L'KIAS: Let's Keep It A Secret
Chapter 12020.....
Maxim Avellino's pov:
"push! push!"
"Max, huy Max!"
"tangina bilis labanan nyo!"
"Max? Hello!"
"sugod na sa base! Ay tangina 'wag kayo magsurrender! Kaya natin 'to!"
Busy ako sa paglalaro pero may naramdaman akong kumakalabit sa balikat ko.
"ano ba?!" irita kong tanong sa kaibigan kong si Lee na syang kanina pa ako iniinis.
Defeat.....
"yan talo tuloy! Ano ba kasing kailangan mo Lee?!" inis kong tanong sa kanya. "gusto ko lang naman sabihin na may bagong transferee" at nagtaas-baba pa ng kilay nya. Mukang tanga.
"oh tapos?"
"shawty pare..." Gago. Basta talaga shawty lagi syang updated eh.
"wala akong pake" at inirapan ko sya. Bwisit 'yon lang naman pala sasabihin iistorbohin pa ako sa paglalaro.
"himala. Bad mood ka ata, meron ka ba ngayon?" 'di ko na alam kung nang-aasar ba sya or what?
"wala. Bwisit ka kasi kaya ganto ako" sagot ko sa kanya.
"eh bakit ganan ka makareact-" huminto sya saglit. "ahh, aba loyal naman pala ang Maxim Avellino?"
"ulol. Syempre ako pa ba"
"loyal sa hindi naman sya gusto!" pang-aasar nya pa at tumawa ng malakas. Siraulo. "gago ka ba? At sino naman nagsabi na hindi nya ako gusto?" inis kong tanong sa kanya. "sya mismo. 'Wag ka na sa kanya pre, lagi kang dinedeny sa mga tao" sabi pa nito.
Wala na akong pake do'n. Gusto man nya ako or hindi wala akong pake. Basta gusto ko sya.
Hays, bakit ko pa ba kinakausap 'tong lalaking 'to? 'Di ko nga rin alam kung ano ginagawa nya dito eh.
Hindi rin nagtagal pumasok na si prof sa room. May kasama syang babae...shit shawty nga, ang ganda nya.
"Goodmorning class!" pagbati ni prof. Mendez. Nagsi-tayuan naman kami at bumati pabalik.
"today you will have your new classmate" sabi ni prof. "Ms. Aguirre, please introduce yourself" dagdag pa ni prof.
"hi classmates! I'm Alexandria Aguirre...Alexa for short. 18 years old" pagpapakilala nung transferee.
Wait. . .parang familliar yung name nya? Fuck. Don't tell me she's one of my flings before?!
"Ms. Aguirre, please be seated wherever you want. And that will be your final seat 'till the next semester" sabi ni prof. Mendez do'n kay Alexandria.
Sakto naman wala pang nakaupo sa tabi ko sa kanan kaya doon sya umupo. Shit. Baka mamukaan ako nito ha.
'Di rin nagtagal nagsimula nang magdiscuss si prof. Mendez. Hindi naman mahirap kaya hindi na ako nakinig. Ito na rin naman topic namin last meeting.
Boring. . .ang tahimik naman nitong si Alexandria. Dadaldalin ko kaya sa break?
Napatingin naman ako sa isa ko pang katabi, si Lee. Natawa ako ng bahagya kasi mukang focus na focus sya sa pakikinig kay prof. Hindi naman namin kaklase 'yan eh, naki-sit in lang para guluhin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/323105497-288-k478763.jpg)
YOU ARE READING
L'KIAS: Let's Keep It A Secret
Fiksi RemajaA two person whos loving each other, but cant. Paano kung mahal nyo ang isa't isa pero bawal? Anong gagawin mo? This includes a story of a group of friends.