HM05

14.2K 369 52
                                        

Sylvia's POV

"The cake was delicious anyway." Mabilis akong napalingon sakanya. "The one you made last time, I forgot to give my comment."

I plastered a smile, "I'm glad you enjoyed it."

Medyo ilang araw na ang nakalipas pero natandaan niya pa yun, mukang pumatok din sakanya ang lasa dahil ngayon niya lang naalala sabihin sakin.

"Can you make that for me again?" She asked, mukang nahihiya pa siyang itanong yun sakin dahil kita ko kung pano niya paglaruan ang mga daliri niya at pano mamula ang pisngi niya kahit hindi siya nakaharap sakin.

How easy it seems for me to read how she reacts in every way. Sometimes it does seem the some of her parts remained in her shadow for reason, I mean she was known for being a jolly person pero alam kong may tinatago pa siya.

"I'm sure di ko naman nilagyan ng gayuma yung gawa ko kaya papanong ang bait mo ngayon sakin?" Hindi ko mapigilang itanong na dahilan para mawala ang liwanag sa mukha niya. Gusto ko sana tumawa pero pinandigan ko ang pang aasar ko sakanya.

She tried to compose herself by her unique exercise breathing before speaking, "Whatever." Tanging nasabi nalang niya at dere-deretsong pumasok ng kwarto niya na ikinatawa ko.

Gosh, new hobby spotted: Inisin at asarin lagi si Elise Olivia Salvador.

Ever since na lumipat kaming dalawa dito sa condo ay agad naman niyang ginawan ng paraan. Since siya ang architect siya narin ang mismong nag design nito na syempre meron rin akong ambag, so far sinunod niya ang gusto kong interior design para sa kwarto at sa sala. Siya naman ay sa kusina na saktong sakto lang rin sa taste ko.

Both of us has separate rooms kaya minsanan lang din kami magkita at kahit nasa iisang university kami, she has always been busy running around lalo na't may sarili siyang kompanya sa Australia na kailangan laging i-monitor. Although alam ko namang nandun si Krystal para tulungan siya..

Kinaumagahan naabutan ko nalang na merong isang note sa lamesa, 

I know you don't eat breakfast but dare to do that again on our own house. I'll strangle you.

-Elise

Nailing iling ako habang natatawa nang mabasa ko ang nakasulat, as always napaka sadista ng babaeng to pagdating sakin. Uso din ata sa mga professor nito maglagay ng notes eh, nung tumambay kasi ako sa condo noon ni Regina may isang drawer siya na puro laman ay notes galing kay Miss Venice noon.

Pero medyo sweet siya ngayon ah, sabi ko na eh baka mamaya accidentally kong nalagyan ng gayuma yung gawa kong cake. Ang bait niya eh isang malaking himala ito, dapat na ba ako mag pakain sa buong university?

At dahil mala-late narin ako ay dali dali ko lang kinain ang breakfast na ginawa niya, ayaw kong mapatay ng wala sa oras mamaya mabalitaan nalang ako na walang buhay sa kalsada dahil sakanya. I fixed myself and did the morning routine as fast as I could, nang matapos I decided to take my 1979 Kawasaki Kz650 motorbike, isa ito sa mga collections ko dahil kung wala namang mission na nilalapag si Attorney. Isa sa mga hobbies ko naman ay ang drag dracing.

Pagkarating ko sa school ay nagparking muna ako pero napukaw ng atensyon ko ang isang kotse na may babaeng nakatayo sa harapan na mukang pinagkakaguluhan ng iba. Ewan ko ba kung bakit parang nakaramdam ako ng pagkairita at lalong lalo na ang kaba. Pero dahil marites ako ay bumaba na agad ako ng motor at inayos lang ang sarili ko saka naglakad papunta sa chismis.

Hate Me Until You Can't [EDITING #4] [GL] ✔ Where stories live. Discover now