Chapter 1: Beauty

2 0 0
                                    

Walang kibo si Lola habang hinahanda ko sa mesa ang mga pagkain niya. Nakatitig lamang ito sa TV. Na-diagnose sa Alzheimer si Lola no'ng nakaraang taon. Minsan ay nakikilala naman niya ako, may ilang beses din na akala niya ako si Mama kaya ipinaghahanda niya ako ng pagkain at sinasalubong tuwing uuwi.

Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natutuwa. Parang panandaliang ligaya tuwing nagkakagano'n siya. I was longing for it for God knows how long. I crave it. I crave every bits of affection from anyone. Paano ko maiiwasang matuwa?

Nang papaalis na ako ay nagsalita siya kaya napatigil ako sa may pinto.

"Umuwi ka agad. Walang kasama si Maya." aniya sa strikto ngunit malumanay na boses.

Hindi ako sumagot. Sanay na ako sa ganito kaya hindi rin ako gaanong apektado. Kung mayroong dapat na makarinig nito ay hindi ako, si Mama. Hindi para sa'kin ang mga sinasabi niya.

Maaga akong nakarating sa school at sa library ako dumeretso. Alas sais pa lang at 7:30 pa ang simula ng unang klase. May oras pa para matulog. Malamig ang library at tahimik, hindi ako maiistorbo.

Nagtungo ako sa lounge dahil dito may sofa. Hinayaan ko ang sarili na sumandal sa malambot na sofa at huminga nang malalim.  Kung pwede ko lang sanang gawin ito sa gabi imbes na sa umaga. Hindi naman ako pagod sa umaga kaya walang silbi ang pagre-relax ko rito. Sana ay makaipon ako pambili ng sofa.

May iilang pumapasok ngunit umaalis din dahil siguro masyadong tahimik. Hindi rin sila makapag-aral dahil ginagambala ng antok.

Inihanda ko muna ang alarm sa cellphone ko bago sumandal nang maayos at pumikit, yakap yakap ang aking backpack.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong napaidlip dahil nagising ako nang hindi oa tumutunog ang alarm. Nang aking i-check ay mga 20 minutes pa lang. Umingay ang library dahil may dumating na medyo malalakas ang boses.

"Ang hina talagang umintindi ng mga officer. Mabuti pa sa senior high department chill lang. Sa atin parang tanga, napakalamya ng President."

"Oo nga. Tangina college na sila next year. Baka sa Manila na mag aral si Larkin."

Nag buntong hininga ako at umiling. I'm more mad of their noise than what they had to say about me. It's exhausting. Feeling bad about something I couldn't control is tiring. It happens over and over again and their opinions is beyond my reach. Hindi ko sila mapipilit na gustuhin ako, pero mapapatahimik ko sila dahil library ito at gustong gusto kong matulog!

"Puwede ba pakihinaan ng boses. Sa labas kung gustong mag kwentuhan." anunsyo ko.

Sabay na tumingin ang dalawang babae at kitang kita ko kung paano naubos ang kulay sa mukha nila.

"S-sorry, Maya. Nariyan ka pala."

Dali-dali silang nagligpit at lumabas ng library. I didn't want to be mean, pero library ito at kahit sino  ay dapat alam na ang rules na bawal mag-ingay. Hindi ko na dapat sila paalalahanan pa, may ibang tao man o wala. Ang rules ay rules.

And they were talking shit about me. Kung ako magsalita rito ng kung anu-ano tungkil sa kanila, hindi rin sila mananatiling tahimik. Ako. Parang tanga at malamya bilang President... Do they really think that?

Maingay sa classroom at may sari-sariling mundo na ang mga kaklase ko, may kaniya kaniyang pagtitipon at pinag-uusapan. Gustuhin ko mang manatili sa library maghapon, wala akong choice kundi umattend sa klase kahit ganito lang naman kaingay palagi.

"Ano kayang skincare nito ni Maya?! Parang kahit halatang haggard na mukhang fresh pa rin!" I wasn't paying attention to what they were talking about, kaya nang marinig kong mabanggit ang pangalan ay saka ako nabalik sa ulirat.

Secrets and Lies and Everything Nice #Wattys2023Where stories live. Discover now