"WELL, IT'S REALLY NICE TO SEE YOU HERE TONIGHT. Nabanggit ni Sky na madalas ka nga rito, pero ito ang unang beses na nakita kita rito sa pub simula nang magkakilala tayo noong nakaraang buwan," anang isa sa mga kaibigan at kapwa-car racer ng patron client niyang si Sky O'Hana. His name was Denver; isa ring kilalang car racer. "I'll call you next week to do business, then? May kailangan akong ipa-ayos na piyesa ng bago kong sasakyan.""Nah, I won't be available next week. Kung minamadali mo ay may isusuhesityon akong ibang shop. I've known them for years, I know they wouldn't let you down."
"Oh, it's all good. Kailan ka bakante? Mas gusto kong sa kakilala ko na ipagkatiwala ang sasakyan ko."
"A week after. May pupuntahan ako sa susunod na linggo at wala ako sa workshop kaya..." Nahinto siya sa pagpapaliwanag nang sa muli niyang paglingon sa mesang pinag-iwanan niya kay Trini ay may nakita.
Masyado siyang naaliw sa pakikipag-usap sa mga bagong kakilala na nawala sa isip niyang linguning muli si Trini. It had been ten minutes, and he did not expect that the next time he'd turn his head back to her, she would be sitting there with another guy.
Deewee.
How the hell did he get here?
"Genesis?"
Ibinalik niya ang pansin sa mga kausap. "Ah, yes. Where was I...?"
"Sinabi mong may pupuntahan ka sa susunod na linggo kaya ire-reschedule na lang natin ang pagpunta mo sa bahay ko para sa aayusing sasakyan."
"Right. You have my number and you can just call me on the second week of October."
"Alright, tatawagan kita."
Matapos pa ang ilang sandali ay nagpaalam na siya sa mga ito. Bumalik siya sa mesa, at habang naglalakad ay nagpupuyos ang dibdib niya.
He had totally forgotten about his cellphone. Kung hindi niya iyon naiwan sa mesa ay baka hindi na-contact ni Trini si Deewee. At hindi sana nasira ang gabi niya! Pero kahit na hindi niya gusto ang presensya roon ni Dee ay nagpakawala pa rin siya ng ngiti. He just hoped Trini wouldn't notice how fakely that smile was.
Pagdating sa mesa ay,
"Deewee! How the hell did you get here?" He tried to sound lively and thrilled. Pero ang totoo'y gusto niyang itaboy paalis ang lalaki.
"Gene!" Tumayo ito at inabot ang kamay sa kaniya. Deewee initiated a high-five, at gusto niyang itampal ang palad niya rito pero muli ay nagpigil siya. "How's it doing?"
"Good. Good." Ngumiti siya bago naupo. Naupo na rin si Deewee. Si Trini ang nasa pagitan nila. "Huhulaan ko pa ba kung paano mo natunton ang lugar na ito?"
Banayad na natawa si Deewee. "Trini texted me using your phone. She told me that you're both here. Nasa Ramirez ako at nasa malapit lang ang hotel na tinutuloyan ko."
"Well then, mas masaya kung mas marami."
"Right." Itinaas ni Deewee ang hawak na orange juice na muntik na niyang ikatawa. "Cheers!"
Kinuha niya ang isa sa dalawang Kamikaze shots na hindi pa naiinom ni Trini at iyon ang ini-clink sa baso ni Deewee. Si Trini naman ay hindi nakisali sa kanila at nakataas ang isang kilay na dinala sa bibig ang baso nito ng Jack 'N Coke. Binalingan niya ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)
RomansaRISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | GEMINI Title: Isaac Genesis Zodiac Genre: Romantic comedy | Light Erotica | R-18 Synopsis: Gene and Trini have shared a close friendship for 24 years, having met at the age of 5. Their bond is so strong that others...