3

13 1 0
                                    

It's already 7:30 in the morning, and I have class ng 8am. Yes, late si ante niyo. Ang bagal ko pa naman magready, e wala. Nagpuyat ba naman kasi sa pag-iyak kagabi. I have a huge trust kay Cha, but I don't know. I am so fragile with my emotions. Sensitive si ante e, hahahaha. Jusko! Dami kong say.

Nagready na lang din ako nang mabilis saka ko kinuha ang mga gamit ko pababa. Dumiretso na rin ako sa sala palabas since wala na rin akong time for breakfast. Sa school na lang siguro. Ngayon ko lang din narealize na wala pala parents ko dahil sa out of town business nila.

I walk towards the main entrance with my stuffs and saw Yuuta na nakasandal sa sasakyan niya. He's wearing a white button down long sleeves polo, that match with his navy blue pants. Title defense kasi namin ngayon kaya naka-formal attire. Yas, lakas namin magpuyat kagabi kahit may important agenda kami ngayon ne? Hahaha.

Sinalubong na nga niya ko to help me with my things, saka siya nag-abot sa'kin ng paper bag. "Nagdrive thru na ko kanina 'coz I know di mo na nagawang magbreakfast. Ikaw pa? Napuyat ka na naman for sure!" Sermon niya sa'kin. Daig pa parents ko, jusmeyo! "Whatever!" kunwaring inis kong sagot sa kanya. Pumasok na rin ako sa car niya and decided to have the breakfast he got me. Literally a smile draw on my face kaopen ko ng paper bag. It's my faveee! -- a burger steak. My heart is so happy. ^^ Nakita ko na lang din siya sa pheriperal view ko na napangiti because he knew.

----------------------------------------------------------

10 minutes after ...

Andito na nga kami sa campus and saw our classmates na busy na sa kanya-kanyang preparations for the title defense.

"Beb, are you ready na?" tanong sa'kin ni Jackie na ramdam kong kabado na rin sa lamig ng kamay niya na naka-hawak sa braso ko. "Hmm.. kinda?" ayun na lang ang nasagot ko dahil pati ako kabado na rin. We end up hugging each other na lang dahil na rin siguro sa kaba. Hindi pa naman to final pero huhu, nakaka-kaba naman kasi talaga.

Minutes passed, nagsimula na nga ang title defense. Ang buong class ang audiences kaya mas nakaka-kaba bukod sa mukhang lumalamon ng buhay ang mga panelist -- my introvert self kennat huhu! Dinaig pa ng snow ng northpole ang lamig ng kamay ko sa sobrang kaba. Ewan ko ba? I came prepared naman pero weakness ko kasi talaga ang magsalita sa harap ng mga maraming tao, inverter aircon kasi ako, kimii hahahahahaha! Nagawa ko pa talagang magjoke, pasensya na po.

Si Jackie na nga ang nakasalang infront. I raised my arms with fist closed, and mouthed "Goodluck, beb!" to show my support kahit ang totoo is sobrang kabado na ko dahil ako ang next sa kanya.

Patapos na si Jackie kaya naman nag-iistart na ko ilabas stuffs ko for oral title defense. Sobrang abala ako kaya nagulat ako ng umupo si Yuuta sa tabi ko. "Naks! Prepared naman pala si antee." pang-aasar niya sa'kin. "Uyy, I'm so tensed here, wag mo na dagdagan." maiyak-iyak kong sabi sa kanya saka pinalo nang mahina ang braso niya. Hinawakan niya ang kamay ko na akala ko para lang maiwasan ang sapok ko. But he slowly drop my hand and open my fist, saka siya naglagay ng bagay sa palad ko.

|You got this! | written in a cute size dark chocolate bar. "I know you'll do great." then he gave me his sweetest smile, bago siya umalis at pumunta sa lugar niya. Ewan, pero di ko namalayan na nawala ang kaba ko dahil sa small gesture niya. Kahit walang magawa sa buhay yun kundi asarin ako, I can't deny the fact na isa siya sa safe place ko, 'coz he knew me so well. He knew that a simple dark chocolate will makes me at ease.

Ako na nga ang nakasalang. I closed my eyes for a moment and took a deep breath bago ako nagstart. As I opened my eyes, I only hear my heart just beating too fast because of nervousness. But I saw Yuuta sa likod. He gave me a thumbs up with a biggest smile -- and that helps me.

After a long discussion, I did it. I defended my title, at last. Grabe, para kong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil I did it. See you ulit sa final defense. Few hours passed and halos patapos na rin ang buong class. I saw Yuuta, preparing na rin for his turn. Lumapit ako sa kanya to wish him goodluck. "Best of luck, Yuuts! Wag ka iiyak sa harap ha?" asar ko sa kanya na kinatawa niya. "Ikaw nga 'tong daig pa matatae kanina sa harap hahahahaha" balik na asar niya sa'kin. Pinalo ko na lang nang mahina ang braso niya saka nagpout na para bang naasar.

Di ko na lang din siya ginulo at hinayaan na magprepare. Naupo na lang ako sa tabi ng inupuan niya para bantayan ang gamit niya. Natapos na siyang iready ang visuals niya saka niya sinuot ang suit niya.

I saw his suit slowly fitting with his body. His navy blue suit now completely match with his white button down long sleeve and navy blue pants. He became a silhoutte because of the rays of sunlight hitting him, which gives him a male lead vibes in a Kdrama. I don't know but kinda feel my heart a bit excited right now. Hmm, siguro kasi ngayon ko lang siya nakitang nakaporma na ganyan? Basta, infair, ang gwapo ni koyang niyo. Ngayon ko lang din napansin na his hair style is a bit different today. Prepared yarn?

Pumunta na siya sa harap saka nagsimula magdiscuss. He looks so serious ngayon. Graduate na graduate na si koya ha? Hahaha. Napatawa na lang ako without realizing na nakangiti na ko towards him. He glance on my way. Before he proceed sa dinidiscuss niya, he gave me an endearing smile which makes me stare at him, just hearing my heart beating too fast.

——————————————————

Namiss nyo ba ko? kimii. Sorry for the super late late upload. Sobrang nabusy sa thing called "life". Adulting stage is real.

I'll try to be a bit active na here since vacation na. Hope you enjoy! ^^

ps. sorry for the wrong grammars and mispelling, I'll edit it up soon.

————————

STILL INTO YOU
by artsytine, 2022

©️Copyright.
All right reserved.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon