Kapitulo 5

15.9K 598 370
                                    

Pagdating ko sa bahay ay hindi muna ako naligo o nagbihis ng pambahay, nagmadali ako sa pagluluto. Pinababa ko kay Chino ang manok mula sa freezer para pagdating ko ay malambot na at mabilis akong makakapagluto ng ulam.

"Ate, nabili mo illustration ko?" tumango ako kay Cathrina at kinuha ang binili ko sa malapit na tindahan ng school supplies.

Agad siyang tumakbo papunta sa kwarto matapos makuha ang binili ko.

Wala man lang thank you na sinabi.

Pagod na pagod ako sa biyahe, ni hindi man lang nagsabi ng pasasalamat si Cathrina.

Umiling ako at nagbasa na lang ng reading para sa PolSci 11 habang inaabangan ang sinaing at ulam na maluto. Nag-text si Mama na ma-la-late raw siya pauwi, inasahan ko na 'yon. Kaya naman pinatulog ko na agad ang dalawa kong kapatid matapos kumain ng hapunan. Subalit sinabi ni Chino na mayroon pa siyang sasagutan sa English na subject niya, kaya naman sinamahan ko siya sa sala. Nasa lapag siya at nasa table ang libro niya, nagsasagot ng kung ano. Ako naman ay nasa hapag-kainan, nagbabasa at nag-u-underline ng mga importanteng detalye sa libro. Si Cathrina ay humihilik na sa silid.

"Ate," tawag ni Chino sa akin. Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Saan ka naguguluhan?"

He turned his head from left to right two times. "May tanong lang ako," tumabi ako sa kanya.

"Pinag-usapan namin kanina sa class 'yung tungkol sa pagbabago. Tinanong kami nung teacher na kung may chance kami, may babaguhin daw ba kami sa buhay namin."

"Mayroon ba?"

"Siguro ang gusto ko lang baguhin ay ang pagkawala ni Papa. Sana nandito pa siya," tumango ako. "Ikaw, Ate? May gusto ka bang baguhin sa buhay mo ngayon?"

Marami.

Muntik ko nang sabihin 'yon. Mabuti na lang at napigilan ko ang bibig ko. I wasn't going to tell that to my brother. Baka masaktan siya. Baka isipin niyang hindi ko sila mahal. Dahil ang mga gusto kong baguhin ay malalaking bagay. And Chino wouldn't understand that because he wasn't in my place and had a narrow mind right now.

"Pareho tayo ng sagot," sabi ko na lang bago tumayo at bumalik sa pag-aaral. My brother eventually fell asleep on the floor. Ginising ko siya at pinapunta sa kama.

When I finished reading, I went out to smoke a stick. This time, I didn't stay in the nearby sari-sari. Pumunta ako sa isang convenience store na malapit dahil gusto kong lagyan ng alak ang tiyan ko. Kahit papaano, siguro naman, ayos lang na gumastos ng kaunti para sa sarili ko gamit ang natirang pera sa 500.

Namili ako ng alak at binili 'yon. Umupo ako sa isa sa mga upuan nung convenience store bago binuksan ang canned beer na hawak. May katabi akong lalaki na kumakain ng cup noodles, pero parang mag-isa lang din ako dahil sa katahimikan dito.

While drinking, I tried to remember what I read in PolSci 11. It was all about political science's nature, essence, and definitions. Political science as a field of science was defined as a coherent and systematic way of creating solutions to societal, economic, educational, and employment problems. The difference between political science and other fields of sciences was that it included values or ethics when making decisions in the system of finding solutions to dilemmas.

Yeah, right. Values? I didn't think the current administration had that. If it did, hindi dapat na-de-delay ang sahod ni Mama kada buwan. Pero siguro, hindi lang ang current administration talaga ang problema, 'yung mga naupo na rin noon sa gobyerno. I rolled my eyes at the realization. Kung alam mong mahihirapan 'yung isang tao dahil matagal ang pagdating ng sahod, wala ka bang dapat gawin, gayong nasa isang trabaho kang sinimulan para sa masa?

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon