Di ko man lagi na sabihin.
Nais kong malaman mo na
Simula ng dumating ka sa buhay ko
Ay tanggap ko kung sino ka.Dahil mahal kita.
Sa mga panahon na napagsasabihan kita.
Nais ko lang ipaalalaNa mahal kita.
Sa panahon na wala ako sa tabi mo
Sa panahon na wala ako sa oras ng pag iyak mo
At pakiramdam mo ang lamig lamig ko.Nais ko lang ipaalala
Na bahagi ng pagmamahal ko sayo
Ay ang turuan ka na tumayo sa sariling mga paa moDahil darating ang oras na makakalaban mo ang mundo.
Mundo na minsan matino, minsan magulo.Di man lagi na sabihin,
Nais ko na malaman mo na mahal kita
Dahil tanggap ko kung ano at sino ka.
YOU ARE READING
THE DARK kNIGHT: INTO THE NIGHT
PoetryThis is a 3rd book poem of 21st Century poems. Come on lezz read!