Beginning

5 0 0
                                    


To some people... life itself is a curse. To me, it's an illusion. But it's different for everyone. I'd like to think that none of it was real. That what I'm seeing is nothing like the real thing. That life doesn't look as bad as it really is. Ayokong isipin na ito na 'yon. Ganito ang buhay at kailangan kong tanggapin dahil wala naman akong magagawa.

"Grabe rin ang tiyaga mo d'yan sa lola mo, bakit hindi mo na lang dalhin 'yan sa mga tiyahin mo?"

Umiling ako.

"Kaya ko pa naman."

Kaya ko pa naman. Sanay na ako sa magaspang na ugali ni Nanay. Noong una nasasaktan pa ako sa mga salita at pangungutya niya, ngayon ay parang wala na lang sa akin dahil alam ko namang gano'n na talaga ang ugali niya. Sino ako para baguhin 'yon? May choice naman ako na manahimik kung gusto ko ng tahimik ng buhay. Hindi ko kailangang sumagot. Kung kinakailangan kong mag tiis ay gagawin ko.

"Naku! Sana balikan ka na ng nanay mo para hindi ka na nahihirapan. Imbes na nag aaral ka, andito ka ngayon at nagpupunas ng lamesa. Ang ganda ganda mo pa namang bata!"

Mapait akong ngumiti. Alam kong imposibleng bumalik si Mama ngayon lalo na't madalas na nagkakasakit si Nanay. Hindi ko rin alam kung kailan siya muli magpaparamdam o kung may balak pa ba siya. Sa totoo lang, hindi na ako naghihintay. Ayoko na ring isipin kung nasaan siya o kung anong gulo na naman ang pinasok niya, makakadagdag lamang iyon sa mga kailangan kong isipin. 

Sanay na rin naman ako na nagpapakita lang siya tuwing wala siyang matutuluyan. Makikitulog sa bahay ng ilang gabi, magugulat na lang ako nakaalis na ulit siya dala ang mga gamit niya. Minsan nanghihingi pa ng pera.

"Kung hindi lang ako nag asawa agad baka niligawan kita." halakhak ng isang regular costumer ng canteen na pinagtatrabahuhan ko.

Hindi na rin bago sa akin na makarinig ng mga ganoong biro mula sa mas nakakatanda. Iniisip ko na lang na dahil hindi ako batang tingnan kaya nila nasasabi ang mga iyon. Pwede ring masama lang talaga silang tao. Kinse anyos lang ako.

"Doon ka na sa kusina, Maya. Tumulong ka na sa paghuhugas ng pinggan." utos ni ate Nymfa.

Agad ko namang sinunod at nanatili sa kusina para maghugas hanggang sa matapos ang shift ko. Maagap pa ang pasok ko bukas at kailangan ko pang ihanda ang pagkain ni Nanay para bukas. Kapag nagising na naman siya nang hindi pa ako nakakaalis ay baka uminit na naman ang ulo niya at itapon ang mga pagkain na ihahanda ko. Nakabudget na ang kakainin namin para ngayong linggo. If our budget get stretched again, baka wala na naman akong ipambayad sa kuryente. Iyon pa naman ang pinakaimportante para mapanatili kong nasa loob ng bahay si Nanay habang wala ako. Hindi siya makakapanood ng TV kapag naputulan kami.

Malapit lang ang apartment na inuupahan namin sa canteen kaya hindi ko na kailangang mamasahe. Maliit na ang sahod ko, mabuti na lang at hindi na kailangang mabawasan para sa pamasahe. Nakakapagod man, kailangan kong lakarin. Exercise din naman 'yon.

Buhay pa ang TV at malakas volume nang makauwi ako. Agad ko itong pinatay at dahan dahan na pumasok sa kwarto, sinigurado ko na walang kahit anong ingay para hindi magising si Nanay. Maliit lang ang nirerentahan naming apartment, isang kwarto para sa akin habang sa sala naman natutulog si Nanay para hindi hindi siya mahirapang pumunta sa banyo tuwing gabi.  Para sa aming dalawa, this apartment is spacious enough.

After changing into a more comfortable clothes. I reached for my backpack and search for my homework. 

This is my life. This is inside of my illusion. Constantly figuring out how to survive each day without crumbling. Desperately finding ways to make life bearable. Always looking for solutions to everyday problems.

Secrets and Lies and Everything Nice #Wattys2023Where stories live. Discover now