5 | To Protect

648 18 0
                                    

Follow me Facebook, YouTube, and Tiktok:

Juanna Balisong

ENJOY READING! (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

HUMIHIGOP ng tsaa si Danica habang pinagmamasdan ang nakatatandang kapatid na si Dominic na abalang naghihiwa ng mga rekado para sa nilulutong ramen. Alas dies na ng gabi at kasalukuyan silang nasa Filipino-Japanese restaurant ni Dominic. Kasasara lamang ng resto at siya itong nag-aya na roon kumain para na rin makausap ito gaya ng hiling ni Samantha. Pinaunlakan naman ng kanyang kuya na roon na sila maghapunan at ito ang magluto ng paborito nilang magkapatid na ramen.

"How's the tea?" tanong nito habang naghihiwa ng onion leaves.

"Masarap, pero mas masarap pa rin iyong tsaa ni mama." Muli siyang sumimsim sa tasa.

Nakangiting napailing si Dominic at inilagay ang hiniwa sa tinitimplang soup. "Ewan ko ba at hindi ko makuha-kuha iyong recipe ni mama, kahit si Dad ay hindi alam."

"Nagtaka ka pa, nasa family tradition na natin na tanging sa babaeng anak at mapapangasawa ng anak na lalaki lang mapapasa ang recipes ng mga magulang." Gamit ang chopstick ay sumubo si Danica ng Agedashi tofu.

"Yeah-yeah, kaya nga kahit anong suhol ko sa'yo ay ayaw mo ibigay."

Si Danica naman ang napatawa.

Ilang minuto pa ng pagkikwentuhan, Dominic served their food at naupo sa tapat niya. Takam na tiningnan ni Danica ang umuusok at naguumapaw na bowl sa kanyang harap at sinimulang lantakan ang niluto ng kanyang kuya.

"Oh, I really missed the old days." At muling sumubo.

Nakangiti namang pinagmasdan ni Dominic na kumain ang kapatid. "Nani mo kawaranai yo, imōto. Watashitachiha tada seichō shi, toshiwotoru dakedesu." (Nothing changed, little sis. We just grow up and grow old.)

Muling napangiti si Danica.

Habang masaganang kumakain at nagkikwentuhan ang dalawa ay naalala ni Danica ang pag-uusap nila ni Samantha. Noong nakaraang araw pa ito nag-uungot sa kanya tungkol sa kanyang kuya dahil sa pagiging hadlang nito sa plano nila. Hindi naman nga nila magawang sabihin dito ang plano dahil tiyak na hindi maiintindihan at hindi sasang-ayon ang kanyang kuya sa dahilan nila.

"Nga pala kuya," pinunasan niya ang labi gamit ang napkin. "Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong palagi kang nasa shop ko. Hindi mo ba napapabayaan itong resto mo? Ano bang dahilan at napili mong sa shop ko pa tumambay?"

Natigilan si Dominic sa tanong ng kapatid. Ano pa nga ba ang dahilan niya kung bakit siya palaging naroon? "Why, what's the problem? Dati-rati ay palagi naman akong naroon to check on you."

"Yes, pero hindi naman sa puntong halos buong araw ay naroon ka. It is because of Samantha, right?"

Saglit na hindi sumagot si Dominic. He flicks his tongue and leans on his chair. "I don't really like that woman, Nics. Mukhang wala naman s'yang alam sa pagtatrabaho sa shop mo. Kailangan pa ngang sabihin kung ano ang dapat niyang gawin bago pa s'ya kumilos."

"At kailan ka pa naging HR aber?" natatawang ani Danica. "Can't you see kuya? Since Samantha came, muling bumabalik ang sigla ng shop ko. She seems to be my lucky charm for saving my business from bankruptcy. Saka, Sam is so nice, sweet, and intelligent. Binibigyan niya pa nga ako ideas about handling the business. Baka sadyang hindi lang s'ya sanay sa pisikal na gawain."

The Temptress R-18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon