Regina's POV
"Okay ka lang? Nakatulala ka nanaman." Napabalik lang ako sa realidad kung di pa ako tinapik sa balikat ni Portia.
"O-okay lang ako." Umiwas ako ng tingin dahil ramdam ko parin ang pamumula ng pisngi ko.
"Anong sabi sayo ni Miss Venice? Bakit ganyan itsura mo?" May bahid nang pang aasar ang tono ng boses niya kaya napaismid ako.
"Tigilan mo ko." Pagtataray ko.
"Nako, nahawa ka na sakanya. Iba ang lahing Fuentes kapag nag taray please lang wag ka na dumagdag." Natatawa niyang saad.
"Bakit lagi ka bang tinatayaran ni Miss Veronica?"
"Kung alam mo lang, para siyang pusa na kapag nakikita ako ay aatakihin agad ako. Kala mo buntis e." Sabi niya.
Mag pinsan nga sila bagay na bagay sa dugo nila, no doubt tapos ako tanga-tanga na hindi napansin ang similarities nilang dalawa.
"Parehas naman kayo ng ugali hindi papatalo." Usal ko.
"In the siya naman nanalo, wala panama ang pagtataray ko sakanya dahil baka gumuho ang mundo kung hindi ako magbababa ng pride." Parang ako lang kay Miss Fuentes, nung unang beses na sinagot ko siya hindi ko lang talaga mapigilan sarili ko nun.
Pero under pala ang bunso ko, wawa naman to.
"Are we finish? Where should we go next?" Lydia asked.
Isa rin itong maarte na babaeng to e bakit kasi nag dress papunta dito, pinilit ko pa yan mag palit kanina buti nalang lagi akong may extra na damit na dala kasi alam kong ganyan yan ka sosyal sa sarili niya. Sarap upakan e.
"Sa law firm, Lydia. Dun tayo pupunta." Ngisi ko pa at umirap siya.
"Shut up, seriously where?"
"Sa Law firm nga may kakasuhan lang ako." Sabi ko.
"Huh? Who? Did you get into a fight?" Sunod sunod niyang tanong.
"Dadalhin lang kita kay Atty-" Halos malagutan ako nang hininga nang biglang isubo ni Lydia sa bunganga ko ang buong monay.
Pero imbis na mainis ay humagalapak ako sa tawa habang kinagat nalang ang kalahati ng monay at tinanggal ang kalahati, bwiset papatayin ata ako ng babaeng to e, masyadong pikunin.
"Regina!" Singhal niya at kinurot ako sa braso.
"Ouch, gagi masakit ang sadista mo ha kawawa siguro sayo si atty-" Sinalpak niya naman sa bibig ko ang straw kaya napilitan akong napainom sa kape niya, naubo ubo pa ako matapos kong gawin yun at sinamaan siya ng tingin.
Kaso kaya pala, biglang lumapit sila Miss Cervantes kaya ganon ang reaksyon niya. Haha, duwag.
"Wala namang something sainyo, assuming at masyado kang defensive ha." Sabi ko sabay tumawa ulit.
"Alam mo naman yan si Lydia, she will never agree to anything." Biglang singit ni Noah kaya siya naman ngayon ang pinalo ni Lydia.
Napawi bigla ang ngiti ko nang makitang papalapit ulit ang mga professors samin at nakatitigan ko pa si Miss Fuentes kaya umiwas agad ako ng tingin, hindi ko naman alam na may ganitong ka wild side siya, jusko para niya akong papatayin. Tas sasabihin niya na first kiss niya ako? Muka nga siyang experienced na sa ginagawa niya sakin!
"Portia, may tanong ako." Bulong ko sakanya at hinila ko siya papalayo na kaming dalawa lang makakarinig.
"You're already asking," Ismid niya kaya napairap ako.
"Did you already kiss someone?" Deretso kong tanong, nabigla pa siya at napaawang ang labi habang namumula na ang buong mukha. Omg, she really did?! "Ikaw ah!" Duro ko pa sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/318151735-288-k922214.jpg)
YOU ARE READING
Shades Of Agony [PSLU #3] [GL]
عاطفية[ A story of Regina Maureen Trinidad. ] #3 She was the painful memory that she was willing to dive in. It didn't even occured to her that she was betting everything for her until she was left with every hues of grey. Until then, she made that person...