“Ma, pahiram na kasi ng payong!”
Pagpupumilit ko kay mama. Ayokong mag tricycle.Lagi na kasing umuulan at pag ganitong umuulan, pinagtatricycle ako ni mama.
Kaso...
Tagulan na talaga beh. Rainy season! Anong aasahan mo? Araw-araw akong mamasahe!?
Kaya nga ako nagtatrabaho kasi gipit kami!
“Wala naman kayong pupuntahan ngayon ma, sige na! Ako muna gagamit ng payong!”
Makasahod lang talaga ako ngayong kinsenas, bibili na ako sa shoppee ng tatlong payong pa!Walang hindi mapapayungan!
Kahit yung goblin na taga payong, siya pa ang papayungan ko!
“Bahala ka Bernadette! Siya, kunin mo na yan at lumayas ka na bago pa mas lumakas iyang ulan.”
Kahit hindi ako natuwa sa pagtawag sa'kin ni mama sa second name ko ay napasayaw-sayaw ako sa utak ko at magiliw na kinuha ang payong.
Hindi naman dapat pinagaagawan 'tong letcheng payong na 'to kase bukod sa 'di naman new year, nakapolkadots ang design n'ya.
Kulay dark green na malapit nang masira pag nagamit pa ng tatlong beses.
'di ba, bilang ko na agad ang mga araw niya? Need ko lang talaga magtipid ngayon kasi paubos na rin ang budget ko pambili ng lunch ko sa trabaho.
Who the heck likes canteen foods 'di ba? Sa mga foodchain ako bumibili bago dumederetcho ng pasok.
Hindi naman ako maarte. Kaso nung mga panahon na may sipon ako, nasasarapan pa ako sa luto nila.
At nung nawala yung sipon ko, halos isuka ko na yung ulam na binibili ko sakanila.
Shet!
Doon ko lang napagtanto na kaya ko pa natitiis kainin dati yung mga ulam na binibili ko sakanila kasi nga wala akong panlasa at may sipon ako!
Hindi ko malaman kung bakit kahit anong klaseng putahe ang gawin nila, ganon parin kalansa! Kahit sa gulay nila na parang half cooked, malansa!
Maisip ko lang ay bumabaligtad na ang sikmura ko.
May own version sila ng mga luto na ulam sa canteen.
At 'Lansa' is their kind of magic sarap. Urgh!
Baka sabihin niyo wala akong awa sa mga staff sa canteen namin at ginagawa lang naman nila ang trabaho nila.
Beh, araw-araw maraming nagrereklamo diyan hindi lang ako. Na kesyo maasim-asim na rin daw yung dessert na natitikman nila.
Na parang nireuse lang daw yung manok sa adobo at nilahok naman sa ibang putahe. Nagegeyst ba mga mamser?
Kahit busy akong kausapin kayo sa utak ko, may nakita akong tatlong lalaki na nagsilabasan sa isang boarding house.
Mapoporma ang suot nila, may isa pangang nakawhite shoes na parang hahamakin ang lahat dahil tagulan na nga nakawhite shoes pa. Wews.
Tumigil silang tatlo doon sa garage na nakabukas at may kinausap na ale.
Napansin ko rin yung ID na suot-suot nila. Pakshet! Kawork ko sila!
Omg kahiya!!! Hindi ko pa naman trip yung mga may makakasalubong kang katrabaho mo.
Yung get up ko kasi pangpasok parang may sakit langs. Nakasandals ako na nakamedyas.
Baka isipin ng mga 'to, jologs ako na sumasabay sa uso.
Nauso kasi bigla 'tong nagsusuot ng medyas habang nakasandals. Ewan ko nga kung bakit 'to nauso!
Ganito lang naman kasi ako magsuot dahil mas mabilis makapagpalit ng sapatos sa locker kesa pagnakapangporma ka talagang sapatos.
Bahala na nga!
Nung mapapadaan na ako sakanila, hinarang ko na lang yung payong sa muka ko para 'di nila ako makita at 'di ko sila makitang nakatingin sa'kin.
Mas nakakahiya kasi pag nakikita mo silang chinecheck ka.
