Ilang araw ko na rin siyang sinusundan at sinusubaybayan. Gabi-gabi siyang naglalakbay. Nililibot niya ang aming lugar na para bang umaga ang gabi. Ano ba ang meron sakanya at na humaling ako. Hindi naman siya kagandahan. Sa katunayan mababa lang siya at hindi rin maganda ang pagdala niya sa kanyang sarili. Lumang bistida at tsinelas lamang ang kanyang suot no'ng una ko siyang makita.
Naglalakad ako noon pauwi sa amin ng makita ko ang babaeng iyon na nilalantakan ang kapirasong kamay na kanyang hawak hawak. Nagulat ako at aaminin kong natakot ako sa sandaling iyon. Nagtago ako sa isang sulok at doon nakita ang kanyang mukha. Bagaman malayo ako sa kanya malinaw pa sa akin ang malaking balat sa may noo niya. Naaalala ko ang mga kwento ng aking ina tungkol sa isang babaeng matagal ng nawawala at hinahanap ng kanyang asawa. Isang halimaw sa gabi na kumikitil ng tao at ginagawang pagkain. Siya na ba iyon? Tinanong ko ang sarili ko. At mula noon ay naging anino na niya ako sa kanyang paglalakbay.
Ang hindi mawala sa utak ko ay ang misteryong nababalot sa buong pagkatao niya.
Isang gabi tinanong ako ni Inay. "Bakit ba umaga ka na kung umuwi? Mag iingat ka gumagala ngayon si Maria Labo, Ijo." Wala akong maisagot. Hindi niya na rin naman ako kinulit. Maria pala ang pangalan niya.
Umalis ako ng bahay dahil oras na. Kakaiba ang pakiramdam ko na para bang may mangyayaring hindi ko inaasahan. Kinuha ko ang bawang sa kusina at dali-dali akong lumabas. Halos ilang minuto na akong naglalakad ngunit hindi ko siya masilayan. Lumipat na kaya siya ng lugar?
Nagpatuloy ako sa paghahanap. Pero kanina pa akong naghahanap ngunit wala pa rin siya. Nagulat ako ng biglang may sumulpot sa aking likuran. Malamig na hangin sa likod ng tenga ang aking naramdaman. Parang yelo ang kamay na nakadikit sa aking mga balikat.
"Bawang. Sa tingin mo ba matatakot ako sa bawang? Nagpapatawa ka ata" mas nagulat ako nang magsalita na siya. Dumikit ang kanyang labi sa aking mga tenga. Hindi ko inaasahan na meron siyang nakakaakit na boses na para bang pinapatulog ako.
Tumayo lang ako ng tuwid. Naninigas narin ang katawan ko dahil na rin sa mga kamay niyang yelo. "Matagal mo na akong pinagmamasdan." Sabi niya sa akin.
"O-o-o. Oo." Nauutal kong sabi kay Maria. Inalis niya ang hawak niya sa akin at naglakad papunta sa aking harapan.
"Hindi ka ba natatakot na kainin rin kita?" Nakakapang-akit ang kanyang tinig. Hindi ako takot sayo. Bulong ko sa sarili. "Ano ang dahilan ng iyong pagsunod?" Tanong niya sa akin. Hindi ba niya ako kakainin? Hindi naman siya ganito sa ibang mga tao. Agad niya itong pinapatay. Nakatitig siya sa akin. Naghihitay ng kasagutan. Doon ko nakita ng malapitan ang ganda ni Maria. Kaakit-akit ang kanyang mga ngiti.
"Bakit naman ako matatakot sayo, Maria? Araw at gabi gusto kitang nakikita. Hindi ka mawala sa aking isip..." Hindi ko na napigilan pa. Matagal ko na rin itong tinatago. Kung mamatay man ako ngayon mas gugustuhin ko pang masabi ko sa kanya ang aking nararamdaman. Nagpatuloy ako sa pagsasalita. "...Pwede ba kitang ibigin? Sasamahan kita kahit saan ka pa pumunta. Tanggap ko ang pagkatao mo hindi gaya ng iba diyan." Naging malungkot ang mga mata niya ngunit bigla siyang tumawa. Isang malakas na pagtawa ang narinig ko. Kinabahan ako sa tawang yon.
"Nagpapatawa ka talaga. Sa tingin mo ba madadala mo ako sa ganyang istilo ng pananalita mo. Ang pag-ibig ay para lamang sa tao. Hindi na ako tao isa na akong halimaw. At hindi pwedeng magsama ang tao at halimaw."
Pinilit kong magsalita sa kabila ng kaba. "Bakit naman hindi?"
Nagtaka siya ng una. "Dahil papatayin lang kita at kakainin. Hindi mo ba napansin na hindi ko kayang hindi pumaslang ng isang taong katulad mo. Kawawa ka naman. Sayang lang lahat ng sinabi mo. Sana naman lang ay nakapag paalam ka sa pamilya mo bago mo ako sinundan rito dahil wala akong awa kahit na kanino. At hindi ikaw o kung sino man ang makakapigil sakin. Wala akong sinasanto." Isang malakas na tawa muli ang narinig ko sa kanya. Malakas na malakas. Maaaring narinig ito ng buong kabahayan samin. Hindi ko na ikinagulat ang sumunod niyang hakbang. Inilapat niya ang kanyang ngipin sa aking leeg. Alam ko na sa puntong 'to na eto na ang aking kamatayan. Naramdaman ko ang kagat niya. Ramdam ko ang lalim ng pagkakagat niya. Masakit at unti-unting nanghihina ang aking katawan. Nabitawan ko ang bawang na aking hawak.
Ito ba ang pag-ibig? Masakit. Mahapdi. Minsan ko na ring naranasan ito ngunit walang wala sa mga iniinda ko ngayon. Bumibigay na ako. Nagdidilim na ang paningin ko at nawawalan na ako ng hininga. Kung tunay ngang mahal ko siya, masaya ako na mamatay ako sa piling niya. Sa tabi ng minamahal kong si Maria.
BINABASA MO ANG
INAMORATA [One Shot]
Короткий рассказin·amo·ra·ta \i-ˌna-mə-ˈrä-tə\ "The woman that a man loves" This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to...