CHAPTER FIVE | THE WORKING PRINCESS
Summer
HINGAL NA HINGAL ako nang makabalik sa restaurant kung nasaan si Brooklyn. Hindi ko naman kailangan tumakbo pero natakot kasi ako dahil naroon na naman ang prinsipe na iyon kung nasaan ako. Ayoko na maging laman ng headlines ulit at lalong ayoko na sumusunod siya kasama ng mga bodyguards niya.
"Saan ka naman ba galing?" tanong sa akin ni Brooklyn matapos niya makapagpaalam sa mga kaibigan. Alam ko na naiinis na ang kapatid ko sa akin. Hindi naman siya obligado na bantayan ako pero dahil sa hiling ng mga magulang namin, napipilitan si Brooklyn.
"Let's go home, twin. Napapagod na ako at sa bahay na lang ulit kakain," wika ko na nagpakunot sa noo ng kapatid ko.
"What's happening to you, Summer?"
"A stalker is following me!"
"Who?"
"Bakit kung nasaan ako, naroon din siya?"
Hindi ako nasagot ni Brooklyn dahil may sinagot siyang tawag sa cellphone. Ang hierarchy nga pala ay jowa over Summer na dapat lagi ko tatandaan. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko saka huminga nang malalim.
"What are you saying again?" Brooklyn asked after ending the call that interrupted us a while ago. "Never mind that, Summie. Let's go back to the auditorium; I need to pee."
Pinigilan ko si Brooklyn sa aktong paglakad. "May banyo naman dito, bakit lalayo ka pa?"
"Out of order, twin. Akala ko alam mo na dahil nakita kitang pumunta sa kabilang establishment."
Eh? Sira ang banyo dito? Ibig bang sabihin... Oh no!
Mariin akong pumikit at tumalikod sa kapatid ko habang nagpapadyak sa sahig. Mali pala pero ang creepy pa rin na nasa iisang Broadway musical kami ngayon.
"Guest din ba sa musical ang prinsipe?"
"Sort off, but the performance is part of welcoming rights of the City Mayor of New York." Two points ka na Summer... Ako pala ang judgemental hindi siya. "He also visited several shelters the past few days as part of his duty as an active member of the royal family."
"Bakit alam mo lahat?"
"For a woman who always flaunts herself and works online, I was amazed that you didn't know that,"
"Hindi naman kasi ako interesado,"
"Really? Change of heart now? You love searching about royal families, watching royal-themed movies, and wanting to be a princess yourself..."
"Nagbago na isip ko. Gusto ko na magtrabaho,"
"What?" Hindi makapaniwalang bulalas ng kapatid ko pagkarinig sa aking sinabi.
Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at inaya na siya magpunta sa kabilang establishment para makapagbanyo na. Uwing-uwi na ako ngayon at kailangan ko masabi kay Lauren ang natakbo sa aking isipan.
Kaso hindi iyon ang nangyari pagdating namin sa bahay. Pagpasok ko palang, guidance office na agad ang bagsak ko. Ang masama pa kami lang ni Daddy ang narito sa loob ng home office niya. Pinaglaruan ko ang hourglass sa lamesa niya na agad naman binawi ni Daddy sa akin. Binalingan ko cradle balance balls at iyon ang pinaglaruan kaya lang pinigilan din ako ni Daddy.
"Bakit mo po ba ako pinatawag dito sa guidance office mo, Dad? May nagawa na naman ba akong mali?" Sunod-sunod kong tanong sa tatay ko na nakakatakot kapag tahimik.
"I came to visit the café and restaurant a while ago and caught Lauren doing your job for you." Hindi ako natinag bagkus ay dinampot ko lang snow globe na regalo ko sa kanya. Inalog ko iyon para gumalaw ang mga snow. Susubukan sana bawiin ni Daddy pero iniwas ko na. May Brooklyn Bridge sa loob noon at may dalawang lovers sa ilalim ng tulay. It was him and mom and it represents their lovestories that began in the bridge. "When will you listen to me, Summer Antoinette?"
BINABASA MO ANG
A Royal Disaster in Brooklyn
RomanceSummer Antoinette Natividad-Lewis, the princess with no bearing found herself falling with a real life prince. Suddenly her world turn upside down because of their disastrous union. What life awaits the princess wannabe in the world of royals? Summe...