Chapter 1: Can't Be Real

4 0 0
                                    

Chapter 1: Can't Be Real


Euthalia's (Talya) P.O.V:


When you are tired, people will call you lazy.

When you feel depressed, people will call you dramatic.

When you do your hobbies, people will think you're just wasting your time.

When you're old enough and doesn't have a job, people will think you're hopeless.

When you're always showing your smile, people will think that you doesn't feel the downfall. That you doesn't care whatever happens in your life.


It's really hard to be alive.


Parang bawat oras nawawalan ka ng pag-asa. 'Yung isip mo napupuno ng mga negatibong bagay kahit 'di ka naman talaga ganu'n. Tapos 'yung mga taong mangdodown sa'yo, sila pa 'yung pinakamalapit sa'yo.

Gusto mo humingi ng tulong pero natatakot ka na sa maririnig galing sa mga bibig nila.

Parang gusto mo nalang magkulong sa isang kwarto na madilim at pupunta sa isang sulok. Tapos iisipin kung ano nga ba ang nangyari at yayakapin ang sarili.

'Di naman kasi ganito ang plano ko sa sarili ko eh! May pangarap ako na gustong matupad! Pero tulong at suporta ang hinihingi ko kaso mapanghusgang tingin naman ang naibigay.


Gusto ko din naman makalipad.

Gusto ko din makaangat sa langit na tulad ng iba.....


Naidilat ko ang mga mata ko kasunod ng pagtitig  kisame habang hinahayaan na tumulo ang luha.


Umupo ako sa kama tsaka nagstretching ng kaunti pagkatapos ay pinunasan ang mukha.

Pumunta naman ako sa may lababo para maghilamos tsaka uminom muna ng dalawang baso ng maligamgam na tubig.

Nakita ko naman si Mama na buhat-buhat ang apo niya.


"Nasaan si ate Ma?" Tanong ko

"Nag-apply ng trabaho eh, kasama si ate Annika mo pati 'yung kapatid niya"

"Ahh.."


Tumingin naman ako sa orasan para malaman ang oras at sunod na itinuon ang sarili sa lamesa.


"Ma ano pagkain natin? Bili ako, ako na magluluto."

"Bakit 'di ka sumama kanila ate mo?" Tanong naman bigla ni Papa

"Wala.., ayoko lang, ayoko nga kasi ng call center. Kahit mataas sweldo ayoko parin" pagdadahilan ko kahit 'di naman talaga ganu'n


Dahil una sa lahat, nagtry din naman ako mag-apply kaso lagi akong bagsak sa assessment. Bukod pa do'n pa'no ako sasama sa kanila? Eh 'di wala ng tutulong kay Mama sa mga gawaing bahay. Kaming dalawa lang naman halos kumikilos dito eh!.


RedoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon