Chapter 3: Mother

1 0 0
                                    







Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nagbihis at hinanda ang hapunan ni Nanay para mamaya. Hanggang alas nuebe ng gabi lang naman ang trabaho ko na 'yon kaya dito na lang ako sa bahay maghahapunan.


Sa isang laundry shop sa bayan ang trabaho ko ngayong gabi. Limang daan din ang bigayan dito kada araw kaya pinatos ko na. Malaki na iyon para sa ilang oras kong pagtatrabaho. HIndi rin naman gaanong mahirap dahil pagtutupi lang ng mga nilabhang damit at comforters ang masasabi kong nakakapagod sa trabaho na 'to.


Nang makarating ako sa shop ay agad na umalis ang bantay na papalitan ko. May mga nakasalang sa mga washing machine kaya naupo na muna ako para maghintay. May iilang nagc-claim ng mga pina-laundry pero dahil hapon na, kakaunti na lang.


Binuksan ko ang TV. Tumunog naman ang wind chime na nakasabit sa entrance nang may costumer na pumasok. And was surprised when I saw who it was. He was on the phone. His eyebrow creased the moment he saw me.


"Fine, I got it. Just don't cause any more trouble and stay out of Uncle's radar... Bye." at ibinaba niya ang tawag.


The only noise I could here is the distant sound of an afternoon show on the television, and the quiet buzzing of the washing machines. Kung wala iyon, malamang ay huni ng kuliglig na ang narinig ko.


He's obviously a client so I took the liberty to start a conversation. Starting with a greeting, "Good afternoon..." tipid akong ngumiti.


Wala kami sa school kaya kailangan kong maging professional. Customer siya ngayon, hindi ang basta si Larkin na senior ko at president ng student council.


"I'm here to pick up my cousin's laundry." aniya.


Naging malikot ang mga mata ko at agad na hinanap ang logbook kung saan nakasulat ang mga records ng mga nagpa-laundry.


"Chandler Salazar,"


Kahapon ang nakalagay na date sa logbook. Bayad na rin ito at ngayon ang nakalagay na schedule ng pick up dahil hindi naman mabigat ito.


"Wait lang."


Lumabas ako ng counter at nagtungo sa area kung saan nakalagay ang tumpok ng mga nalabhan na. Agad ko namang nakita ang pangalan ng pinsan niya kaya agad kong binuhat ito at walang kahirap-hirap na iniabot sa kaniya. Hindi naman mabigat.


"You also work here?" he asked.


Curious na naman siya.


Tumango ako, "Part time lang. Tuwing Sabado at Linggo nang hapon." sagot ko at umiling umikot at pumasok sa counter para ayusin ang resibo.


"Anong oras ang labas mo?"


"Nine o'clock... Kukunin mo pa ba ang resibo?"


Tumango siya kaya iniabot ko sa kaniya ang piraso ng papel.


"Babalik ako bago mag nine. Sumabay ka na sa'kin pauwi."


Humigpit ang kapit ko sa hawak na ballpen bago salubungin ang tingin niya.


Umiling ako, "Hindi na kailangan. Maglalakad lang ako."


"Maglalakad lang tayo." he added.


"Hindi na nga kailangan. Ayoko nang nakakaabala."


Umiling siya, "Hindi naman kita sasadyain dito kung nakakaabala ka. At isa pa, may kailangan din akong daanan sa area na 'to mamayang gabi. Hindi ba't mas maganda kung sabay na tayong uuwi para hindi ka mag-isa... at hindi rin ako mag-isa."


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secrets and Lies and Everything Nice #Wattys2023Where stories live. Discover now