PROLOGUE

24 1 0
                                    

"The design was great Architect. Di ako nagsisi na kinuha kita to design for my house."

"I'm glad that I'd be able to design your dream house Mrs. Sarmiento. Thank you for the trust po." Saka nya inabot ang kanyang kamay para makipagshake hands kasabay ng pagpalitan namin ng ngiti.

"Kindly send the final design to Engineer to finalized the calculations." Sabi ko kay Aiden, my apprentice.

"Yes po, Architect!"

"I'll go ahead na Architect. I have some errands pa."

Tumayo na ako para magpaalam kay Mrs. Sarmiento. "Sure, Mrs. Sarmiento. Again, it's my pleasure to work with you."

Nauna na si Mrs. Sarmiento na umalis. I sat down again to finalize the details for the project and give instructions to my apprentice.

"Kindly prepare enough copies na lang for the engineers, Aiden, and ready our presentation for the meeting tomorrow." Sabi ko kay Aiden habang inaayos na ang gamit ko.

"Yes po, Architect. I'll inform you na lang po for the meeting."

"Okay, Thank you. Mauna na ko sa'yo." Saka na ko tumayo.

"Okay po, Architect."

Nauna na kong lumabas sa coffee shop dahil may meeting pa pala ko for other clients. Dumiretso na ko sa parking and sumakay na sa sasakyan ko. Medyo nagugutom na ko because I didn't have my breakfast kanina. Coffee lang din ang inorder ko sa meeting namin ni Mrs. Sarmiento.

Dumaan na lang muna ko sa drive thru.

"One caramel macchiato and a ham sandwich please" saka ko inabot ang card ko for payment.

"Thank you ma'am. Just wait for your order. Have a great day ahead." Nakangiting sabi sa'kin ng crew kaya nginitian ko sya pabalik.

"Thank you. Sa iyo rin."

Hinintay ko na lang 'yung order ko. After 5 minutes, nabigay na rin sa'kin.

"Thank you." I said to the crew.

Pinaandar ko na sasakyan ko dahil nakita kong traffic at baka malate ako. I started to eat my foods habang naghihintay sa traffic.

Grabe, kailan kaya mababawasan traffic dito sa Pilipinas? Dati pa lang problema na 'to ng bansa e. Bakit parang walang aksyon? Ay? Nagrants? Hahahaha sorry reklamador talaga ko.

Nakalusot na rin ako sa traffic after ilang minutes. Malapit na ko sa pupuntahan ko kaya nagsignal lights na ko para lumiko.

*Screeeeechh*

"Sh*t!" Napahawak ako sa batok ko dahil nabigla sa pagkakatama ng ulo ko sa headrest. A car bumped behind me.

After ko icheck ang sarili ko, I get out of the car para makita kung sinong nakabangga sa sasakyan ko. Pagkababa ko, nakita ko ang isang lalaki na nakayuko at sinisilip ang nangyari, kaya yumuko rin ako at sumilip.

"Shocks!" Rinig kong sabi nung lalaki. Umayos na ko ng tayo para makita siya and to talk to him properly.

"Excuse me? Can I know bakit ka bumang—"
Magsasalita pa sana ko nang magsalita siya.

"You turn right without signal!"
Nakayuko pa rin sya at hinahawakan yung damage ng sasakyan nya.

Wait, what? As far as I know nagsignal ako bago lumiko. "What? Can't you see? Nagsignal ako. Ikaw ata 'tong hin—"

Napatigil ako sa sasabihin ko nang bigla siyang tumingin sa'kin at nakita kung sino siya. Napatingin at napatulala rin siya nang makilala nya ko.

Walang umiimik sa'min. Tanging palitan lamang ng tingin ang naging conversation naming dalawa. Bakas sa mukha naming dalawa ang gulat.

"Celena." Sambit nya na pumutol sa katahimikan naming dalawa.

"Y-yuuta" ang tanging nabigkas ko.

Walong taon.

Walong taon na rin ang nakalipas nu'ng huli ko siyang nakita.

Walong taon na nu'ng naging parte siya ng buhay ko.

Walong taon na nu'ng minsan kaming sumaya sa isa't-isa.

Pero...

Walong taon na rin nu'ng bigla na lang siyang nawala.

Yuuta, it's been eight years.

And within those years I keep wondering why?

We're really great bestfriends, best buddies
... which turn into something more.

That's indeed a good relationship between us.

Pero...

Bakit bigla ka na lang di nagparamdam?

Bakit bigla ka na lang nawala?

Why do you have to disappear suddenly? At times when I realized what I'm truly feel about you.

At times when I could finally say I love you.

8 years had passed.

Even so, I'm still into you.

————

STILL INTO YOU
by artsytine, 2022

©️Copyright.
All right reserved.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon