3 | Caught

747 18 3
                                    

Follow me on Facebook, YouTube, and Tiktok:
Juanna Balisong

ENJOY READING! (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

"HOW do I look?" lumabas si Samantha ng kwarto suot ang knee-length puffed pink-striped dress na may mini apron at ribbon sa likod. She looks like a cute japanese waitress na lumabas mula sa isang comic book. May suot din siyang headdress at accessories ka-partner ng kanyang suot.

"You look so freaking cute!" Danica snapped a quick picture of her bago pa man nakaangal ang dalaga.

"Hey! Delete that-"

"Halika at ipakikilala kita sa iba." Danica drags her out excitedly. Animo batang sabik na makipaglaro na hinila siya nito pababa ng office upang ipakilala sa iba pang crew. "Everyone, meet Samantha! She will be working with us starting today!"

Kanya-kanyang bati ang ibang kasamahan sa kanya. Sampu lamang ang mga empleyado kaya madaling nakilala ni Samantha ang lahat. Kabilang sa sampung iyon si Ricky.

"Nice to meet you, Samantha. Hope to work well with you." Inabot nito ang kanyang kamay.

"Same here, Ricky." She gently squeezed his hand and smiled friendly. Alam niyang nakaramdam ng pagkailang si Ricky sa ginawa niya kaya agad nitong binawi ang kamay. 'Oh, I see...'

"Okay, let's go back to work. Do your best everyone! Nararamdaman kong marami tayong magiging customers today," masiglang wika ni Danica bago siya muling nilapitan. "You know what to do naman, Sam, ipamigay mo lang itong mga flyers sa mgavtaong dumaraan sa labas." She handed her a pike of flyers. "Then kapag naubos na ang mga 'to, pwede ka nang pumasok. You can help din sa shop kung gust mo. Just serve their orders or kung may concern man, lapitan mo lang sila and ask. Nasa paligid lang ako to assist, but most of the time ay nasa office."

"Yes, I got it."

Nang makaalis si Danica ay si Roilan-ang guard-naman ang lumapit sa kanya. "Mukhang ganadong-ganado magtrabaho ngayon si ma'am Danica dahil sa'yo."

Takang napalingon si Samantha dito. "Pa'no mo naman nasabi?"

"Siguro dahil dadami ang customers n'ya dahil may waitress s'yang maganda..." nanunuksong ani'to habang ang mga kilay ay nagtataas-baba pa.

Samantha rolled her eyes at hindi mapigilang mapatawa nang bahagya. Hindi niya alam kung sa korni joke ba siya natatawa o sa paraan ng pagsasabi nito. Para itong si Rene Requiestas kung magsalita noong kapanahunan ng kasikatan, hindi niya alam kung sinasadya ba nito iyon o talagang ganoon ito magsalita.

"Wish me luck na lang kuya Roi, baka unang araw pa lang puro kapalpakan na ang magawa ko," pabalik niyang biro dito. She has to build a good relation with others upang hindi siya mahalata, well, hindi iyon problema dahil madali lang para sa kanya ang makisama.

"'Roi' na lang, Sam. Pinagmumukha mo naman akong matanda kung tatawagin mo akong kuya, hindi naman nalalayo ang edad ko sa'yo," ngiti nito.

Napansin ni Samantha na may pagkakahawig ito kay Danili Barrios-isa sa mga kinatitilian noong 90's. Lamang ay moreno ito at medyo mas maangas kung titingnan. Napag-alaman niyang single parent ito sa dalawang anak mula noong mangibang bansa ang asawa at tuluyang iniwan para sa iba. Gayon pa man ay hindi halatang may anak na ito dahil mukhang binata pa rin at maganda ang batak na katawan.

"Tama na iyang kwentuhan ninyo d'yan," sita ni Ricky. "Roi, may mga tao na sa labas. Pagbuksan mo ng pinto," utos nito sa lalaki and tilted his head to the door kung saan may ilang costumers na ang nakaabang.

The Temptress R-18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon