4

2 0 0
                                    


| The data above will only be used for academic purposes only. The researcher will make sure that all of the given data will be keep confidentially .... |


Naka-tulala na lang ako looking at my screen if paano ko tatapusin ang permission letter para sa survey namin for thesis. Di ko na alam kung tama ba 'tong pinaggagawa ko dahil ang dami kong iniisip, isa lang naman utak ko. Hayy!


Nagscroll na muna ko in my phone for a break. 


And Chad popped up in my feed. 

| Morning ride at Kennon Road, Baguio City |


I thought he's on training? So, sa Baguio pala ang training niya. Di ko alam dahil ilang days ko na rin siya di nakakausap. He's not responding sa mga chats ko, siguro nga sobrang busy. Malapit na rin kasi this year's Intramurals. Kaya di ko na rin siya masyadong kinukulit, just messaging him for updates. 


Sakto pagka-lapag ko ng phone ko sa table to continue my stuff ---


| Messenger audio . . . . . |


Napabingwas ako nang magring ang phone ko. Someone's calling.


"Yas?" sagot ko sa phone ko na hindi tumitingin sa screen.


"G! Mcdo!" pag-aya pa lang, alam na alam na kung sino. 


"Nagawa mo pa talagang mag-aya sa dami ng school works natin ne?" paalala ko sa kanya dahil alam kong pati sya, di pa rin tapos sa school papers namin. 


"Edi w---" sasagot pa sana siya pero pinutol ko agad ang sasabihan niya. "Pero, G!" ang daling kausap e hahaha. Narinig ko na lang din ang tawa niya sa kabilang linya. 


"'Yan gusto ko sa'yo, daming ratat pero g! hahaha." pag-aasar niya. "Tse!" 


"Osya, I'll be there in 10 minutes." sabi niya saka i-enend ang call.


Nagready na lang din ako saglit and niready ang laptop ko. We need to manage our time, so I'll try to do my papers kung saan man kami mapadpad.


Dumating na nga siya after 10 minutes. Calculated talaga e.


Sumakay na nga ko sa passenger seat saka humarurot ng pa-takbo si Yuuta. 

Tiningnan ko ang pin location niya sa google maps niya, and I'm right. Di basta-basta Mcdo ang destination namin.


"Lakas din ng trip ng Mcdo mo ne? Ang daming time hahaha!" hirit ko sa kanya. 


"We have so much things to do and we need a break. YOU need a break." diing sabi niya. 

Tumango na lang ako as sign ng pagsang-ayon.


Mag-one hour na nga rin yung byahe kaya naisipan namin na magstop over muna para makakain saglit. Di na namin namalayan yung oras sa haba ng biyahe. Di ko rin kasi alam kay Yuuta at bakit sa Baguio pa gustong magbreak. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon