Chapter 5 - Boyfriend?????

10 2 0
                                    


Daniel's POV


Kinakabahan ako, pero dapat hindi ko ipahalata.


Nagda-drive na ako ngayon papunta sa Philippine Orthopedic Institute na nasa Quezon City daw according to Faye.


Nabigla rin ako nung sabihin sa akin ng school nurse yun kanina.. as in. Shit!!


Dapat masaya ako, kaso kinakabahan talaga ako, baka mamaya bungangaan ako nito ni Sam.


Alam ko hanggang nayon namumula parin ang pisngi ko.


Sh*t Daniel!! How gay!


Ganito kasi yun,,,


*Flashback*

Napaangat ng ulo namin ni Faye ng lumabas ang nurse

" Mr. Daniel sinuggest ko po kay Miss Sam na dalhin po siya kaagad sa orthopedic para matingnan kung may mga nadamage na buto sa paa niya. Since ikaw naman ang boyfriend niya eh ikaw na ang magbubuhat sa kanya. Sumama ka na rin Faye." - the nurse uttered.

"Naku hindi niya po ako boy-" -

"Sus!! Magdedeny ka pa! Eh ang lagkit lagkit nga ng tingin mo sa kanya. Hindi ba yun boyfriend. Oh siya basta buhatin mo na yun, baka bumaba na yun sa kama lumala pa yung pilay niya."

"Naku Miss hindi naman po talaga kam-" Bago ko pa natapos ang sasabihin ko eh nawala na siya.

Nakita ko si Faye na pinipigilan ang tawa.

"Tatawa-tawa mo diyan Faye?"

"Relax, sus! Ikaw huh? Lagkit pala ng tingin mo ki bestie... hahahah I can't blame you. Boyfriend??!!! Hahahahah"

"Stop it Faye!! It's not funny. Baka may makarinig sayo sabihin totoo."

"Bakit ayaw mo ba? Hindi ka ba nakakaramdam ng pagnanasa sa bestfriend ko?

"What the hell Faye! Pagnanasa kagad? Hindi ba pwedeng Crush muna?"

"Hahaha Sayo narin yan nanggalin-"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya eh bumukas na ang pinto ng room kung nasaan si Sam.

Bigla akong kinabahan.. Namumutla na ata ako. Narinig ba niya?

"Bakit ba ang tagal niyo? Tsaka sinong crush?" tanong ni Sam

TERRIFIED 'cause I'm in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon