Kabanata 8

5 0 0
                                    

Kabanata 8

Hinawakan ko sa kamay si Michelle ng mahigpit. Halos mapamura ako sa isip ko nang tignan ko ang lahat ng gamit ko sa unit na sobrang gulo. Hindi ko alam kung sinong magnanakaw ang may nang pasok sa loob ng unit ko. Wasak ang pintuan, basag ang mga vase at gulo gulo ang mga sofa.

"May CCTV naman—"

"No... I know who can do this..." Kasi alam ko na agad nung makita ko text niya sa 'kin. Alam ko naman na pakana niya 'to. Grabe. Hindi ko na talaga siya kilala. Ibang level na 'yung pagiging pagkatao niya at pagtrato niya sa amin.

"Aurora, we need to report this immediately..."

"L-Let's just clean this mess..."

Jax sighed as I continue to walk. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko, magulo rin, nakataob ang kama ko pati narin ang lahat ng mga papeles ko sa school nakakalat lang sa sahig. Naramdaman kong sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko maitindihan kung bakit ganito... Ano bang dahilan niya para pati ang unit ko guluhin niya?

Halos mamuo ang luha ko nang makita ko 'yung mga libro ko na punit-punit. Binili ko mga 'to gamit pera ko... Halos pag-ipunan ko ang mga 'to... Tapos sisirain lang nila ng ganito. Napayakap na lang ako sa libro ko habang tinitignan ang kabuonan ng kwarto ko.

I heavily sighed... There's something really she need to know.

"Ate..."

Napalingon ako. Nakita ko si Michelle na nakatayo sa pintuan ng kwarto. She looks so sad... Na parang kanina lang masaya siya habang kumakain kaming dalawa. Ngumiti ako sa kaniya. Na sana malaman niya na ayos lang ako... Habang nasa tabi ko si Michelle magiging okay lang ang lahat.

"I should leave... If Mom doing these crazy things for me I wouldn't—"

"No, hindi ka uuwi." Pag-putol ko sa kaniya. Kahit na sirain niya pa ang pagkatao ko sa lahat ng tao hindi ko iiwan sa kaniya ang kapatid ko. Unti-unti nang nawawala ang ang tiwala ko kay Mommy. Ano pa bang kailangan niya kay Michelle kung halos pabayaan na lang niya na mamatay sa gutom si Michelle. "I wouldn't happen either..."

"Ate, naman. Ito na 'yung sinasabi ko... Ayokong mapahamak ka..." Her eyes were scared... Nangangamba ang boses niya.

"Lilipat tayo... Nakita na ng dalawang mata mo kung paano tayo tratuhin ni Mommy. Nag bago na siya... Hindi na niya tayo anak. Wala na siyang pakielam sa atin..." My chest tightened. "Halos sirain na niya ang tinitirahan ko..."

May namumuong luha sa mata ni Michelle nang tignan ko siya. Alam kong matatag siya na gaya sa akin... Alam kong sasama siya sa 'kin dahil ako na lang ang sandalan niya.

"But this is for your sake, Ate. I wouldn't know what happen next... Hindi ko alam kung ano gagawin sa 'yo ni Mommy sa susunod..."

"I am not afraid... Hindi ako takot."

"I know you're not scared, Ate. Pero baka mamaya may bigla na lang may mangyari sa 'yo. Hindi ko na kaya pag nawala ka pa sa tabi ko..." She wiped her tears. "Kaya please, hayaan mo na lang akong umalis, babalik ako kay Mommy para hindi na niya 'to ulitin."

Hindi ko rin siguro matatanggap kapag may mangyari sa kaniya. Hindi ko na siguro ako papayag na makukulong pa siya sa kwarto niya ng ilang linggo. Halos nag-iba na itsura ni Michelle... Kaya wala na akong tiwala para ibigay sa kaniya kapatid ko.

"I can't do that..." I said at sinubukan mag-lakad sa likod niya pero napahinto ako sa sinabi niya.

"I will tell you everything..." She said. Tumingin ako sa kaniya ng diretso. Parang wala nang gana ang mga mata niya habang tignan niya ako. "Alam kong wala ka ng tiwala kay Mommy... Ganun narin ako... Pero sana maniwala ka sa sasabihin ko... Kung... Kung bakit halos hindi na ako lumabas ng kwarto."

Tomorrow Is Pain (Dominguez Series #03) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon