Chapter 5: Akong bahala sayo...

57 10 0
                                    

Brianna's POV

I'm wondering, ano kaya yung favor na yun? Yun at yun na lang yung buong iniisip ko simula paggising ko sa hospital. 

By the way, Okay na daw si mom thank GOD!!

Sa ngayun absent ako para mabantayan siya.

"Yan-yan sabi ko wag na wag kang magabsent, andito sila kuya Zac at kuya Rain mo, go home na ok? " Sabi ni mom na nanghihina parin

"Ngayun lang naman ma eh, nagalala talaga ako kahapon" tapos hinaplos ko yung kamay niya

May bigla namang nagbukas nung pinto at pagtingin ko....

Kenetthe Lee??! Halatang gulat din siya, pero lumipat agad kay ma yung tingin niya.

"Hello po tita pinapunta po ako dito ni mama pagaling po kayo " ok? What was that? Close sila??

"Anong ginagawa mo dito? " ay tanga ng question ko!! Malamang nagbisita... pero why? haaaaays.

"Magkakilala na kayo? "--ma

"Yes ma, siya y-yung ikwinento ko sayo na lagi kong nakakabangga at s-sumisira ng araw ko " nakakunot noo pa ako na parang naiinis.
Ngumisi naman tong loko, kainis!

Lumapit siya at may ibinulong

"So ikwinekwento mo na pala ako sa mama mo" bulong niya habang pangiti ngiti pa GHAD!!
itinulak ko siya

"Oh Nak, siya pala yung anak ng best friend ko, gwapo no? " tsaka tumawa silang dalawa.. masusuka ata ako.

"Ma? Siya din ba yung sinabi mong..... " ayokong ituloy >___< tumatayo balahibo ko eh
Alam niyo kung ano yun??

Sinabi saakin ni mama na yung anak na gwapo ng best friend daw niya ang....

MAPAPANGASAWA KO!!

NO WAY HIGH WAY GO AWAY!!! >___<

AS IF!

KAY JERICHO LEE MENDOZA LANG AKO AT WALA NANG IBA.... HUHU

pero alam kong biro lang yun dahil super bata pa kami noon hindi ko nga siya kilala eh...

"Yung sinabi kong, balang araw... " tinakpan ko yung bunganga ni mama... nakakahiya eh siguradong hindi alam ni Kenetthe yung tungkol dun, at paniguradong mang aasar lalo ang lokong Kenetthe na yan!

Tumawa nalang si mama
"Kaya pumasok na kayo ha? Para hindi ko sabihin, Kenetthe ikaw muna bahala kay yan-yan ha" nakangiti pa siya

"Yes tita, no worries, safe siya saakin" Wow lang ha! I rolled my eyes

"Ang daya mo naman ma " nagpout pa ako

nagthumbs up pa si mama kay Kenetthe.

Umuwi ako na kasama parin si Kenetthe

"Mauna ka na nga, susunod naman ako eh " hindi niya ako pinansin tsaka papasok sana siya sa kwarto ko.

"HOOY! Wag ka ngang pumasok, pamilya ko lang nakakapasok diyan" tsaka magpapalit ako noh

"Tss arte, I'm sure ako ang unang makakapasok na bisita dito " taas taas pa siya ng kilay. Haaaayst!

"Baka bwisita! umalis ka nga" sinarahan ko siya ng pinto, hindi ko alam pero laging kumukulo dugo ko sa taong to

Pagbaba ko palang ,dada na siya ng dada... naglalakad na kami at walang tigil ang pag dadada.
Aish!!

Ipinikit ko yung mata ko at huminga ng malalim at humarap sa kanya

"WILL YOU PLEASE SHUT UP??AND JUST LEAVE ME ALONE?? Naiinis ako sa presence mo, at pwede wag ka nang magpakita saakin and stop bothering me.. I hate it!" Pagkasigaw ko nun, narealize ko ang sakit ata ng mga sinabi ko ,my ghad!!

Napatigi naman siya at napatingin lang sa mata ko pero parang sobrang kalmado niya na naka poker face ang. Tsaka naman na siya naglakad papalayo.

STUPID ME!! Ako pa na kokonsensya.
lakad ako ng lakad at hindi ko nga alam kung saan ako napapadpad eh

may humarang pa sakin

Sh*t the 7eleven!! Group ng gang na hindi ko alam ang dahilan kung bakit lagi nila akong kinocorner, at balak na kidnapin .. 7 girls at 11 boys
Si kuya Zac and kuya Rain ang laging nagliligtas sakin but now?? Wala sila!! Lumapit yung 7 na babae  hinawakan naman ako sa braso nung tatlo.

sinampal naman ako nung isa. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nagawa ko para gawin nila saakin 'to!!

Sinampal ulit ako sa magkabilang pisngi at tsaka pay pinaamoy saakin.

"HAHAHAHAHAHAHA finally ! "
at nawalan na ako ng malay

Kenetthe's POV

Bad trip yung babaeng yun ah,!!
Hindi ko alam kung bakit ko siya inaasar eh at kung bakit ang daldal ko sa kanya.. and I'm not used to it sa ibang tao.. sinipa ko yung bato sa daan..

Ay teka meron pala sakin yung mga libro niya tsk!, maybe this is the last na makakausap at makikita ko siya, kung yan ang gusto niya !!

Bumalik ako at hinanap ko siya, saan ba napadpad yun ang bilis naman ata niyang maglakad

"Hahaha, I smell success.. humanda ka Brianna Lyn Santillian " lumaki yung tenga ko.. Brianna? Yanna? Hindi ko alam ang full name niya but Santillian si tita eh, hinanap ko kung nasan nanggagaling yung boses at mg tawanan.

Shete! Hawak nga nila si Brianna at ang bilis nila.. at bakit parang wala siyang malay? at sinasampal sampal siya habang kinakausap.

Sila ata yung 7eleven na group na mga wannabe?

Tumawag ako ng backups kasi talagang hindi din basta basta ang grupong ito
Ang SATELLITE pero wag ka tropa ko mga to

S-Stephen
A-Aeron
T-TJ
E-Echo
L-ako (Lee)
L- Lee (Jericho Lee)
I-Ivan
T-Tyrone
E-Exie

Nandito sila pero wala si Lee at Stephen dahil ako ang nagtawag!
Nagplano kami kasi ang dami nila

Kahit na ang sasakit ng mga sinabi mo kanina

Akong bahala sa'yo!

Nakipag bugbugan naman talaga kami at talagang lugi kami kasi may mga dalang baseball bat at kahoy!

"OMG I think s-si Kenetthe y-yun"  sabi naman nung isang babae

"STOOOP!" sigaw nung isang babae na parang kararating

umiwas naman ako sa ipapalo pa sana saaking baseball bat. 

"I SAID STOP!!" sigaw ulit niya kaya napatigil nalang kami

"Sorry b-boss" what?

nagsitakbuhan sila kahit paika ika na, bugbog sarado din yung tropa ko malalakas sila kapag may armas na dala!

"Salamat mga tol " tinapik ko sila

"Anytime, grabe anong meron?" hindi ko na pinansin si Aaron

binuhat ko na si Yanna, hinatid sa kanila and hindi ko na talaga siya kakausapin pa.

***
A/N: Nyahaha

Destined or coincidence?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon