito muna ako sa room."
"Ge."
At umalis na si Zai.
Napatingin naman ako sa cp ko.
Tagal na niya akong di tinitext ah. Bakit kaya? May problema kaya sya? Puntahan ko kaya sa kanila?
Aii. Wag na pala. Baka naghahanda un ng bongga para sa monthsary namin.
Bigla akong nakaramdam ng kilig. Pero panandalian lang. Bigla kasi akong nakarinig ng tumatakbo sa hallway.
Binuksan ko ung pintuan ng classroom.
"Oh tay, bat bumalik ka?"
Si jon aldrich, tatay ang tawag namin sa kanya. All girl's school to, bale nagtatrabaho sya sa library, kasing edad lang namin sya, gwapo sya kaso ulilang lubos kaya ung janitor namin na umampon sa kanya eh nagmakaawa dun sa may ari ng school na dito na pag-aralin, mabait naman sya at isa pa, Hoyy. Di sya bakla ha, at yun na nga, para din daw mabantayan nung tatay tatayan niya kaya sa huli .. pumayag na ung may-ari ng school .. kapalit nga nung pagtulong niya sa library.
At isa pa, bali-balita ko lang, magiging co-ed na din tong school.
"Ikaw ang bat andito pa? Naiwan ko notebook ko sa Physics. May assignment tayo ah."
"Eh tay kasi .. wala lang, tinatamad pa akong umuwi eh."
"Tss. Uwi na agad ha."
"Sabay na tayo tay."
Papalabas na kami ng makasalubong namin si Zai at Gian.
"Eto ba ang inaasikaso mo Janella?"
"ha? Ano bang pinagsasasabi mo?"
"Nandito ako para makausap ka ng matino."
"Ikaw nga dyan ang hindi nagtetext."
"Teka nga, paanong napunta sa akin ang sisi? Anyway, let's talk about this privately."
"Sky! Sama ako!!"
Tumingin sya kay Zai.
"Sige." Kinaladkad niya naman ako. As in kaladkad talaga.
"G, masakit."
"Bro. Wag mo saktan si Janella." Humarang naman si JA.
"Get out of the way."
"Uhm. Tay, kaya ko na to. Una na po kami."
Nakita ko ang worried look ni Tay kaya pinakita kong okay lang ako.
Dinala ako ni Gian sa may playground park ng school.
"Janella, naguguluhan na ako. Hindi ko na kaya."
"Naguguluhan? Saan? Bakit? Anong hindi mo na kaya?" Kung naguguluhan sya, mas naguguluhan ako.
Nasasaktan ako .. hindi lang sa higpit ng hawak ni Gian sa braso ko kundi pati ung puso ko. Naninikip ang dibdib ko.
"Nahihirapan na ako this past few days."
"Saan?"
"Hindi ko alam kung .. kung .. mahal ba talaga kita."
Lahat ng nasa paligid namin, parang tumigil.
Si Zai, nakita ko .. umiiyak.
Siguro kasi naaawa sya sa akin.
"Janella, si Zai .. si Zai ang mahal ko."
"A-ano? Pakiulit."
"Mahal na mahal ko si Zai." Diretso syang nakatingin sa mga mata ko. Nagsasabi sya ng totoo. Ako naman ang hindi makatingin sa mga mata nya.
Napatingin ako kay Zai.
"Zai, ikaw ba? Mahal mo ba sya?" Halos wala na akong boses ..
Tinignan ko sya, nakayuko lang sya .. hindi makatingin sa akin.
"UMIMIK KA! UMAMIN KA! SABIHIN MONG NAGSISINUNGALING LANG SI GIAN! HINDI TOTOO YUN." Hindi ko na kaya ..
Tumingin sya sa akin pero sandali lang .. yumuko ulit sya .
"Oo bes, mahal na mahal ko si Sky." Mahina ang pagkakasabi nya pero parang nakaloudspeaker yung pagkakarinig ko.
"Wow! Ang lakas lakas ng loob mong tawagin akong BES? Ang kapal ng mukha mo! Ang plastic mo! Behind my back inaahas mo na pala ang .. ang .. ang lalaking ito?! *points at Gian* pero hindi eh .. hindi .. patunayan niyo. Patunayan niyo na mahal niyo ang isa't isa!"
"*Smirks* Yun lang ba?" Tumingin si Gian kay Zai.
And ..
They kissed .. passionately .
Wala akong ibang ginawa kundi mahalin siya. Bakit ganon? Bakit ako pa ung sinaktan ng lokong un'? At sa daming babaeng mamahalin niya .. BAKIT ANG BESTFRIEND KO PA?!
Tumakbo ako. Hindi ko na kaya ang mga pangyayari.
Bakit? ..
Hindi katulad ng usual scenes .. walang ulan na dumamay sa akin.
Walang sasakyan na bumangga sa akin .. but then ..
everything went black.
BINABASA MO ANG
What Hurts the Most
Novela JuvenilSome part of this story is based from my friend's experience. She already read this and she said that I made it very well although she felt the same pain that she felt when it happen.