Sabihin pa nila, parang baliw naman 'tong suot ng babae na 'to.
Hoy, mas baliw ka! Nakawhite shoes pero tagulan! Tapakan ko yan eh.
Napakagat ako sa labi ko nang biglang nanahimik sa side nila. Ang alam ko kasi, kinakausap nila yung ale na lumabas sa nakabukas na garahe at nagkuk'wento nga ata sa about sa wala silang payong at kung gaano kalakas ang ulan.
Naririnig ko yun s'yempre dahil maliit lang naman ang agwat namin nung tatlong lalaki. Kabilang kalye lang sila, isang tawid lang.
Malalaman mo rin talaga na nakatingin sila sa'yo pag dumaan ka tapos biglang nanahimik.
Aaaaaghhhh!!!!
Akala ko malalagpasan ko na sila nang matiwasay pero biglang may sumitsit sa'kin.
“Hey, miss!”
Wag kang lilingon Shine, baka 'di naman ikaw ang tinatawag haha! Ha...
Sobrang imposible na ikaw kasi ikaw lang naman yung babae na dadaan sa tapat nila ngayon.
“Miss na nakapayong na polkadots!”
BAKET BA KASE!?!Bakit need idiscribe yung payong kong bulok, p'wede namang miss na nakapayong na lang!
Hindi tuloy maipinta yung muka ko nung nilingon ko sila.
“Bakit po?”Nagtatalo rin ang utak ko kung tatawid ako papalapit sakanila para mas marinig ang sasabihin nila pero dahil shytype na introvert mysterious ang person, nanatili ako sa kinatatayuan ko.
“P'wedeng makisukob?”
Tanong nung lalaki na nakawhite shoes.“H-ha?”
Gulantang ko. Wtf!? Don't tell me makikisukob silang tatlo sa'kin??Muka ba kaming kakasya!?
Ano 'to, trippings?? Sa liit ng payong ko, makikisukob pa kayo?? For one person nga lang 'tong laki nito!
“Payag ka ba miss?”
Muling tanong nung lalaki sa'kin.Hindi pa niya nahihingi ang permiso ko nang tuluyan na 'tong tumawid papalapit sa'kin.
Para ring nag slowmo ang lahat.
Literal, kasi alam niyang umuulan 'di pa siya tumakbo papunta sa'kin at naglakad pa na akala mo nagcacatwalk sa buwan ampoteks.
G'wapo sana kaso parang may tililing sa utak.
“Pasukob miss ah.”
Sabi na niya nang makalapit sa'kin at sumukob sa payong ko.He made himself small because of the way I'm holding my umbrella. Pang height ko lang kasi.
“A-ah sige!”
Utal-utal ko at itinaas ang pagkakahawak sa payong para hindi na siya magkandakubakob sa pagsukob sa'kin.Siya lang pala yung makikisukob, akala ko silang tatlo. Ang tanga naman non beh.
“Ang daya Zeki!”
Natatawang tukoy nung lalaki sa lalaking nakasukob na sa'kin ngayon.“Hahaha! D'yan na kayo mga dre!”
Tapos sa'kin na siya bumaling.
“Tara na miss.”“O-okay!”
Hindi ko mapigilang hindi mautal sakan'ya dahil parang nakatingin ako sa anghel na aksidenteng napunta sa bar kasi ang hot niya tingnan sa wet look n'ya! Nabasa kasi s'ya ng ulan 'di ba?? Kaya medyo basa-basa rin ang buhok n'ya.Tapos meron pa siyang ganitong muka na hindi mo maihahalintulad sa mga model dahil mas g'wapo pa 'to sa mga yon!
“Hmm.”
He hummed while looking at the way I'm holding my umbrella.
“Ako na kayang humawak, nahihirapan ka eh.”Paano ba naman kase 5'2 lang ako tapos parang 5'8 pa siya!
“Teka wag!”
Huli na dahil naagaw na niya sa'kin yung payong ko.
YOU ARE READING
My umbrella
Short StoryIt was one rainy day when you called me and asked me to share my umbrella with you. And it's also the same day that you crazily asked me to be your girlfriend. You were so sudden that I said yes.