Kasabay nang pagkuha niya ng payong sa mga kamay ko ang pagihip nang malakas na hangin kaya bigla 'yong bumaligtad.
Lupa!! Kainin mo na lang ako!!!
Kung mapapahiya pa ako, sulitin niyo na. Pagsabay-sabayin n'yo na please kase sobra na!! Huhuhu.
“A-ako na kasi ha..ha. Mas alam ko kung paano imainobra yung payong pag may malakas na hangin.”
Paliwanag ko. Nakuha ko na rin sakan'ya yung payong at inaayos 'to ngayon mula sa pagkakabaligtad.“Aw, haha. Sorry.”
Awkward na sabi na lang n'ya.Nagsimula na ulit kaming maglakad papunta sa terminal. Ako na ulit yung may hawak ng payong. Kahit nahihirapan ako sa pagdadala ay naisulong naman namin ang isa't-isa.
Sa galing ko ba naman sa pagmamaniobra kapag may malakas na hangin.
Kase never bumaligtad yon sa hawak ko.
Potek, ewan ko kung dapat kong ikaproud yon. Muka naman akong tanga.
“Dito na tayo hehe.”
Saad ko habang tinatali yung payong.“Yeah, salamat. Ang galing mo, by the way!”
Tiningala ko s'ya.
“Ha? S-saan?”
Na dapat 'di ko ginawa. Nasilaw na naman kasi ako sa kag'wapuhan ng tao na 'to.“Sa paghawak nung payong.”
“Hahahaha!”
Hilaw na tawa ko. Wala sanang makakakita sa katangahan ko kung 'di ka nakisukob.“Tara nang sumakay. Malelate na tayo eh.”
Tumalikod ako at uuna na sana pasakay pero bigla niyang hinawakan ang braso ko dahilan para mapatigil ako at mapalingon ulit sakan'ya.“Uhm.. I know this is going to be sudden.”
Tiningnan ko lang s'ya at hinintay pa ang kung anong sasabihin n'ya.
“But, can you be my girlfriend?”
HA?
Hindi ko alam kung totoo yung mga nangyayari ngayon kasi feel ko nananaginip lang ako.
Hindi naman kasi makatotohanan 'tong lahat ng 'to eh.
Yung mga ganitong eksena.
Sa mga fiction stories at palabas lang 'to nangyayari.
Siguro panaginip lang ang lahat ng 'to.
Pero hayop.
Ramdam ko yung lamig ng hangin sa medyo basa kong katawan dahil sa ulan.
Ramdam ko yung paro-paro sa mga sikmura ko.
“Miss?”
Tawag niya sa'kin.It's cold but I'm still sweating fast. What should I do? Nbsb ako. Am I really going to give my first to this stranger?
To this guy whom I just met a moment ago??
“S-sige payag ako.”
Sabi ko at napalunok.TANGA BA AKO? Bakit ako pumayag na maging jowa ng lalaki na 'yon!?
Na sa trabaho na ako at nandito na rin ako sa area kung saan kanina pa ako nakatulala sa kawalan. Ilang minuto na lang din at magsisimula na ang morning meeting namin.
Sabog ako!
Bakit ako nakipagjowaan sa taong kakikilala ko lang??
Shet!
Nadala ako sa kag'wapuhan niya beh, sobrang g'wapo kasi!
Parang nawala lahat ng rason at dahilan sa utak ko nang makita ang muka niya.
Parang lahat ng prinsipyo ko napunta sa pagmumuka niya. Huhu! Mamaya playboy pala yon at may gf na tapos naging kabit pa ako!
Imposibleng wala kasi sa g'wapo niyang yan???
“Hoy Shine!”
“Ay Montero!”
Sigaw ko rin sa gulat.Nasigaw ko yung pangalan nung lalaki na nakipayong sa'kin. Habang na sa bus kasi kami kanina, nagpakilala na kami sa isa't-isa. Sinabi ko ang pangalan ko at sinabi naman niya ang kan'ya. Nagbigayan na rin kami ng contacts.
“Anong montero? Kaya ka ba tulala d'yan kasi nagiisip kang bumili ng kotche? Yan ang ie-loan mo?”
Natawa ako sa kaibigan ko. Kotche rin ang naisip ko kanina nung una kong narinig ang pakilala niya sa'kin.
“Baliw hindi.”
“Eh ano??”
Tanong pa ulit niya.Umiling na lang ako at hinila na s'ya papunta sa meeting.
Saka ko na lang ulit iisipin ang lahat kapag tapos na ang trabaho. Dapat focus muna.
YOU ARE READING
My umbrella
Short StoryIt was one rainy day when you called me and asked me to share my umbrella with you. And it's also the same day that you crazily asked me to be your girlfriend. You were so sudden that I said yes.