DASH PETERSON C. VEGA

3.2K 38 5
                                    

— RIGHT TIME —
September 2, 2023
JonalynYan

PETER POV

“Hi, Peter,” bati ni Jayen sa akin.

Kaibigan siya ni Lori, madalas ko siyang makita kapag pinupuntahan ni Josef si Lori sa classroom nila.

She’s wearing our uniform, she looks neat with her clothes. Halatang anak mayaman. She has fair skin, long straight hair and 5'5 height.

“Hello,” tipid kong sagot.

Hindi ko alam kung bakit kapag nasa paligid ko siya ay para bang balisa ako. Para bang may ginawa siya sa akin para hindi ako maging maingay. Oo, inaamin ko namang maingay akong tao, pero tuwing nandiyan siya, natatameme ako.

Kumunot ang kaniyang noo. “Ikaw ba talaga si Peter? Iyong kaibigan ni Josef?” tanong niya pa ulit.

“Why?”

“Iyong nakikita ko kasing Peter, madaldal. Tipong malayo pa lang, maririnig mo na ang boses pati lakas ng pagtawa. Sure ka, ikaw ‘yon? Or baka may kakambal si Peter,” sabi niya.

Mabilis akong umiwas ng tingin dahil titig na titig siya sa akin. Pakiramdam ko ay malulusaw ako ng mga tingin niya.

“Ano bang kailangan mo?” tanong ko at kunwari may kinakalikot sa cellphone ko.

Bumuntong hininga siya bago umupo sa tapat kong upuan. Nasa kubo ako ngayon at may tinapos ako kaninang script para sa short film na gagawin namin. May mga reports din akong tinatapos kaya nagpapahinga talaga ako ngayon.

“Wala kasi akong kasamang kumain, e. P’wede mo ba akong samahan?” malambing niyang tanong.

P*tang*na. Bakit ganiyan kalambing boses niya? Lord, gusto ko ba siya? Bakit na-aattract ako sa boses niya?

“Wala ba si Lori?” tanong ko.

Umiling siya. “Wala, e. Kasama niya si Josef. Ikaw lang ang nakita ko and I don’t have any friends here, e.”

Magsasalita na sana ako nang may tumawag sa akin.

“Peter!”

Nakita kong papalapit sa amin si Xiara. “Bakit?” tanong ko nang makalapit siya.

“Nakita mo ba si Zach? Kanina ko pa siya hinahanap, e,” nakanguso niyang sabi.

Natawa ako bigla. “Talian mo kasi ‘yang boyfriend mo... ” Tinawanan ko siya lalo. “Pucha. Nasa classroom lang ‘yon.”

“Sige. Salamat,” aniya sabay alis.

Dahan-dahan naman akong tumingin kay Jayen. Nakatingin siya kay Xiara habang naglalakad palayo.

“Bakit gano’n? Ang daldal mo kapag kasama sila pero kapag ako, ang tahimik mo?” Tumingin siya sa akin. “Do you feel uncomfortable with me?” Tumayo siya. Inayos niya ang kaniyang bag. “Sige na nga. Hindi na kita iistorbohin. Bye.”

Mabilis siyang umalis nang magsasalita pa lang sana ako para pigilan siya. Bakit ba kasi ang tahimik ko? Para akong nagiging introvert kapag nandiyan siya. Hayst! Ano ba naman?

Ilang linggo na siyang lumalapit sa akin pero wala akong magawa at titigan lang siya buong araw. Lagi ko siyang sinasamahan kapag may problema siya sa bahay nila at sa acads niya. Hindi ko magawang patawanin siya dahil pakiramdam ko ay mao-ooffend siya sa sasabihin ko. Saka pa-good boy ako.

“Jayen,” pagtawag ko sa kaniya nang maabutan ko siya sa classroom nila.

Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Ilang beses ko rin siyang chinat pero laging naka-inbox zone ang mga messages ko.

Rules and Roses Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon