chapter 3: she's awake

1 0 0
                                    

"Christine pov"

Where am i ??? Lia? Angel?? Halos walang boses na lumabas sa aking lalamunan. Pinipilit ko bumangon kahit nang hihina ako. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid . . Malawak ito.. kanino tong bahay asan na ang mga kaibigan ko. . Biglang bumukas ang pinto..

"Tine!!!" Umiiyak na yumakap sakin ang mga kaibigan ko.."kamusta ka na??"lia.

"Nag alala kami sayo.." umiiyak na sabi ni angel..."sorry tine kasalanan ko kung bakit napahamak kayo"dagdag pa nito.

"Anu kaba? Angel hindi kita sinisisi . ."niyakap ko sya para iparamdam na totoo ang sinasabi ko.. napatingin ako sa bagong pasok.."sino sya??"

"Sya si michaira.. sya ang tumulong sa atin at ang may ari ng bahay." Ngumiti lang ang babae..at inabot sa akin ang dalang pagkain

" Uminom ka muna at kumain alam kong gutom at uhaw ka na.."inabot ko ito at nag pasalamat.

"Ilang araw na ba tayo dito??"

"2 weeks na . ." Nagulat ako. Ganun katagal akong walang malay . .

Tumigil pa kami ng ilang araw bago kami nagpasyang umuwe na.sa loob ng ilang araw ay puro ensayo lang sila . . Hindi ako pinayagan ni aira mag ensayo . . Pinag pahinga lang nya ako para daw mabilis bumalik ang lakas ko..

"Tubig muna kayo"aya ko sa kanila..

"Grabe nakakapagod."nakalupaging daing ni angel at lia samantalang si aira parang wala lang sa kanya ang ginawa nila. Inabutan ko sya ng tubig."oh inum ka muna"

"Salamat"sabay ngiti sa akin. Kakaiba ang babaeng to hindi mo sya makikitaan ng pagod samantalang ung dalawa ay panay ang daing..

"Nga pala.aira anu ang kapangyarihan mo?"napatingin sya sakin tapos umiwas. nagtaka ako sa kinilos nya.. gusto ko sana malaman pero nd ko na lang pinilit. Simula ng mag ensayo sila hindi ko manlang nakita na gumamit sya ng kahit anung kapangyarihan.. more on combat sya at masasabi kong napakahusay nya...

Academy

"Lance pov"

Kamusta na kaya sila tine mag iisang buwan na mula nung nawala sila.halos araw namin nililibot ang gubat para hanapin sila.

"Kamusta na kaya sila?" Napatingin ako kay sky."mag iisang buwan na ng mawala sila.. panay na tanung sakin nila erika kung may balita na sa kanila." C erika ay kapatid ni lia.

"Sa tingin nyo nakaligtas kaya sila?"malungkot na tanung ni tyler.

"Oo naman alam kong kaya nila un sila pa ba??"pagpapalakas ko ng loob nila . .

"Excuse prince'ss pinapatawag po kau ng HM"boy 1

" Ok. Susunod na kami."Tara na baka may papagawa satin ang HM" aya ko sa kanila..

"Aira pov"

Bukas ang araw na napagpasyahan nila tine na bumalik ng academy at napag desisyunan ko na sumama sa kanila.

"Sasama ka ba aira???"tanung nila angel.

Napatigil ako sa pag kain . Desidido na ako na sumama . At dadalaw na lang sa bahay ng madalas.."oo sasama ako at susubukang mamuhay sa labas. "Napangiti sila at sinimulan na ulet kumain.

Naayos ko na ang mga gamit na kailangan ko at kinausap ko ang bahay at nangako na babalik ako dito mahal na mahal ko ang bahay na ito.

Madaling araw ang napagpasyahan naming oras umalis para hindi kami abutan ng init sa daan.maaga ako nagising para maghanda ng makakain namin. . . Simula ng mag 9 years old ako ay tinuruan na ako mag luto. Magigising ako na may mga nakasulat sa isang papel kung pano mag luto.. ang bahay na ito ang nag turo sakin ng lahat ng bagay. . natural sya na may buhay. Wala mansyang kamay sya ang gumabay sa akin sa lahat ng bagay.

"Ang bango .. grabe aira amoy pa lang nakakabusog na" sabi ni angel.

"Amuyin mo na lang angel hahahha"biro ni lia.natawa na lang ako sa kakulitan nila.

"Tumigil na kau at ng makakain na tayo.excited na ako bumalik sa academy" ani ni tine

"Sows sa makabalik sa academy ba talaga oh makakita si lance Hahahah."tukso nila lia.at namula ang mukha ni tine. . Naalala ko naman ung mga lalaki na nag hahanap sa kanila at kasama dun ung lance. . Napangiti na lang ako. Swerte nila may nag aantay sa pagbalik nila.napatingin sila sa akin.

"Ikaw aira excited ka ba??"napangiti ako

"Medyo first time ko lang makakalabas ng gubat."ng matapos kami kumain ay nag handa na kami sa pag alis.

Sinambit ko ang isang engkantasyon upang gumawa ng daan palabas ng pananggalang na bumabalot sa bahay. Ng makalabas sila ay hindi sila makapaniwala na sabas ng pananggalang ay isang matandang puno lang ang bahay.

"Grabe. Hindi ako makapaniwala na jan tau galing. Sa labas ay napakatandang puno na hindi kalakihan ang katawan.pero sa loob ay napaka lawak at madaming kwarto." Sabi ni angel.nag paalam na ako sa bahay na aking kinalakihan.

"Tara na para hindi tayo abutin ng init sa daan."sabi nila tine.nag lakad na kami .

"Kung hindi lang malakas ang magic dito gumawa na ako ng lagusan."reklamo nila tine.medyo malayo na nga ang nilalakad namin at ramdam na ramdam ko padin ang kapangyarihan ng gubat.

"Pahinga na muna tayo dito."yaya ko sa kanila.umupo sila sa may malaking trunk ng kahoy. hinawi ko nman ang mga dahon sa likodan ko. Nakakarinig ako ng lagaslas ng tubig. Sinundan ko ung tunog at nakarating ako sa isang malawak na batis .. napakaganda ng lugar na ito may isang talon na hindi kataasan.napakalinis at lamig ng tubig.uminom ako at napaka sarap ng tubig nakakawala ng pagod. Maya maya ay narinig ko ang namamanghang singhap ng mga kasama ko.

"Ang ganda.parang paraiso."wika nila. Napag pasyahan namin na dito muna kami mag pahinga . . Naligo kami at para itong healing water dahil ung pagod namin ay nawala at parang lumakas pa ang katawan namin. Hindi na kami masyado nag tagal pa at lumakad na ulet kami . Kumuha kami ng tubig sa batis.

Tanghali na ng makalabas kami ng gubat. Bagamat malayo na kami sa gubat ay nararamdaman ko pa din ang mahika nito. Malayo layo pa ang aming nilakad ng makarating kami ng bayan.  Tumigil kami para kumain. . Naubos namin ang dala naming pagkain sa batis kanina..

"Anu kakainin nyo???"tanung ni lia ng may lumapit sa amin.

"Eto po ang pag pipilian "girl 1

"Spaghetti na lang sakin"napamaang ako anu kaya un???"

"un na lang din sakin" sabi ko sa serbadora

At sa huli un na lang ang kinain namin lahat. ng matapos ay napag pasyahan namin na mag libot libot saglit. 3pm na ng mag aya sila tine. Gumawa ng isang lagusan si tine. Pag labas namin sa lagusan ay nasaharap na kami ng isang malaking gate.

"Welcome sa academy aira"nakangiti nilang banggit sa akin....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon