Chop.Ketchup.Girl Bawang.Annetsara

58 0 0
                                    


masaya at nagtakbuhan pumasok ang mga bata sa loob ng bahay


"oh mga bata nandyan na pala kayo" sabi ni Kathelyn habang inilalagay ang mga pagkain sa lamesa "mabuti pa ay maghugas na kayo ng kamay at kakain na tayo" dagdag nito


Van: opo mommy. Tara! (yaya nito kina jay, krisha at ania)


pagkatapos maghugas ng kamay ang mga bata ay isa-isa na silang umupo dahil kakain na nga diba? gutom na daw sila ha ha... at dahil marami sila at kulang ang upuan, nakatayo na lamang ang mga tatay nila tapos yung mga bata katabi ang mga mommy nila.


Van: wow! may porkchop *takam na takam na pagkasabi ni Van*


Anton: syempre naman Van, balita ko paborito mo daw itong porkchop *sabay lagay ng porkchop sa plato ni Ania*


Ania: thanks po dad

at nilagyan din ni Anton ng porkchop ang plato ni Van

Van: ay salamat po tito talaga pong paborito ko 'tong porkchop

Anton: parehong-pareho talaga kayo ni....

hindi naituloy ni Anton ang sasabihin nya dahil biglang nagsalita si Kathelyn

Kathelyn: talagang paborito ni Van ang porkchop dun ko kasi sya pinaglihi

*tiningnan ni Kathelyn sa mata si Anton, at nagets naman agad iyon ni Anton kaya tumahimik na lang sya*

Ray: oh ito sawsawan nyo mga bata *at inilapag nya ang ketchup sa lamesa* at ito naman sayo Krisha, suka na may bawang, sabi ng mama mo yan daw ang paborito mong sawsawan

Krisha: ay opo tito, salamat po

Jay: teka K ayaw mo ba sa ketchup? ang sarap kaya ng ketchup

Jannah: haha alam mo ba Krisha, ketchup ang paborito nitong si Jay

Krisha: talaga po tita?

Jannah: oo, wala syang ibang gustong sawsawan kundi ketchup lang at alam mo ba miski mangga sinasawsaw nya sa ketchup

Krisha/Ania/Van: seryoso Jay?

Jay: bakit? ang sarap kaya, try nyo minsan *sabay subo ng pagkain*

Ania: Krisha don't tell me na sinasawsaw mo rin yung mangga sa suka? *kasabay nito ang pagtingin ng lahat kay Krisha na nag-aabang ng sagot*

Krisha: depende sa suka, kung may bawang yung suka, oo....saka masarap naman *sabay subo ng pagkain*

Jay: oh si K din naman pala eh iba yung sawsawan ng mangga hindi kami tulad nyo, kami ni K may originality

Ania: so kami walang originality porket yung sawsawan namin ay common? kailangan ba dapat may kanya-kanya tayong sawsawan?

Jay: hindi naman sa ganon

Ania: pero parang iyon yung sinasabi mo

Ray: mga bata talagang 'to sawsawan lang ng mangga nagtatalo pa depende naman yan sa kung sino ang kakain *awat nito kila Jay at Ania* mabuti pa ituloy nyo na lang yung pagkain nyo

Jay/Ania: opo sorry po

Andrea: oh anak may atchara dito *alok nito kay Ania*

Jay: Ania nilalagyan mo ba ng atchara yung mangga? *pabirong tanong ni Jay kay Ania*

Van: hala Ania nilalagyan mo ng atchara yung mangga?

Ania: hindi noh *mabilis nitong sagot*

Krisha: Jay, Van sinisimulan nyo na naman si Ania tumigil na nga kayo mabuti pa kumain na lang tayo

Ania: buti pa si Krisha mabait di tulad nyo

Jay: hindi talaga namin sya katulad kasi kaming dalawa ni Van ay sobrang bait *confident nitong sabi*

Van: tama!

Ania: ewan ko sa inyo

Krisha: ha ha pabayaan mo na nga lang sila Ania

Vald: pagpasensyahan nyo na lang Krisha at Ania yang si Van, napakakulit talaga nyan

Krisha/Ania: sige po tito

Ania: kami na lang din po ang mag-aadjust sa kanilang dalawa ni Jay

Van: uy Pa hindi naman po ako masyadong makulit

Ania: hindi daw makulit eh kinukulit mo nga ako kanina

Krisha: sabi sayo Van makulit ka talaga eh

Van: ang daya naman K kala ko ba kakampi kita

Jay: anong kampi-kampi sinasabi mo saka tingnan mo hindi mo kinakain yung kanin pinapapak mo lang yung ulam *pagsingit ni Jay*

Kathelyn: anak kainin mo nga yang kanin mo

Van: sige po mommy wait lang naman

Kyla: haha kayo talaga, kumain na nga lang kayo, ito Jay oh kumuha ka pa ng ulam *sabay abot ng ulam kay Jay*

Jay: salamat po tita

Marco: sya nga pala may ginawa akong salad

Jay/Krisha: Buko salad po? *sabay nilang sabi*


Jannah: hahaha alam nyo hindi na ko magugulat kung kayong dalawa ang magkatuluyan eh

Kyla: Jannah, nagkasabay lang magsalita magkakatuluyan na agad?

Jannah: eh bakit ba Kyla hindi mo ba nakikita may chemistry kaya

Krisha: eh tita bata pa naman po kami ni Jay

Jannah: malay mo balang araw kayo ang magkatuluyan diba Marco?

Marco: hindi imposible yang sinasabi mo saka pag nagkataon alam ko naman na hindi pababayaan ng anak mo ang anak ko teka kunin ko na nga lang yung BUKO SALAD nyong dalawa *sabay turo kina Jay at Krisha*


masayang natapos ang kanilang kainan at ang mga bata na lang ang naghugas ng mga pinagkainan pagkatapos ay nanood na lang sila ng tv at nagkwentuhan sa sala

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

4 Hearts in love (ViceRylle and VhongAnne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon