ELLE
Ashton and I decided to play chess after lunch. May 20 minutes pa naman bago dumating ang teacher namin ng first period.
"Ayy check" bulong no'ng katabi ko na nanonood.
He's now threatening me with a checkmate. I didn't see that coming. He's winning. I'm nervous, I'm sweating, I'm getting a flash back of the day I was defeated.
But, his move wasn't as perfect as he thought it was. I spotted a mistake. A mistake that can result his own defeat. I can win this, I guess. I moved my light squared bishop to e4, to block the check. And I short castled after. He short castled earlier than me so he took advantage of it.
He pushed his pawns and I moved my light squared bishop to d5 and viola! It's a fork. He's check and I can win his rook HAHA.
"Ay put--"
"Shh!"
"Andiyan na si sir!" Sigaw no'ng ibang boys at nagmadali silang bumalik sa table nila, kung saan kami naglalaro ng chess.
Hindi pa pinatapos 'tong laro namin eih 'no? Sayang. Iniwan ko nalang 'yong chess board ko sakanila. Bahala sila magligpit diyan.
We remain standing as our teacher watch them to fix their seats.
"May late ba?" Seryosong tanong ni sir. Hindi siya gano'n ka-bad mood kumpara no'ng first day of class. Sadyang strict lang talaga si sir pagdating sa oras. Ayaw niya nang may na-le-late.
"Si Jay po sir, wala pa." Sabi no'ng isang lalaki sa likod.
Wala pa siya? Tumingin ako sa bandang likuran at sa labas. Oo nga 'no? First time ata no'n ma-late.
"Shall we start?" Bumalik na si sir sa harapan para i-set up 'yong projector.
1:08 pm, hindi parin dumadating si Jay. Mukhang absent siya ngayon ah. Paano na 'yong mga kaibigan niya sa likod na umaasa sa kakayahan niya sa math?
I'm trying to understand kung ano 'yong nakasulat. But I can't. Kainis na mata 'to. Nasa pinakaharap na nga ako, pero malabo parin.
We heard three soft knocks. "Good afternoon sir, sorry I'm late." Halatang nagmadali si Jay papunta dito sa room. Baka na-traffic siya?
Nakita ko kung gaano kasaya 'yong mga boys sa likod. Akala siguro nila, mag-a-absent na siya.
Mabilis lang lumipas ang oras. Isang oras nalang at Pre-Calculus nanaman. Good thing, vacant namin ngayon sa Gen-Chem. We have time to prepare. May pinagawa nanaman kasing home work saamin sa Pre-Cal.
"Huh? Bakit pataas 'yong parabola mo, eih sabi directrix y= -1?" Tanong ko sa katabi ko, na nangopya lang ng sagot sa kung kanino?
"'Di ko alam sa may-ari." He shrugged
Nakaka-stress naman 'to. Confident na nga ako sa sagot ko tapos ganito? Kasalanan talaga 'to ni ma'am.
Sakto, napadaan si Jay sa harap ko kaya tinawag ko siya.
"Saan nag-open 'yong parabola mo sa number four? Right or up? Kasi 'yong ginawa ko, sa right nag-open 'yong parabola ko." I confidently showed him my solution.
Focus at directrix lang kasi ang given kaya kailangan namin mahanap ang vertex. I know na dapat equal ang focal distance ng focus at dirextrix.
"The focus is (1,1) and the directrix is y= -1. I suppose, the vertex is (0,1) right? Nasa quadrant 1 'yong focus so dapat nasa quadrant 2 'yong directrix para magkatapat sila." I explain it to him. Matiyaga lang na nakinig si Jay. I don't know if he's judging me or something.