Chapter 2: Maybe A Chance

1 0 0
                                    

Chapter 2: Maybe A Chance




Euthalia's (Talya) P.O.V:




"Tumayo kayong dalawa dito sa harap hanggang matapos klase ko!" Sabi ng teacher namin sa Math na umirap pa habang ngumunguya ng bubble gum.




No choice kami ni Midori kundi ang tumayo sa harap dahil mas lalo pa kaming pagagalitan kapag 'di kami sumunod.

Habang nakatayo tinitignan ko isa-isa 'yung mga tao sa room, at lahat sila ay naging kaklase ko nga nu'ng Grade 8 ako, 'yung iba 'di ko matandaan ang pangalan kasi 'di ko naman naging ka-close pero alam kong naging classmate ko sila.

Grabe din, kung titignan, sobrang nene at totoy pa namin. Lalo na mga kaibigan ko.




"Kasalanan mo 'to eh!" Napatingin ako kay Midori na bumulong sa'kin "Sabi ko naman kasi sa'yo na gagawa pa ako assignment! Eh 'di sana nakaupo pa ako!"

"Sorry!" Saad ko

"Quiet!" Napatayo naman ako ng diretso tsaka napatingin kay Ma'am "Wala na nga kayong assignment ang iingay niyo pa!"

"Sorry po Ma'am!" Sabay naming saad ni Midori




Nagturo naman si Ma'am at nakinig din ako, review 'yon sa last topic nila, naengganyo ako kasi medyo nagets ko agad siya kumpara nu'ng Grade 8 ako na parang hirap na hirap at 'di kinakaya ng utak.




"Lesson natin ngayon is Measure of Central Tendency; Ungrouped Data. Now, sino nakakaalala ng difference between Mean, Median, and Mode" Tumingin naman ako sa mga kaklase ko, ang nagtaas ay 'yung dalawang nangunguna sa klase "'Wag na kayo, kayo nalang parati!" Sabi pa ni Ma'am




Wala paring nagtataas bukod sa kanila kaya muling nagsalita si Ma'am.




"Tinuro na 'yan nu'ng Grade 7 kayo 'di ba? Kung wala, magtatawag nalang ako---"

"Ma'am!" Singit ko "Ako po magsasagot" tinaasan naman niya ako ng isang kilay

"Ok sige...,"

"Pero Ma'am, kapag tama sagot ko p'wede na kaming umupo ni Midori ah! Hehehe" bigla naman akong pinanlakihan ng mata ni Midori, halatang wala syang tiwala sa'kin na masasagot ko 'yon ng tama.




Well, 'di din naman ako sure kung tama sagot ko eh, kaso mas mataas paniniwala ko na tama parin 'yon. Kumbaga, 80% sure then 20% unsure.




"Bakit kasama siya eh ikaw naman ang sasagot?"

"Eh Ma'am kasalanan ko na wala siyang assignment!"

"Pa'no mo naman naging kasalanan 'yon? Nasa bahay ka ba nila buong magdamag para manggulo?" Sarkastikong tanong niya.

"Opo!" Sagot ko nalang. Pansin ko pa ang pagsinghap ni Midori dahil sa sinabi ko.




Napabuntong hininga si Ma'am.




"Sige, pero pa'no kapag mali sagot mo?"




Napaisip naman ako. Kahit mas mataas 'yung paniniwala ko na tama sagot ko, may chance parin na mali ako.




"Kapag mali Ma'am, tatayo ulit kami ni Midori sa subject niyo bukas"

"Hoy ano ba! Pinapahamak mo naman ako eh!" 'Di ko siya pinansin dahil nakatitig lang ako kay Ma'am.




Nakita ko ang pagngisi niya na parang na-amuse siya sa'kin.




"Sige.., Difference between Mean, Median, and Mode?"




Kung tama pagkakatanda ko....




"Ma'am, 'Yung mean po is ahm..," napaisip naman ako "halimbawa po, yung grade namin sa subject niyo. Like,  Quizzes, Exams, activities, performance task, projects. 'Yung score namin do'n is ia-add then 'yung total idi-divide kung ilang....,"




Wait.., ang hirap naman i-explain!




"Ma'am ano..," lumapit naman ako sa mesa tsaka kumuha ng chalk "pahiram ma'am ah! Hehehe"




Nagsimula naman na akong magsulat




"Halimbawa po..,"




Quizzes = 80

Exam = 87

Activities = 87

Performance Task = 85

Projects = 81




Pagsusulat ko sa board habang binabanggit din 'yon.




"Para po makuha ang mean, ipagpa-plus po 'yung lahat ng scores. So 80 + 87 + 87 + 85 + 81 is equals to 420 po" sabi ko habang sinusulat 'din 'yon. "Ngayon po kapag nakuha na natin 'yung total which is 420, idi-divide naman natin siya sa 5"




Tumingin naman ako sa mga kaklase ko,




"Kung itatanong niyo kung sa'n nakuha ang 5 'yon ay kung ilan ang scores. Like, kung idadagdag ko pa ang assignment para makuha ang grades natin kay ma'am, idi-divide ko siya sa 6 kasi magiging; Quizzes, Exam, Activities, Performance Task, Projects, at assignment na siya" sabi ko pa habang binibilang din 'yon sa mga daliri

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RedoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon