CHAPTER SEVEN | THEN I MEET HIM AGAIN
Summer
"SUMMER, can I ask you a question?"
Ito ang pinaka-mahirap kapag nag-babysit sa isang batang gaya ni Iona. Kailangan ko lagi sagutin ang tanong niya kahit ang iba naman ay curiosity question lang naman. Internship lang pinasok ko sa RJM Corporation pero promoted ako sa pagiging babysitter ng anak ng CEO. Konting hard feelings lang naman kasi para naman ito kay Lauren na kasalukuyang sinusuyo ng tatay nitong batang kasama ko.
"What is it? Make it's not about Math or anything about American laws," nakita ko ang pagkunot ng noo ni Iona bigla. Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng school ni Iona habang nakain ng ice cream. "Nevermind that, ma'am. Ask me now about anything."
"Do you wish to marry and have kids like my Dad and Lauren?" tanong sa akin ni Iona.
Seryosong-seryoso ang mukha niya at para ko na rin kausap si Ritter ngayon. Pareho sila ng kulay ng mga mata, magkasing-tangos ng ilong at tingin ang namana ng batang ito sa nanay niya ay labi saka ugali. Mabait kasi si Ritter habang itong anak niya, ubod ng pilya pero kapag ka-close mo na sweet naman kahit papaano.
Common friends ang meron kami ni Ritter noong una pero nang magkamabutihan sila ni Lauren, nawala na iyong circle of friends namin. Naiwan na lang ay si Angelo na best friend ni Ritter na karelyebo ko sa pagbabantay dito kay Iona. Minsan si Tito Chris at Tita Thali ang nagbabantay sa batang ito. Pinagpapasa-pasahan lang ng kung sino ang may libre araw o oras para mag-alaga.
"I don't know what to answer to your question, Iona. Ask me anything again aside from that,"
Ang totoo ay iniiwasan ko dahil simula nang pumasok sa seryosong relasyon si Lauren na walang kaplano-plano noon ay nataranta na ang mga magulang ko. Dumagdag pa iyong katotohanan na gumulantang sa lahat na may kinalaman sa pagbubuntis ng kinakapatid ko.
Lauren's life is like a riddle to everyone, but not to me. Wala naman talaga siya plano noong una kaya lang sharp shooter si Ritter pero wala naman akong nakitang pagsisi sa kanya. Ang sama ko pa nga noong i-judge ko siya agad nang may makakita na nagpunta siya sa abortion center.
She didn't get rid of the baby, but Lauren chose to live far from everyone. Kami lang noong una ang nakakaalam kung nasaan siya. Pero dahil sa pa-weirdong, pa-weirdong cravings niya, napilitan akong makiusap kay Tito Chris na ipain si Ritter para makahinga kami dito sa New York. Kaso akala ko lang pala na lusot na ako pero ang totoo, hindi pa pala.
I'm stuck with the chocolate man's first child right now.
Maigi na rin ito kaysa naman iniisip ko iyong pagtanggi ko sa possible love life sana noon. Not potential because what life awaited from me if I accepted him. Sa ngayon masaya akong nagagawa ang gusto ko. I'm back from shooting vlogs after working from 9am to 6pm at RJM Corporation. I sometimes organized events with my team in our free time.
Lahat ng ginagawa ko ngayon, mahirap intindihin para sa mga magulang ko pero masaya ako. Iyon naman ang importante sa lahat, ang aking kasiyahan na 'di ko yata makakamit kung pinatulan ko si Isaac. In short, natakot ako kahit pangarap ko maging prinsesa mula pagkabata. Ang babaw ko nga kung tutuusin.
But why would I dream of being a princess of a monarch with high standards when I can be one of my empires?
I can also have my crown and crowned others as well.
Napukaw ang atensyon ko nang may bolang bumangga sa akin black knee-high boots.
"Hey, I'm sorry!" sigaw na narinig ko mula sa field. Saktong tapos na ako kumain ng ice cream kaya imbis na lingunin ang sumigaw, dinampot ko na lang ang bola.
BINABASA MO ANG
A Royal Disaster in Brooklyn
RomanceSummer Antoinette Natividad-Lewis, the princess with no bearing found herself falling with a real life prince. Suddenly her world turn upside down because of their disastrous union. What life awaits the princess wannabe in the world of royals? Summe...