Kapitulo 7

17.1K 509 367
                                    

Sa ikatlong linggo ng escuela, naramdaman ko na ang pagod dahil sa sunud-sunod na exams, essays, reportings, at pagbabasa. Hindi ako sumali sa kahit anong org ng school dahil wala ako interes at wala rin akong oras para sa ganoon. Sa tuwing may pagkakataon, iidlip ako sa silid-aralan at magpapagising sa block mate. Nag-aaral naman ako tuwing gabi, kaya ayos lang kung matulog ako bago ang klase. Iyon lang ang tanging bagay na may confidence ako.

"The PEP rally in Diliman will happen next week, will you come? We have tickets na, we can buy you, tapos you pay us back na lang." Si Paula nung Math 11 class namin. "Hindi ako mahilig sa ganyan,"

"Don't you want to support UP for the upcoming season of UAAP? Come on, Abi! Ang sipag-sipag mong mag-aral, but ang tamad mo sa social activities!" medyo nairita ako sa pangungulit niya. Late na naman kasi ako natulog kakaaral kagabi.

"Kayo na lang, hindi ako masayang kasama sa mga ganyan." Paliwanag ko bago tumungo sa upuan para matulog. Ilang minuto ang akong umidlip.

Paggising, nag-aral kami tungkol sa algebraic functions. Then, we had a quick quiz about it. Sabi ng prof namin, mas gusto niya raw nagpapa-quiz agad para fresh pa sa memory ng estudyante 'yung inaral. Mabuti na lang at iyon lang usually ang ginagawa. May ilang pinapauwing homework, pero hindi naman sobrang hirap nung mga 'yon.

Nung dumaan ang Biyernes, nagtanong ulit si Paula sa akin tungkol sa PEP rally, kung gusto ko ba raw sumama. Nang malaman kong may bayad ang ticket, lalo akong hindi sumang-ayon.

"Wala naman akong kilala sa mga athletes ng school natin, e," Paula sat beside me. Ngayon ay nasa KFC kami, kakain ng tanghalian.

"Kahit isa?" pag-usisa ni Sandra habang may tinitipa sa telepono niya. Baka may i-p-post na naman siyang announcement sa GC ng block.

"Wala nga, kaya wala ring kwenta kung sasama ako at wala naman akong planong suportahan."

"Ang harsh naman! For the school man lang?" si Paula. "Ano bang mayroon at gusto mo akong sumama riya'n?" may bahid ng iritasyon ang aking boses. Ngunit hindi ako pinatulan ni Paula.

"Obviously, I want to spend time with one of my friends!"

Staring at her with a blank expression, I moved my eyes to the people walking inside the fast food place instead. Inisip ko ang sinabi ni Paula. Kaibigan na pala ang turing niya sa 'kin? Ganoon din kaya kina Sandra at Mitchelle? Gayong madalas ko silang makasama?

"Ayaw mo ba talaga?" dahil sa tampo na narinig ko sa boses ni Paula, bumigay ako. "Kailan ba?" lumabas ang isang ngisi ni Paula bago niya tinignan ang phone. Ipinakita niya sa akin ang poster ng rally.

"5:30 pm talaga? Matagal ba 'yan?" tanong ko, "Not too sure, based on what I heard, mga two to three hours daw." tumango ako at kinuha ang sariling phone.

"Titignan ko kung kakayanin ko," sambit ko. "Yehey! Libre na kita, as thank you for saying yes!"

Mabait si Paula, hindi dahil nililibre niya ako, kundi dahil totoo ang interes niya sa pagiging... kaibigan ko. Nakakatuwang isipin na may kaibigan na ako sa kolehiyo. Hindi ako pala-kaibigan dahil tahimik lang talaga ako. Walang kaso sa akin kung wala rin akong grupo na palaging sinasamahan. Pero masarap din sa pakiramdam na mayroong may pakialam sa akin sa escuela.

T-in-ext ko si Mama, sabi niya naman ay maaga siyang makauuwi ng Biyernes sa susunod na linggo. Madalang na madalang akong magsabi ng mga ganito... Nakakahiya pala...

Dumaan ang oras ng walang paghinto hanggang araw ng PEP rally. Siguro dahil unang beses ko itong lumabas ng walang iniisip, nasabik din ako. Sabi ni Mama ay mag-enjoy raw ako dahil ang college ay oras ng enjoyment at maiging pag-aaral.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon