ARTHUR DRAKEN G. SANDOVAL

735 22 3
                                    

— DRAKE —
JonalynYan

CLARISSE POV

“Argh! Nakakainis! Ang malas-malas ng buhay ko. Bwesit!”

Naiinis ako sa tatay ni Zach. Hindi ko na nga mahal ang anak niya pero patuloy niya pa rin akong ginugulo! Ayaw ko nang landiin ang anak niya. He has special someone and I think, I'm disrespecting their relationship. Bwesit! Bakit kasi kailangan pagbantaan pa ang buhay ng pamilya ko? Gag*ng matandang ‘yon.

I saw Xiara one time, she’s really beautiful. Napakabait pa at ramdam ko na nagseselos siya sa akin. I’m really sorry.

Sinabi ko na rin iyon sa mga magulang ko at sana ay nakausap na nila ang ama ni Zach. Napapagod na ako, e. Gusto ko na nang matiwasay na buhay. Gusto ko namang maayos na ang lovelife ko.

Napatungga na lang ako sa iniinom kong wine. Lumingon ako saglit dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. And I’m not wrong! Meron nga.

I don’t know him pero familiar ang itsura niya. Parang nakita ko na siya somewhere. Nakaupo siya sa may couch habang ang dalawa niyang braso ay nakapatong sa kaniyang mga hita. Nakatitig siya sa akin at hindi inaalis ang tingin. Nang taasan ko siya ng kilay ay mabilis siyang umiwas ng tingin at sumulyap pa saglit.

Pagkatapos kong uminom ay naisipan ko na ring umuwi dahil gusto ko nang matulog.

“Risse!” Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko naman kaagad si Lie.

“Why?”

Nakangiti siyang lumapit sa akin at kilig na kilig na naman.

“Ano ba ‘yon?” tanong ko ulit.

“May nanghingi ng fb name mo!”

Kumunot naman ang noo ko. “Huh? What are you talking about? Are you nuts?”

Tumawa siya at hinampas-hampas ako. “No. I’m not! It’s real! I don’t know his name pero ang pogi niya, bes! Ang pogi niya!”

“Ewan ko sa ‘yo,” sabi ko na lang at dumiretso sa classroom.

Mabilis din namang natapos ang klase namin dahil puro lang activities and some lectures ang ginawa namin.

Dumiretso na kami ni Lie sa may cafeteria pagkatapos. Nagulat ako nang hampas-hampasin ako ni Lie kaya napatingin ako sa kaniya.

“Nandiyan ‘yong nanghingi ng fb mo!” aniya sabay nguso sa likuran ko.

Napalingon naman ako at nakita ko iyong lalaki sa bar. Nakatingin na naman siya sa akin. Para siyang may gustong itanong sa akin pero mabilis siyang lumihis ng daan kasunod ang mga kaibigan niya... Kasama si Xiara? Magkakilala sila?

“Naya...” Napatingin ako kay Zach. Kitang-kita mo na mahal niya si Xiara. Napangiti ako dahil masaya na siya.

Lumingon si Xiara maging ang mga kaibigan nito.

Lumapit si Xiara kay Zach at nakita ko kung paano siya halikan sa pisngi ng lalaki.

Napatingin ako sa lalaki na nanghingi raw ng Fb ko. He’s looking at me. Halata namang type niya ako pero ayaw mag-first move! Hanggang diyan na lang siya? Hindi na siya magdada-moves.

“Tanaw lang kasi nang tanaw. Amp*ta! Lapitan mo na!” pang-aasar ng nasa tabi niya.

Mabilis akong umiwas ng tingin at hinila na si Lie palayo roon. Sa may labas na lang kami kumain dahil mas mura rin doon.

“Ang torpe. Ayoko,” sabi ko.

“Sus. Para namang hindi ka pa sanay. Ikaw nga rin nag-first move kay Zach dati!”

Rules and Roses Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon