Sylvia's POV
"Our council would like to personally thank you for performing at our event, the students surely did like your performance." I'm guessing ito yung President ng student council na malapit ng bumaba dahil graduating na daw.
"Our band would love to take another shot here again," Sabi naman ni Asher at nakipag kamayan.
Naiwan naman akong nasa likod lang nila dahil ang isip ko parin ay nasa babaeng nakita ko kanina. Pero pwede rin akong namamalik mata, nung nag hire kasi ako ng private investigator ang huli nilang nakalap na information ay itong school na to.
"And you're Sylvia, am I right?" Tumango nalang ako dahil wala ko sa mood. "We would love to have you in the student council with Zianna and Portia. The three of you had become the talk of the town, bababa narin kami sa pwesto sooner or later dahil hahanap narin kami ng kapalit."
"So, you're saying?"
"We want you." Sambit nito habang ang mga kasama niya ay halatang nagaagree sa sinasabi nito.
"I don't want you." Wala sa sarili kong sagot.
Bigla namang sila tumahimik na para bang may mali akong sinabi at nung marealize ko yung sinagot ko ay agad kong binawi, "I mean, I am not interested in any particular activities and that includes student council."
"Okay then, but let me know if you changed your mind. You still have a month to decide." Sambit nito at saka sila nag paalam at umalis.
Nakahinga naman ako ng maluwag at pinaypayan ang sarili saka ko lang may naramdaman na may presensya sa likod ko kaya napalingon ako.
"You don't plan to join?" Tanong niya.
Gosh, si Miss Elise lang pala.
"Ayaw ko," Tipid kong sagot.
Akmang aalis na ako dahil wala ko sa mood makipag talo sakanya nang bigla niya akong hinawakan sa bandang bewang kaya guluntang akong napabaling sakanya, "You shouldn't ignore your fiancée, Miss Acozta."
"M-Miss Elise baka may makakita satin." Nauutal kong sabi.
"There's no one here and it's too dark, and why would I care if someone will see us?" She smirked.
"Look, if you're doing this because of the deal then you don't need to. Hindi naman ako mangangaliwa ayun ang napagkasunduan natin." Sabi ko at napalunok dahil malapit lang pala ang mukha niya sakin.
"But I saw you look in another direction earlier, you're looking at a girl. Who is she?" Tanong niya at dumiin ang hawak niya sa bewang ko kaya napaiwas ako ng tingin.
Gosh, suddenly it feels so hot. Kulang ata ako sa dilig.
"W-wala akong tinitignan kayla Regina ako tumitingin." Pagsisinungaling ko.
Sorry, Regina nadamay ka pero mahal mo naman siguro ako kaya okay na yan. Ako kasi mahal ko pa buhay ko.
"Okay," She shrugged and loosened her grip on my waist and removed it.
Tuluyan naman akong nakahinga ng maluwag dahil parang pinipilit kong wag manglambot sa ginawa niya, hindi ko kasi maintindihan pero palad lang naman niya ang dumikit sakin pero parang ang lakas ng effect sakin.
"Why are you being like this? Parang kailan lang inaaway mo ko." Hindi ko napigilang itanong.
"Of course, I don't want you to stain my-"
"Stain your name? Hindi mo naman ako kailangan bantayan 24/7, alam kong gusto mo parin si Portia at ako lalong lalong hindi ako magkakagusto sayo. Sumusunod ako sa deal, Miss Elise. Wag ka mag alala."

YOU ARE READING
Hate Me Until You Can't [EDITING #4] [GL] ✔
Romance[A story of Sylvia Celeste Acozta.] #4 The broken part of not being able to hold on like you used to is the signal of your relationship slowly fading away as well as your feelings. But how can you be able to survive the unrequited love? How long wil...