Follow me on Facebook, YouTube, and Dreame:
Juanna Balisong
ENJOY READING! (/>o<)/
💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋
KINABUKASAN ay inihatid nila ang mag-asawang Go sa airport dahil muli nang babalik ang mga ito sa Japan.
Mahigpit na niyakap ng inang si Dorothy ang bunso. "Mag-iingat ka, tumawag ka kapag may problema."
"We'll see you again soon, ma, kung makapagbilin ka naman ay para kang lilipad sa ibang planeta," natatawang ani Danica.
"Nice meeting you po, tita D at tito Kenji, ingat po kayo sa pag-uwi sa Japan," nakangiting sabi ni Samantha at bumeso sa ginang.
"We are also glad to meet a lovely person like you, Samantha." Haplos ni Dorothy sa kanyang braso at pinakatitigan siya.
"Sa susunod ay sumama kang bumisita kina Dominic at Danica sa Japan," aya ng ginoo.
"Ay talagang isasama ko ito nang mahanapan ko ng hapong mananakop dito," tawa ni Danica at ikinawit ang kamay sa braso niya.
"Bakit mo pa hahanapan kung narito naman ang kuya mo. Hindi ba, Dominic?" kindat ng ama kay Dominic na nangingiting napailing na lamang.
Danica rolled her eyes. "Si papa, bidang-bida na naman ang kuya."
"Ewan ko ba d'yan, pati sariling anak ay ibinubugaw niyan," gatong ng ina.
Napatawa si Samantha. Hanggang dito ay hindi na natapos ang asaran ng mga ito.
Narinig nila ang announcement ng pre-boarding.
"O s'ya, sige na. Mayamaya rin ay magbo-board na kami, mauna na kayo." Isa-isang kinuha ng ginang ang mga dalang bag.
"Mauna na kayo Danica, Samantha, kauusapin ko lang itong si Dominic." Tango sa kanila ng ginoo.
"Hintayin n'yo na lang ako sa parking lot," ani Dominic. Iisang sasakyan lang kasi ang gamit nila at ang sasakyan nito ang ginamit.
Sa huling pagkakataon ay muling niyakap at hinalikan ni Danica ang ama't ina. "Gonna miss you two."
"Have a safe flight po."
"Kayo rin mga anak, ingat kayo ha?"
Tumango ang dalawa at nagpatiuna na.
Habang naglalakad, ay nilingon ni Samantha si Danica. "Anong nangyayari sa inyo ni Ricky? Akala ko ba ay sinundo mo s'ya kahapon dahil kuya mo ang sumundo sa akin."
Danica shrugged. "I did. Pinuntahan ko s'ya sa apartment n'ya pero wala s'ya ro'n. Noong tinawagan ko naman ay out of coverage."
"Nakausap mo na ba s'ya ngayon?"
"He texted me, ang sabi ay umuwi raw s'ya sa kanila kaya."
Naningkit ang mata ni Samantha. "Nang hindi nagsasabi sa iyo?"
"Gano'n naman iyon kahit dati pa, saka ayoko rin naman maging masyadong mahigpit kung usapang pagpapaalam, ayokong makasakal, ano?"
BINABASA MO ANG
The Temptress R-18 (COMPLETED)
Romance"She's a seductive temptation that no man could ever resist..." Soon to be published under PaperInk Imprints
