Sylvia's POV
"Elise ano ba? Para ka namang koala jan, dikit ka ng dikit sakin. Pinagtitinginan na tayo oh!" Singhal ko sakanya nang mapansin tumabi nanaman siya sakin.
"I don't care what they think about us, basta dito lang ako sa tabi mo." Kontra niya sakin at humalukipkip.
"I'm trying to work here..."
"And so? Don't mind me."
Kamot ulo akong bumalik sa counter. Day 2 ng festival ngayon pero ayaw ako tantanan ni Elise. If this is her way of saving me aba hindi ko ata kakayanin. Mas gusto ko pang awayin niya ako magdamag kaysa ganito na she's being weird.
Nung tinanong ko nga kung pano niya nalaman iyon ay wala siyang maisagot. But I'm sure that it's either Atty. Sandoval or my mom ang nag kwento sakanya ng nakaraan ko.
"Elise, stop being so dramatic and clingy. I'm not going anywhere. Tsaka kakaaway mo lang sakin nung nakaraan ah? Sinabihan mo pa nga akong pangit tas ngayon para kang unggoy kung makalapit sakin."
Actually mas gusto ko pa nga na ganon siya. Kaysa yung ganito na para bang sinaniban siya ng masamang espirito.
"Oh yeah? Whatever." Umirap siya sakin at pinandilitan ako ng mata na para bang sinasabi niya na hindi siya makikinig sakin.
"Ano ba kasi nakain mo at sinusundan mo ko ha? Kung ano man sinabi nila sayo, wag kang maniwala. Hindi na ulit iyon mangyayare pa."
"Ang alin ang hindi mangyayare ulit, Acozta?" She asked, sounded serious while even emphasizing each word.
I shrugged lazily. "Ako yung nagtatanong tas ibabalik mo lang sakin? Ano reverse psychology lang?"
"Just do your job and let me watch you in peace." She pouted cutely afterwards. At ano daw cute? Teka, wala namang gayuma yung ginawa kong cookies and brownies ah?
Pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla nalang nag iba ang aura nito. She's good at changing her mood in an instant, which is kind of alarming me. Nakatingin ito ng masama sa bandang likod ko, I got curious, so I immediately diverted myself where she was staring at.
Only to found out that I saw my ex, Sage who is currently making her way towards me with a sweet smile wearing on her innocent face.
"Hi, I heard about your cafe, so my friends and I decided na dito nalang kami mag late lunch." Bati nito sakin at ngumisi na sinuklian ko naman. I saw two of her familiar classmates standing beside her.
But I heard grumpy mumbling at my back, and I'm pretty sure it is Elise who is now murdering her second order vanilla cake. Hindi ko naman pinansin ang pagaalburuto niya kaya agad kong inasikaso sila Sage. I gave them the menu and some recommendations of our best seller. So far kasi ang amin parin ang pinaka highest sa nakabenta, with a large gap of leading.
"I'm happy for you, Sylvia and uh, you look good in your uniform." She complimented.
Nakita ko ang pag siko sakanya ng isa niyang kakaklase, they even smiled teasingly which is kind of obvious. Ano ko invisible?
I shyly traced my nape with my fingers before responding. "It is a pleasure to serve you twice with my very own menu, Sage. Afterall, bayad na ako sa promise ko ah?"
It was a promise that I made with her, back when we were still together pa, we often discussed our plans and goals in the future. At ang sabi ko sakanya na matagal ko ng gustong magpatayo ng cafe. And since I loved her that much, I want her to became the first person who will taste my first drink and cafe.
But unfortunately, it didn't happen.
"Promise? Uy kayo ha, baka naman may namamagitan pa sainyo." Singit na pangaasar nung isang singkit na babae. She had a long brown hair, and white pale skin, pwede na siyang isalang as snow white.

YOU ARE READING
Hate Me Until You Can't [EDITING #4] [GL] ✔
Romance[A story of Sylvia Celeste Acozta.] #4 The broken part of not being able to hold on like you used to is the signal of your relationship slowly fading away as well as your feelings. But how can you be able to survive the unrequited love? How long wil...